Chapter 31: The Introductory Party

Start from the beginning
                                    

Anong problema nang dalawang to?

"May problema ba miss?" Tanong ni ZD sa akin. Napakunot naman ang noo ko kasabay ng pagtaas ng isang kilay ko.

Mataman lang na nakatingin sa akin si Andrew. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Seriously? Ganyan ba ang pagsalubong sa akin?" Inis na wika ko sa kanila.

Nanlaki naman ang mga mata nilang dalawa. "Athena?" Gulat na tanong ni Andrew.

"Unless may iba pa kayong hinihintay? Malamang ako to! What happened to you guys?"

"Uh-uhm, you just look ... You look gorgeous my!" Amaze na amaze na wika ni Andrew.

"Nagpaiksi lang ako ng buhok hindi mo na ako nakilala? Asawa ba talaga kita?"

Pinaupo niya muna ako sa upuan sa tabi niya. "Ikaw naman my. Natulala lang ako dahil ibang klase ang ganda mo." Umiling na lang ako sa pinagsasasabi ng lalakeng to. "Nga pala, eto na yung mangga mo. Galing pang Guimaras yan."

Inabot ni Andrew ang isang supot ng mangga. Natakam naman ako agad nang maamoy ko ang mangga. Amoy pa lang alam ko ng matamis ang manggang nabili ni Andrew.

"Thanks dy!" I gave a him a quick peck on his lips. Simple reward what he did.

"Tss. Tama na nga yang lambingan niyo." Mataman akong tinignan ni ZD. "Ano na? Bakit mo kami pinatawag?"

Inilapag ko sa mesa ang isang blueprint. "Pag-aralan niyo yan. Kakailanganin niyo yan para makatakas agad."

Binuklat ni Andrew ang nilapag kong blueprint. Pinag-aralan nila ang lugar.

"At isa pa ..." Nilabas ko ang isang envelope. " ... Eto ang listahan nang mga grupong imbitado sa party. Gusto kong malaman kung may alam kayo patungkol sa mga grupong to."

Binuksan ni ZD ang envelope at binasa ang mga pangalan ng grupong nakalagay doon. Inisa-isa namin ang mga bagay na nalalaman namin patungkol sa bawat grupo.

Kakailanganin ko ang mga bagay na malalaman ko para sa plano ko.

Matapos naming pag-usapan ang mga bagay-bagay. Inabot sa akin ni Andrew ang isang libro. Nasa sasakyan na ako ng maisipan kong buksan ang librong inabot niya. Laking gulat ko nang makita ko ang isang baril.

END OF FLASHBACK

"Pinuno, oras na po." Tumango ako kay Paige.

Kinuha ko ang baril na binigay ni Andrew at nilagay sa purse na hawak ko. Lumabas ako at hinanda ang sarili ko sa lahat ng mangyayari.

Third Person POV

Isa-isa nang pumapasok ang lahat ng inimbitahan ng BPS para sa party. Hindi magkumahog ang mga imbitado sa pakikipag-usap sa isa't-isa habang hindi pa pormal na nagsisimula ang programa para sa gabing iyon.

Samantalang sa kusina naman naghihintay ang Zodiacs ng pagkakataon para makapasok.

"Pre, ang gwapo ko talaga." Nakatitig sa isang siyanse si Gemini habang inaayos ang toque na nasa ulo niya.

"Gago. Buhat pa sariling bangko." Naiiling na saad ni James habang inaayos ang bow tie niya.

"Mga sira ulo. Bakit ba sa akin napunta to?" Angal ni Klein. "Mga walang hiya kayo. Ako pa na model, ako ang naka janitor uniform."

"Angal pa bagay ka naman diyan." Biro ni Charles kay Klein.

"Mga pugo. Puro kayo dakdak. Yung misyon na pinapagawa ni boss."Steve

Mr. and Mrs. Gangster BossWhere stories live. Discover now