Chapter 14

823 43 9
                                    

Rhian's POV

"Rhian.."

Bigla akong napalayo kay Glaiza ng marinig ko ang isang boses ng lalaki. Nanlaki ang mata ko at halos malaglag ang panga ko ng makita ko kung sino ang taong nakahuli samin ni Glaiza

"Nar?"

Hindi niya ako pinansin bagkus ay tumalikod ito at lumakad palayo. Agad ko naman siyang hinabol at nararamdaman kong hinahabol din kami ni Glaiza sa likod

"Nar wait lang!!" Naabutan ko din siya sa wakas at pinaharap ko siya sakin

"Ilang araw ng paulit ulit na tumatawag sakin si Jason. Tinatanong niya sakin kung bakit daw napapabayaan ko na ang wedding ninyo? Na bakit daw hinahayaan kita na ayusin ang papeles mo on your own. Bakit daw hanggang ngayon wala pa din akong naibibigay na progress sakanya about the preparation." Mataman itong nakatingin sakin. As if he is very disappointed on what I've done.

Guilty naman talaga ako sa mga nangyari. Halos makalimutan ko na ang tungkol sa kasal ko. Halos makalimutan ko ng may isang tao pa pala akong iniwan sa ere. Halos makalimutan ko na si Jason

Hinawakan ko si Nar and I pleaded to him

"I'm sorry Nar. Please forgive me. Magpapaliwanag ako--"

"Hindi mo dapat sakin sinasabi yan. You better explain to your fiance not me" yun na lang ang huli niyang sinabi bago tanggalin ang kamay ko at iwan ako dun.

I broke down at napaupo na lang ako sa buhanginan. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Fear, disappointment, guilt at marami pang iba. Hindi ko na alam kung ano ang mas nangingibabaw

Maya maya pa ay may naramdaman akong umupo din sa harap ko. At first I thought it was Glaiza, pero pag angat ko ng tingin ay isang lalaki ang nakatingin sakin

I'm not quite sure kung lalake nga ito pero para kasing medyo may pagka feminine pa ang mukha niya. And what's more surprising ay pakiramdam ko ay kilala ko kung sino siya

"Rhian?" He asked. As if hindi siya sigurado kung ako nga yun

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Amazed itong napangiti sakin "Hindi mo ba ako namumukhaan? Ako to si Angge! Well, Angelo na ngayon, but hey it's still me" Pagpapakilala niya at ewan ko parang biglang naglaho lahat ng pinoproblema at iniiyak ko kanina

Yung magulo kong nararamdaman kanina, mas lalo lang gumulo. Lalo ngayon na nadagdagan ito ng pagkagulat, pagkalito, pagtataka, at relief.

"Angge? Ikaw ba talaga yan? Paano? Kelan?" Halos di ko na alam kung pano siya kakausapin. Ang dami kong tanong pero sobrang nagulat talaga ako

Umupo ito sa tabi ako at dahan dahan akong kinakalma

"Since namatay si Katrina. Sinimulan kong magbago at mag move on, simula nung nawala siya. You see, matagal ng kami ni Katrina but I regretted that I didn't find the courage to fight for her back then. Naging duwag ako at pinilit ko siyang itago ang relasyon namin, alam kong nasasaktan ko siya dati pero hindi ko pinansin yun. Takot kasi ako na madisappoint sakin yung mga taong nakapaligid samin. Kung sana noon palang alam ko na mangyayari yung nangyari kay Katrina, sana hindi ako nagpakaduwag. Sana hindi ko siya nasaktan"maikli pero damang dama mo ang sakit at panghihinayang habang nagkkwento siya

"I'm so sorry for your loss.." yun na lang ang tangi kong nasabi at saka niya pinunasan ang luha niya

"It's okay, ako nga dapat ang magsorry sayo eh. Alam kong napakalaking abala na ng nagawa ko sa inyo ni Glaiza. Sobra lang naman kasi akong naexcite nung nakita ko kung gaano kayo kasaya ni Glaiza nung kinasal namin kayo ni Katrina. For the first time, dun ko lang nakita  yung kaibigan namin na ngumiti ng ganun . You look so inlove that day, at kahit na mabilisan lang kasal, it felt too real to the both of you. Akala nga namin ay magtutuloy yung sa inyong dalawa after your wedding kaso hindi naman na kayo nagkita after that"

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now