Hindi pa siya maka-move on sa mga nangyari kanina. It feels like she was being played by the reality that Chase was here in their home. Unexpected and it feels like their home welcomed him.

"Masarap ba, Chase?" tanong ng ina niya sa kay Chase na na kaharap niya ngayon habang kumakain ng paborito niyang kainin tuwing umaga, pancakes.

Chase smiled a bit and answered, "Yes, Tita. It's good!"

Napansin niya naman ang kaniyang ina na napangiti sa naging sagot ng lalaki.

She had no clue how to react in front of Chase. When she noticed he was using a fork earlier while eating his pancake with such grace, she could not help herself but also used a fork.

Nagtaka pa nga ang ina niya sa kaniya at tinanong siya pero hindi na rin siya nito hinintay na sumagot dahil mukhang na-gets rin ng Mama niya ang mga kinikilos niya ngayong umaga.

Tuwing nilulutuan kasi siya ng pancake, kinakamay niya na lang. Hindi na siya gumagamit pa ng kutsara o tinidor. Ngayon, napipilitan siyang gumamit ng tinidor dahil baka mapahiya siya sa harap ni Chase.

"The pancakes are good. Can I have the recipe, Tita?"

Patago siyang napabaling nang tingin kay Chase na ngayon ay nakabaling ang atensyon sa kaniyang ina na umiinom ng kape sa isang sulok.

Her mother was baking something, so she was still here at the kitchen, serving Chase and talking to him nonstop as if she was not here.

Narinig niya namang tumawa ang kaniyang ina.

"If you want to have the recipe, dapat dito ka kakain sa amin tuwing umaga."

Tumawa naman si Chase sa naging tugon ng kaniyang ina at napangiti. Ramdam niya naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Mabilis na talaga ang tibok ng puso niya simula pa kanina at tuwing ngingiti ang laki ay mas bumibilis pa. Aatakehin ata siya.

"I would be glad to," sagot ni Chase at tumawa.

Ang sarap pakinggan ng tawa. Tanggap na tanggap ng tenga ko.

Para sa kaniya, ang tawa ni Chase ay isang musika. At kung bibigyan talaga siya ng pagkakataon, i-re-record niya ang tawa nito tapos pakikinggan niya na animo ay naka-loop ito.

She felt so happy that she heard him laugh, but what made her soul more happy was her mother's laugh. This was the first time she heard her laugh again for two years like she was just minding her own and it was because of Chase.

"Pakinggan naman natin si Precious kung ano ang sagot niya," sabi naman ng kaniyang ina dahilan para mapatigil siya sa pagkain at mapabaling nang atensyon sa kanila.

"Ang ano?" she curiously asked while she knew what her mother was telling her.

Of course, Ma! I also want Chase to eat here every morning. Mas may rason pa nga ata ako na gumising ng mas maaga, e.

"That Chase will eat here every morning," her mother's response.

Ramdam niya ang pag-init ng mukha niya at napabaling na lang ulit sa kinakain.

"Wala namang problema sa akin," sagot niya at napanguso ng madalian para itago ang nagbabadyang ngiti sa kaniyang labi at masayang nagpatuloy sa pagkain ng pancake.

"O, eksayted pa ata ang anak ko, e," sabi ng Mama niya na ikinatigil ng pagkain.

"Ma!" sigaw niya sa ina na mas lalo pang tumawa.

Napabaling siya nang tingin kay Chase at nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya.

It was a wild morning for her; a glorious chaos that seemed to occur in their home for the first time in her life. The atmosphere in the house was so full of joy and laughter that it seemed to have come to life.

Precious Chase of Hearts (Devotion Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ