Chapter 6

1.7K 147 16
                                    

Rhian's POV

Infidelity

"So, ilan ba ang mga naging ex mo?" Tanong ko sakanya habang nagddinner kami

Itinaas niya ang mga kamay niya, at hinarap sakin

"Sampu?!" Gulat na tanong ko pero hindi niya ako sinagot dahil ngumunguya pa siya

Inabot niya lang ang mga kamay ko at itinaas din sa harap namin

"Bente?!" Tanong ko ulit pero sunod niya ginawa ay itininaas niya ang dalawa niya sa upuan at parang binibilang pati ang mga daliri sa paa kasama nung akin

"Don't tell me umabot pa ng 40 yan?!" Amused na tanong ko pero nagkibit balikat siya

"Actually I lost count na nga eh?"

"Grabe!!! Ganun ka dami?!" Napanganga na lang ako literal

"Well, masisisi mo ba sila kung madali silang mahulog sa kagwapuhan ko?" Sabi naman niya with matching pogi pose

Napatampal na lang ako ng noo

Jusko! Ibang klase pala talaga ang kamandag nitong babaeng to

"Kailangan ko yung no.nga mga ex mo para malaman ko kung kamusta ka as a girlfriend.."

"Hindi ako nagtatago ng number ng mga ex ko. Pero baka yung pinsan ko na si Ketchup meron nun" sagot naman niya at tinawagan na niya ang pinsan niya

Kinabukasan, kaharap na namin ngayon nila Lovi at Max ang mga ex ni Glaiza

Pare pareho kaming napatulala sa nakita namin nung pumasok kami sa loob ng restaurant

Nageexpect lang kasi kami ng mga 5 hanggang sa 10 tao pero halos 50 katao ang dumating ngayon kaya naman wala kaming choice kundi ipasara ang buong lugar

"Gano ba kaganda tong 'hubby' mo at ganito kadami ang exes niya?" Manghang tanong ni Lovi

"You have no idea.." Kibit balikat ko na lang at lumapit na kami sa mga ex ni Glaiza

Agad na kaming nagsimula na interviewihin sila

"So kamusta naman si Glaiza as a girlfriend?"

"Sobrang lambing.." Girl 1

"Napaka gentlewoman.." Girl 10

"Napakamaalagain.." Girl 15

"Ang ganda ng mata niya!!" Girl 22

"Ang gandang boses niya!" Girl 25

"Sobrang lakas ng dating.." Girl 30

"Mas gwapo pa siya kesa sa mga lalaking nakilala ko.." Girl 35

"Ang papi!!!!" Girl 45

"Sarap maglambitin sa braso niya.." Girl 50

And the list goes on....

Halos abutin na kami ng 10 ng gabi sa sobrang daming kwento ng mga ex niya tungkol sa kanya at sa totoo lang wala talaga silang masabi na hindi maganda sakanya.

Puro compliment at puro sweet things ang lumalabas sakanila. So ano to? Kahit madaming naging jowa si Glaiza eh santo pa din siyang maituturing, ganun ba?

Maya maya ay nagring ang phone ko. Speaking of the angel

"Hello wifey! Asan ka na? Nandito na ako?" Sabi niya at agad ko naman siyang nakita pagpasok niya sa resto.

Marry Me StrangerWhere stories live. Discover now