Part XXVII Fear

6.4K 113 0
                                    

"Isabella Rose Buenavista"

"Yes, speaking. May I know, who am I talking to?", tanong ko rito.

Tumawa lang ito.Na lubos kong ipinagtaka. "Hindi mo na kailangan malaman kung sino man ako.",anang lalaki sa kabilang linya na lubos kong ipinagtaka.

"Bakit sino kaba?", inis kong tanong rito.

"Hindi na mahalaga yon, Mas mahalaga pa ba na magpakilala ako oh ang buhay ni-"

"Sino?",galit ko naring tanong rito.

"Xander.", pagkarinig ko palamang sa pangalan ni Xander ay nangatog na ang tuhod ko.

"Nagpapatawa kaba. Si Xander imposible pwede ba kung sino ka man tigilan mo ko.", galit na asik ko rito.

"Ayaw mong maniwala. Sige saktan niyo na.", anito sa mga kasama, hindi ko talaga alam kung paniniwalaan ko ito.

"Ahh, tama na para niyo ng awa.", nanlambot ang tuhod ko sa narinig, hindi ako pwedeng magkamali boses ni Xander yon, ramdam na ramdam ko ang takot dito, garalgal na ito magsalita. Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa naririnig kong pambubugbog kay Xander.

"A-anong kai'ilangan nyo.?", nauutal kong tanong rito.

"Naniniwala ka na ba?", tanong nito sa akin.

"O'oo, pa'parang awa nyo na. Wag ni'nyo siyang saktan.", umiiyak kong pagmamakaawa dito. "Ibibigay ko ang lahat parang awa nyo na."

Pakiusap ko rito ngunit tinawanan lamang ako nito.

"Simple lang ang kailangan ko. Ikaw, pumunta ka sa Sitio Pulo-Pulo bukas ng alas tres. Wag na Wag kang magsasama ng pulis kundi todas to. May nagmamanman sayo, alam ko kung ano ang bawat galaw mo. Kailangan mong bumalik ng Pampanga bukas. Pagnalaman ko na nagsumbong ka sa pulis wala kang Xander na aabutan. Maliwanag ba.", utos nito.

"Ou, pero please wag niyo siyang sasaktan.", pakiusap ko rito.

"Okay, may isang salita ako Buenavista. Tumupad ka at tutupad ako.",anito at pinatayan ako.

Pasimple akong lumingon sa paligid, kaunti lang naman ang mga tao na narito sa isla. Agad na akong pumasok at sinabe kay Nanay Fe na aalis na kame.

Punong-puno ng kaba ang dibdib ko. D*mn sino ang may gawa non. Alas nuebe na ng gabi dumating ang bangka na sasakyan namin ni Nanay Fe antok na antok ako pero pinilit kong labanan. Halos apat na oras rin ang byinahe namin.

Sinundo kami ni Mang Gardo, nagpahatid na lamang ako sa condo ko. At pinauwi na ang mga ito sa mansion.

Tinatawagan ko si Xander pero di ko to macontact. Dala ng pagod ay alas dies na ako nagising.

Agad na akong nagprepare upang magbyahe patungong Pampanga. Nasa parking na ako ng makarecieve ako ng text.

+63917*******

Subukan mong, magsabe sa mga pulis at malamig na bangkay na lang ni Xander ang aabutan mo.

Bagaman kikakabahan ay, nagbyahe na ako magaalos-dose narin naman ng simula akong magbyahe.

Sa kasamaang palad ay natraffic ako sa EDSA, ala-una na ng magbyahe ako papasok ng NLEX.

Nakapag exit ako sa Mexico Pampanga, alam ko na ang Sitio Pulo-pulo ay sa liblib na bario ng Mexico. Pagka Exit ay muli akong nakareceive ng text

+63917*******

Masyado kang maaga, wag kang magmadale. Buhay pa naman tong si Xander. Alas tres Buenavista..

+63917*******

May tracker ako sa sasakyan mo. Alam ko kung nasan kana.

Muli akong kinabahan. Naiiyak ako sa sitwasyon namin ni Xander. Bakit, kailangan magkaganito.

Napatingin ako sa paligid at sa relo ko. May tatlumpong minuto pa ako at nakakaramdam narin ako ng gutom.

Agad akong nakakita ng tindahan, bumili na lamang ako ng skyflakes at c2.

Limang minuto bago mag alas tres ay nakatangap ako muli ng text.

+63917*******

Sa likod ng bodega sundan mo lamang ang palatandaan. Wag kang magkakamali.

Ng makarating ako sa bodega ay agad kong sinunod ang utos nito. Dahan dahan akong pumasok. Mukhang wala namang pagala gala na masamang tao na maaaring manakit sa akin.

Hanggang makarating ako sa kwarto.

"Xander."

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon