CHAPTER 11: Chasing Pavements

Start from the beginning
                                    

Nang nakalabas ako agad na naglakad ako patungong chapel. Medyo malayo iyon sa bahay dahil nasa may looban iyon ng subdivision at mas malapit sa mga mas malalaking bahay, er, mansions pala. Malaki lang bahay namin, pero may mas malalaki pang bahay sa may looban ng subdivision namin at take note, exclusive lang sa mga home owners and their household lang ang pupwedeng makapasok sa portion na iyon. Kaya mas kokonti ang mga natambay sa park nila sa looban unlike sa park malapit sa amin na tambayan ng mga students ng school.

Habang naglalakad ay mas napaisip ako tungkol sa pag-alis ni kuya Ryan. Anak naman ng tinapa. Useless naman itong paglalakad ko e. Naalala ko pa rin yung gabing iyon. Yun yung gabing magkahalo ang emosyong nararamdaman ko. Naalala ko pa rin kung paano ko sya nasaktan dahil hindi ako lumaban. Naalala ko pa rin yung napag-usapan namin tungkol sa fiance nya. Naaalala ko pa rin na gusto nyang ihatid ko sya sa airport. Bakit ganito Lord? Bakit ganito kahirap lumimot? Hindi ba pwedeng parang file lang sa computer yung sakit na pupwedeng edelete na lang para mawala na?

Napayuko ako dahil sa pag-iisip. Napansin ko na may nakasunod sa likod ko. Nang lumingon ako, bigla naman nawala. Ganun? Nang maglakad uli ako, naramdaman kong sumunod uli siya. Kaya natakot ako at mas binilisan ko pa ang paglalakad. Pero nakasunod pa rin sya.

Hanubayan?! Baka magnanakaw sya, o kaya kidnapper o baka stalker~

Hindi ka naman kai-stalk i-stalk noh. Wag ka nga dyan Ara. Oo nga naman. Sino ba ang may matinong pag-iisip na ii-stalk ang isang kagaya kong mataba at hindi kagandahan diba? Tss. Napaka-low ng self esteem ko. (-_-")

O baka naman rapist? Seryoso?! Rapist talaga author? Hindi nga ako "kai-stalk i-stalk" tapos may magde-dare pang rape-in ako? Baliw talaga itong author. Tanga pa. Nananakot. Hindi nakakatawa.

Nakaabot na ako sa chapel sa kakatakbo. Napalingon ako sa likuran ko at THANK YOU GOD wala na sya. Since sirado yung chapel (opo, nakakadena pa po yung gate), naupo na lang ako dun sa hagdan dahil pagod na nga ako. Hindi ako si super darna para hindi mapagod noh.

While sitting on those church's steps, I realized something. Bakit hindi ko ipaglaban si kuya Ryan? May time pa naman diba? Baka magbago pa isip nya. Nang tumatakbo ako kanina para layuan yung sumusunod sa akin, na realize ko na napaka-iksi lang ng buhay. tsaka YOLO nga e, "You Only Live Once". Sa iksi ng buhay, dapat maging masaya ako. Dapat maging masaya si kuya. At alam ko kung ano ang magpapasaya sa amin pareho. Bahala na si batman kung ano man ang mangyari later. Well cross the bridge when we get there. But for no, i have to make sure he'd know how i feel about him, and stop him from going away. I have to correct my mistake.

Napatingin ako sa watch ko at nakita ko na may time pa ako na humabol sa flight nya. it's only 9am at 1pm pa naman yung flight nya. I took my phone out of my pocket at idinial ang number ni kuya Ryan. Pero naka-off ang phone nya. I tried calling his friends pero hindi ma-contact. I almost lost hope but hindi ko sya dapat sukuan. Hindi ko gagawin iyon. Tumayo ako at patakbong tumawid sa kalsada habang paulit ulit na dina-dial ang number ni kuya Ryan.

"Sagutin mo. Sagutin mo kasi. Sa~"

*SCREEECHHH!!!

[Josef's POV]

Anak ng cincong duling!  Kamuntik na yun ah. Kung hindi ko naiisipang ipaayos ang brakes ng motorsiklo ko, malamang nakahandusay na ako sa kalsada ngayon. Anak nang! Male-late na ako sa usapan namin ni Mary Ann. She called me asking for another chance. Sabi nya it was a mistake breaking up with me. Hindi ko alam, pero medyo sayang yung isang buwan na naging kami. Kasi nga sya ang pinakamatagal kong karelasyon. Nakakapanghinayang lang kasi. Maganda siya, sexy, malambing din. Yun nga lang medyo hindi kagandahan ang ugali. Pero i decided to give her a chance. Anyway, everyone deserves a second chance diba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Chubilita: the Golden VoiceWhere stories live. Discover now