Tumingin sa suot na wristwatch si Acid. "You only have one hour left to stop him."

"Ano?!" Napatayo ako. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"You just asked right now." Nagkibit siya ng balikat.

Pilosopong guwapo! Ngali-ngali kong lamukusin ang mukha niya. "Akina ang susi mo."

"What?" Tumaas ang kaliwang kilay ni Acid.

"'Sabi ko, akina ang susi mo!"

Nakatingin lang siya sa akin. Sa inip ko ay kinapkapan ko si Acid, nakapa ko agad sa left pocket niya ang susi. Agad ko iyong kinuha at tinakbo ko ang pinto palabas. Gulat na gulat ang rekasyon niya.

Nang mahimasmasan ay humabol siya sa akin. "Hey, woman!"

Itim na Ferrari ang nasa labas ng gate. Tumunog agad iyon ng pindutin ko ang key. "Magcommute ka na lang, Acid! Kailangan kong maabutan si Ala!"

"No, shit!" Kandatalisod siya palabas ng gate, ang kaso ay nakapasok na ako sa loob ng kotse niya. Pinaghahampas niya ang windshield. Nagsasalita siya pero hindi ko na siya marinig, pero kitang-kita ko ang halos magbuhol na makakapal niyang kilay.

"Sorry, Acid. Pero alang-alang sa pag-ibig, isasakripisyo ko 'tong Ferrari mo." Dahil hindi naman talaga ako magaling magdrive. Bahala na!

Agad kong ini-start ang makina bago pa makaisip ng way si Acid na mapigilan ako. 

Wala akong dapat aksayahing oras. Tama na ang isa lang ang nawala sa akin, hindi ako papayag na pati ang tatay mawala pa. Hindi ko hahayaang makaalis ng bansa si Alamid. Hinding-hindi!

Paesi-esi ako sa kalsada. Mabuti at hindi ko rinig ang labas, busina lang ng mga nakakasalubong kong sasakyan ang naririnig ko at hindi ang mga mura nila.

Pinaharurot ko ang Ferrari. Pasalamat na lang ako at Sunday kaya walang blue men sa kalsada. Nakaalis ako ng Rizal ng walang aberya, maliban sa bangas sa nguso ng Ferrari ni Acid ng magitgit ako ng truck ng isang kilalang bakeshop.

Minalas naman ako pagdating ko ng Edsa. Kandaiyak na ako habang pasulyap-sulya ako sa maliit na analog clock sa ibabaw ng dashboard ng sasakyan. Hindi ko nadala ang cell phone ko kaya hindi ko matawagan si Alamid. Saka hindi ko rin naman sigurado kung sasagot siya sa tawag ko kaya pupuntahan ko na lang siya.

Ang kaso, limang minuto na lang, tapos na ang isang oras!

Hindi ko pa alam ang daan. Mula sa Edsa, sumunod lang ako sa bus na Baclaran na dadaan sa loob ng airport. Wala akong pang GPS na phone kaya wala akong choice kundi sumugal. Pero natalo ako sa sugal. Napaiyak ako nang makitang lumipas na ang isa at kalahating oras.

Patuloy pa rin ako sa pagda-drive hanggang makarating ako sa Mall of Asia. Hinang-hina ako nang bumaba ako ng Ferrari. Sa gilid ako ng kalsada napaupo. Tumingala ako sa langit. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang paglipad ng eroplano sa himpapawid.

Wala na siya. Huli na ako.

"Alamid..." hikbi ko.

Lulugo-lugo akong bumalik sa sasakyan at nagdrive nang walang tiyak na direksyon. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Mabigat ang dibdib ko sa mga emosyong naghahalo-halo.

Paikot-ikot ako sa Maynila. Ilang beses pa akong muntik-muntikang mabangga, mabuti na lang at Sunday, walang huli. At sadyang malakas ang loob ko ngayon na magmaneho.

Kung hindi ko pa nakitang mauubos na ang gas ni Acid ay hindi pa ako matatauhan. Ichineck ko ang glove compartment ng sasakyan, baril ang unang kong nakita. Kinalkal ko ang ibang laman ng compartment. Napangiti ako ng makita ko ang isang leather Versace wallet.

He Doesn't ShareМесто, где живут истории. Откройте их для себя