CHAPTER 11: Chasing Pavements

72 1 0
                                    

CHAPTER 11: Chasing Pavements

(A/N: Sorry for being so slow in updating. I'm just...Urrgh. Busy (i hate that word, seryoso). But since nakahanap ng time, here you go chubbies! Sana magustuhan nyo ito kahit na puro iyak lang yata nagawa ni Megara dito. hahaha. Hayaan nyo at babawi ako sa susunod. Pramis ko yan. Btw, salamat sa friend ko na nasa Chile ngayon, faileah ang username nya, dahil pinagtyagaan nya ang pagbabasa nito at inaantabayanan nya talaga. Super friend ka talaga kahit kelan. :3 Sabog na heart ko bos! hehe. Yun lang. Enjoy chubbies!)

[Megara's POV]

Saturday. Ito ang pinakahihintay na araw ng mga estudyante every week dahil siempre walang pasok. Makakahilata sila ng matagal sa mga kama nila at siguro makakapaglakwatsa na rin buong araw. Siguro karamihan sa mga schoolmates ko ngayon nasa mall at nagpapalamig. O baka naman nagpuntang resort at nalangoy sa pool. *sigh Nakakainggit sila. Siguro enjoy na enjoy sila ngayong araw. Para sa akin, kada patak ng Segundo at bawat galaw ng orasan ko sa kwartong ito ay pasakit sa akin. Wala akong ibang ginawa mula nung nagising ako kundi ang humilata san aka-tiles na sahig ng kwarto ko at magmukmok.  Oo, tama ang basa mo. Sa sahig. Weird ba yun? Kasi may kama naman diba? Pero ganito ako kapag nasa bahay at nag-iisip. Nakasanayan ko nang sa sahig nakalupasay.

Ano nga ba ang iniisip ko? Ahhh, oo nga pala. Nagtatalo ang kalooban ko ngayon kung pupunta ba ako sa airport o ano. Walang tao ngayon sa bahay dahil nga sabado at day-off ng mga kasambahay namin. Sina mama naman nagpunta sa OBgyne nya. Isasama sana nila ako kaso ayoko. Nagtaka nga sila pero ang sabi'y okay lang daw na hindi ako sumama para may tao ang bahay. (-_-") Okay noh? Ok lang sa kanila na maiwan mag-isa ang panganay nila sa bahay na sobrang laki at ni isang katulong ay wala. Tss. Nice. Wala naman sigurong magnanakaw ng ganito kaaga. Its 6:30am kaya imposible naman sigurong mangyari yun diba? Siguro nagtataka kayo kung bakit 6:30am umalis silang lahat noh?  Hmmm... Nagsiuwian muna sa kanikanilang probinsya ang ilang kasambahay, at yung ilan na malayo pa ang probinsya ay nagpunta naman sa kanikanilang kamag-anak na madaling puntahan mula rito. Nasa city yung OB ni mama kaya kailangan nilang agahan ang pag-alis kasi nga medyo malayo yun. Tsaka mamimili na rin sila ng iba pang gamit ng baby.

Mabalik ako. So ayun at ginulo ko yung buhok ko dahil masakit na talaga yung utak ko kakaisip. Kaasar naman! Ngayon ko lang naranasan ang magkaganito. Dati tanging algebra lang ang nagkakapagpasakit ng ulo ko. Para na talaga akong baliw. My brain is trying to make up its mind (kung meron bang ganun). The logical right brain tells me not to go since obviously  I'll get hurt and it's much better for everyone if I get out of the picture, but my emotional left brain's protesting like crazy, telling me to go and stop him yada yada yada. Tas nakikiepal pa itong puso ko. URGHHH! To think hearts are made to pump blood. Tss. This stinks. Anatomy I HATE YOU!!! (">_<) 

*ikaw lamang ang aking minamahal

ikaw lamang ang tangi kong inaasam

makapiling ka habangbuhay

ikaw lamang si ~~~

Inabot ko ang phone ko at saka pinatay. Badtrip talaga. Bakit ba hindi ako nagsa-silent ng phone? Yan tuloy, naalala ko yung date namin nung may gig yung mga kaibigan nya. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Wala na ba talagang pagkapagod tear ducts? Amp.

Sigurado ako na sina Carly at Kuys lang yung tumawag. Malamang si Ate Mau na rin. At kuya Troy. At siguro si kuya Rya~... Snap out of it Megara. Wala na sya ok? Wala na kayong pag-asa. Ikaw na rin yung naghanap ng paraan para lumayo sya. Ikaw na ang unang nag-let go kaya just quit it. Let it go!

"Makalabas na nga lang at ng makalanghap ng ibang ihip ng hangin. Puro bitterness ang hangin dito sa bahay. Tss." Sabi ko. Oo, tama nga. Lalabas na lang ako ng bahay at mag-iikot ikot sa subdivision at ng makalimot ako. If I stay in this house, I'd probably would go insane or something. Paunti-unti na nga yatang nawawala ang katinuan ko kasi kanina ko pa kinakausap si Kuro-chan (yung stuff toy kong pusa). First sign of insanity I suppose. (_ _")

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Chubilita: the Golden VoiceWhere stories live. Discover now