CHAPTER 4: WEIRD

1 0 0
                                    

HYACINTH'S


Nagising ako sobrang sakit ng ulo ko ng panga ko pati na rin ng labi ko. Akala ko panaginip lang yung nangyari kagabi. Pero pagtingin ko sa salamin yung pisngi ko may pasa pati yung panga ko, yung gilid ng labi ko pumutok tapos yung buhok ko ang gulo.

"Dapat kase hindi mo na ginalit"pangaral ko sa sarili ko tska pumasok ng banyo. Tska ginawa ang ritwal ko. Hindi ko alam kung pano ko natiis yung sakit na naramdaman ko habang naliligo ako. Kada tama ng tubig sa mga pasa ko feeling ko sinusunog ako.

Pumunta ako ng dinning room dala yung jacket ni X baka kase magkita kami mamaya  pag pasok ko ng dinning room walang tao. Nakahinga naman ako ng maluwag baka umalis na sila. Umupo ako sa pinaka malapit na upuan punong puno ng pagkain ang lamesa tapos ako lang magisa ang kakain. Bumuntong hininga ako tska sinimulang kumain.

"Lady Yaci.. lagyan po nating yelo yung pasa niyo po..."agad akong umiling kay Mercela tska nag okay sign sakanya. "I'm okay... parang hindi na kayo nasanay. Hindi naman masakit"pilit kong ngumiti pero napangiwi ako sa sakit. Aambang lalapit si Mercela pero tinaas ko yung hintuturo ko. "Okay lang talaga. I can handle myself.. thank you sa concern"sabi ko sabay iwas ng tingin.

Nawalan na akong gana kumain kaya tumayo na ako tska tinawag si Manong Jerry at nagpahatid sa school. Habang nasa kotse ako tinatakpan ko ng concealer yung pasa ko tska naglagay ng red lipstick para hindi mahalata na may sugat ako sa labi.

Everybody thinks na I have a perfect family na may step mom ako... akala nila masayang mabuhay sa buhay ko. Pero nagkakamali sila impyerno yung buhay ko...

Nakarating ako sa school halos sabay lang kami ni Ry kaya sabay na kaming pumasok. "Bal! San ba kayo pumunta kagabi ni X? Iniwan mo ko dun sa isip bata na yun!"inis na sabi ni Ry sakin. "Hinatid lang niya ako"maikli kong sabi.

Agad niyang hinawakan yung braso ko tska hinatak papasok ng Cr ng girls. Tska ni lock ang pinto. Tinignan niya pa kung may tao sa bawat cubicle.

"Tell exactly what happened"seryosong sabi niya. I sighed. Hindi talaga ako marunong magtago sakanya. So I did. Kinwento ko sakanya yung nangyari simula nung umiwi ako hanggang sa pagtulog ko.

"Tapos yon... natulog na lang ako"sabi ko pilit tinatago ang sakit sakin. Niyakap ako ni Ry. "It's okay... andito lang ako... bakit kase hindi ka na lang umalis don? You can stay with me..."agad akong umiling sakanya.

"I can't leave my daddy... alam kong hindi parin niya matanggap yung nangyari kay mommy... kaya lang siya nagkakaganon.. pinakasalan pa nga ni dad yung medyo mahiwig ni mom... ibig sabihin non hindi parin nakaka move on si daddy..."sabi ko.

"Pero Yaci...sinasaktan ka nila parehas..."malungkot na sabi ni Ry. "I'm used to it Ry... don't worry...."sabi ko I pat her shoulder tska humarap sa salamin.

Hindi kita yung mga pasa ko, parang wala lang... "eh ikaw kamusta kayo ni Ci-an kagabi?"tinignan ko ang reaksyon niya sa salamin, namula ang pisngi niya tska umiwas ng tingin. Natawa ako sa reaction niya.

"O-okay lang naman kami"mahinang sagot ni Ry. "You can tell me"nakangiting sabi ko sakanya. "Siya lang kase yung lalaking hindi ako kinokonsinti tapos hindi siya plastik na tao... sinasabi niya yung ayaw niya sakin.. and ngayon lang ako nakaramdam ng ganto"ngumiti ako sakanya.

"That's bad"natatawa kong sabi. Nanlaki naman ang mata niya.

"Really?!"hindi makapaniwala niyang sabi. Natawa ako sa reaction niya. "Just kidding!"natatawa kong sabi. Inirapan naman niya ako.

"Tara na nga! Baka ma late pa tayo"aya ko kay Ry tska hinila palabas ng cr. "Yaci!"napalingon ako sa likod ko at nakita si Jerome. Lihim akong napairap. "Mauna ka na Ry susunod ako"sabi ko habang nakatingin parin kay Jerome na papalapit sakin. "Okay..."tska tumahak paalis si Ry.


"Tita Linda told me that you and your dad have a fight last night.. are you okay?"si step mom ang tinutukoy niya. Si Jerome ay anak ng kaibigan ni step mom at pinipilit akong ireto kay Jerome. Alam ko naman balak ni Linda e "Ano naman sayo kung nag away kami?"tanong ko pabalik. Tska humalukipkip sa harap niya.


"I just wanted to check on you... if your okay... look I'm worried..."gusto kong masuka sa sinabi niya. Worried mo mukha mo! Deputa ka!


"The last time I checked your not even my boyfriend. Kaya wala kang dapat ipag alala sakin"mataray kong sabi tska siya tinalikuran.


"Anyare?"bungad sakin ni Ry pagpasok ko sa classroom. "Nag f-feeling boyfriend ko nanaman"simple kong sagot. Tska umupo sa upuan ko. Magkatabi lang kami ng upuan ni Ry kaya komportable ako.

Nilingon ko si Ry, abala siya sa pag t-type ng kung ano sa phone niya, pangiti ngiti pa ang gaga. Sumilip ako pero agad niya akong nakita kaya agad niyang iniwas ang phone niya. "Sino ba yan?"tanong ko. "Friend"sabi niya ng hindi nakatingin sakin.

"Psh K"sabi ko tska pumalumbaba sa arm chair ko at tumingin sa bintana. Napatingin naman ako sa kaklase ko na tinawag ang atensyon naming lahat. "Umuwi na daw. Walang pasok kase mag i-inspection daw yung architect tska engineer para sa renovation ng school"sabi niya. Naghiyawan naman yung mga kaklase ko tska dali daling lumabas ng classroom.

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko pagtingin ko kay Ry nasa phone parin niya yung attention niya. Tinakpan ko ng kamay ko yung phone niya kaya napatingin siya sakin. "Narinig mo ba yung sinabi ni Jc? Walang pasok, tayo na!"sabi ko

"Seryoso?!"tumango ako bigla nanaman siyang tumgin sa phone niya at nagtipa ng kung ano tska kinuha yung bag niya at bumaba na kami. Ang weird talaga ni Ry ngayon.

"Tara mall tayo"aya ni Ry sakin. Tumango ako tska ni text si manong Jerry na pupuntahan ko si daddy. Pumara kami ng taxi or should I say pumara AKO ng taxi kase yung kasama ko parang walang pake sa paligid niya. Nasa phone lang ang attention.

Hinatak ko naman siya papasok ng taxi kase hindi parin nagalaw ang gaga. Tska tumahak papuntang mall.




 Nainlove Ako Sa Isang Hype Beast|| ONGOINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora