#2 Haplos at tingin

1.3K 10 0
                                    


Kasalukuyan akong nakatingin sa kanya samantalang nakatingin din siya sakin ng nakangiti.Ang gwapo niya sa puting damit kahit napakasimple ngunit malakas ang dating at bagay sa kanyang maamong mukha.

Hindi ko alam pero napaluha na pala ako at hindi ko na nga ito napigilan pa.Agad kong hinaplos ang Pisngi niya.At sa apat na sulok na nakapaligid sa kanya ay nandoon lang siya.Nakangiti at nakatingin sa akin.

"Mahal kita..at kahit wala ka na sa mundong ito mamahalin pa rin kita! Sana ako nalang ang natrap sa sunog at hindi ikaw!" Malungkot na tinig galing sa aking bibig at agad na nilapag ang Litrato niyang tanging nananatili sa akin.

Masakit pero hanggang haplos at tingin nalang ang magagawa ko saiyo..mahal ko!

DagliWhere stories live. Discover now