"I'm sorry."
Tila may bumuhos na malamig na tubig sa dalaga ng marinig ang pag hingi ng tawad na'yon ni Diocel.

Muling humarap ito sa binata. Ngayon ay ilang hakbang ang pagitan nila sa isa't isa.

"I should said yes... I should said yes when you asked me if I missed you... I should said yes when you asked me if I love you." Paliwanag n'ya.
"I'm damn. I'm totally damn because I don't even know why it's hard for me to tell you everything." Saglit na huminto ito.

"....I become cold to you. I treat you badly, Until I realize how pathetic I was to treat you like that. I was pathetic to made you feel worthless, stupid and unimportant."
Nag iinit narin ang mata nito at nag babadya ng mag labas ng likodo.
"...I know it's too late but, I want you to know that I already knew I don't love Audrey anymore. I'm just scared to become a memory to her. I'm just scared that she might forget me." Bahagyang umusad ito papalapit.

"Vianna. Ikaw yung mahal ko at patawarin mo'ko kung kailangan mo pang masaktan at mawala para lang maralize ko lahat 'yon."

Nangiti ang dalaga na animo'y hindi makapaniwala sa nasabi nito pero kumikisap ang mga mata n'ya dahil sa tuwa.

Namalayan nalang nito ang sariling mga paa malapit sa binata para bigyan ng mahigpit at masuyong halik ito na ginantihan naman ng binata.

Nag kakaisa ang nararamdaman nila.











  _________________________________________ 

A/N 

OST #3 

 It's not easy letting go By: Daryl Ong 

__________________________________________




 AUDREY POV 

"Sure ka na ba talaga te?" Malungkot na tanong ni Kelly habang nakahawak sa kamay ko. 

"Mamimiss ka namin, Audrey." Malungkot din na sabat ni Bernadette.

 Pumunta ako dito sa locker room namin para kunin na ang ilang gamit na naiwan ko dito. 

Nag file narin ako ng resignation letter at kahit pa hindi pa iyon na pipirmahan ay aalis nako. Hindi ko na aantayin ang pag pirma ni Tristan doon dahil alam kong baka hindi n'ya pa gawin ang bagay na'yon.

 "Ano ba kayo. Pwede naman kayong dumalaw sa bahay noh." Natatawang alok ko. Pakiramdam ko kasi ay babaha ng iyakan dito.

 "E ba't kasi kailangan mo pang mag resign?!" Animo'y batang inagawan ng lollipop na si Bernadette.

 "Aray!" Mabilis na humawak ito ulo n'ya ng mabatukan s'ya ni kelly.

 "Gaga. Alangan namang mag stay pa s'ya dito diba nga ikakasal na ang kaibigan at ex n'ya. Ikaw sa tingin mo lang." Sambit nito na tumingin sa'kin. Doon naman nawala ang ngiti ko. Ang maalala ang pag papakasal nila.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon