"Anong sinabi ni Charlotte?" -Me

"That she likes you. That the two of you were dating. Secretly. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin iyon? Hinintay kong umamin ka but you never did," sagot nito.

"What? Sinabi sa iyo ni Charlotte iyon?"

"So stop explaining Zach, I don't want to hear another lies from you," sabi nito at saka kinuha ang bag. Bago ito tuluyang umalis sa room ay nagsalita pa ito.

" Kung gusto mo talagang bumalik yong pagkakaibigan natin, then maybe kailangan nating kalimutan ang nararamdaman natin kay Charlotte. Hindi natin kailangang mag-away dahil lang sa isang babae," sabi nito at isinara na ang pintuan.
Naiwan ako roong mag-isa. Bakit naman kaya sinabi ni Charlotte kay Jiro that we're secretly dating when I haven't even asked her out. Plano ko rin naman iyon but I guess pag-iisipan ko pa ang huling sinabi ni Jiro. Kalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Charlotte? Mahal ko siya pero kaibigan ko rin si Jiro.

I stayed at the room thinking about what Jiro had said nang bumukas ang pinto.

" Maglalaro ka ba?" tanong nong babae sa akin. I recognized her. Siya yong class president nang kabilang section sa team namin.

"No. Not anymore," sagot ko. Hindi na ako maglalaro dahil nawalan na ako nang gana.

"Well kung ganoon naman ay pwede ko bang hiramin yang shirt mo. Pasensiya na pero wala kasing gagamitin si Persia at may laro pa ito eh," sabi noong babae.

Persia? Si Caramel? Wala akong extrang damit na dala at kapag inalis ko ang damit ko ay siguradong maiiwan ako sa room na half-naked.

"Pasensiya na pero kasi wala akong extra shirt," sagot ko.

"O-okay. Then kailangan kong sabihin kay Persia na hindi na ito makakalaro pa sa game," sabi noong class president. Aalis na sana ito but I stopped her.
Inalis ko yong T-shirt ko at iniabot sa class president. I heard her giggled at napatingin pa sa katawan ko.

"Just tell her to use this," sabi ko. Baka kiligin na naman yang Persia na iyan kapag nalaman niyang ako ang may-ari nang damit na susuotin niya. Then naalala ko na naman yong kamatis niyang mukha and I smiled.

Hindi naman siguro ako pagsasamantalahan nito kapag nakatopless ako dito sa room. And besides I'm alone at magiging busy rin ang ibang studyante sa panonood nang laro kung kaya wala munang papasok rito except kapag may kukuha nang kanyang bag rito sa room.  

  Nakaupo lang ako sa room dahil hindi naman ako makalabas because pinahiram ko kay Persia ang shirt ko. She should be thankful dahil isang Zacharius Buenavista ang nagpahiram nang shirt sa kanya. Tumingin ako sa wristwatch ko at 11 na. I stayed in this room for two hours already at ewan ko kung babalik pa yong damit ko o baka naman balak ni Persia na kunin iyon o kung ano man ang pinaplano niya. Sa tingin ko uuwi yata akong hubad ngayon and worst, magiging public display ang katawan ko.

Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Kung hindi lang siguro ako nagback out sa laro ko then maybe nasa gym ako at pinapanood ni Charlotte. Naalala ko tuloy yong sinabi ni Jiro. Seryoso kaya si Charlotte nong sabihin niyang nagdedate kami and besides she's the one asking me out na pumunta sa paborito niyang resto. And totoo bang gusto ako ni Charlotte? Paano at bakit hindi man lang niya sinabi? Naguhuluhan na ako sa mga nangyayari at hindi ko na alam kong sino ang papaniwalaan ko.
The door opened at nakita ko si Persia. Tumingin ito sa akin tas bumaba yong tingin niya sa katawan ko and then I remembered na nakatopless ako. And then I saw her blushed. Baka ngayon lang kasi nakakita nang abs kaya ganyan siya. I tried not to laugh dahil mas pulang pula pa ata siya kaysa sa pisngi ni Jollibee. And then dumating yong class pres at inexplain niya ata kay Persia na sa akin yong suot niya. Until nakita kong basa ang damit ko na suot niya. Okay lang naman sa akin iyon pero hindi niya yata napansing..... napansing medyo bumakat yong.... basta... ayokong sabihin... kasi naman kahit maluwag yong damit ko ay ewan ko ba kung bakit ganoon yong mga babae. I'm not bothered by that pero kasi hindi yata napansin ni Class pres. o kung sino man kanina matapos siyang mabasa. And besides bakit ba kasi masyadong lampa tong Persia na ito. Hindi siya nag-iingat. Kung hindi binato nang chalk dahil nakatulala o nahulog yong lapis tapos may pangalan pa buti nga hindi niya sinulat address niya eh tapos ngayon paano ko sasabihin sa kanya na bakat yong toot.toot.toot. ayokong sabihin dahil alam niyo na.

"Hah? P-pasensiya na wala ka tuloy naisuot," sabi nito. Tumango lang ako at saka tumingin sa kanya diretso sa mata. Syempre kapag bumaba yong mata ko eh baka isipin niya manyak ako o ano.

"By the way, may extra jacket naman ako dito eh," sabi ni Class Pres at hinalungkat ang bag niya para hanapin ang jacket niya.

"T-tutal ako naman yong humiram nang damit mo, gamitin mo muna itong jacket ko. Papatuyuin ko lang tong T-shirt mo," sabi ni Persia. Tiningnan ko ang jacket na iniaabot nito at kulay pink iyon na hoody. Baka magmukha pa akong Bugs bunny kapag sinuot ko iyon.
Nagulat ako nang bumukas ulit ang pinto. This time it was Jiro. Lumapit ito sa amin at may hawak hawak na t-shirt. Siguro ay kasalanan niya kong bakit nabasa si Persia at dinalhan niya ito nang maisusuot. Lumapit ito sa amin at nang makita kong bumaba ang tingin niya sa bandang toot-toot-toot ni Persia ay agad itong umiwas nang tingin. Nabigla na lang ako nang sa akin niya iabot yong dala niya. I know na naiilang na din si Jiro and besides umalis na yong class pres at tatlo na lang kaming naiwan. Iniabot nila sa akin parehas yong dala nila pero yong jacket ni Persia ang kinuha ko para kay Persia na lang ibigay ni Jiro ang T-shirt. But mukha yatang ayaw pang lingonin ni Jiro si Persia kung kaya umalis na ito. At kaming dalawa na lang ang natira sa room. Sinuot ko yung hoody ni Persia at sobrang bitin sa akin. Feeling ko nga mapupunit yata tong damit niya kung gagalaw pa ako.

Umupo ako sa desk at nakita kong paalis na ito. Minabuti kong sabihin na lamang sa kanya dahil baka may makakita pang bakat yong toot-toot-toot niya.

"Persia," tawag ko sa kanya.
Lumingon ito at tumingin sa akin.

"Bakit?" ramdam kong kinakabahan ito sa tono nang boses niya. Hindi naman siguro siya natatakot sa akin o ano para kabahan siya.

Gusto kong sabihin sa kanya na alam niyo na pero hindi ko kaya dahil baka isipin pa niya manyak ako at pinagnanasaan ko siya.

"W-wala," at ang ending hindi ko na nasabi pa.

"N-nga pala.. anong pangalan mo?" tanong nito. So ibig sabihin hindi niya pa alam ang pangalan ko tapos sinulatan na niya ako nang love letter?

"Zach...," sagot ko at nakita kong pangiti-ngiti itong lumabas sa room. I hope she's okay.  

The NotebookWhere stories live. Discover now