“Yeah, my family is invited. ”

Napa- aahh nalang ako. Small world para sa business. 

“Tara na, pasok na tayo,” yaya ni Gail.

NATHAN’S POV

Nakakabanas na dito! Mahigit isang oras na kami dito. Puro mga sosyalen ang mga tao. First time ko tuloy na ma-conscious sa ginagawa ko. Simula sa pag-nguya, pag-lunok, ni ultimo pag-inom iniingatan ko. Takte!

Boy first time =__=

Gail chuckled. Kumunot tuloy ang noo ko. “Ow, bakit?” I asked consciously.

“Wala. Relax, don’t be tensed. Be yourself hahaha!”

I smiled. Maganda talaga siya pag ngumingiti, lalong lalo na pag tumatawa. 

“Oo nga naman Nathan. Kasali ka sa mundong ito noh, I mean sa business world. Baka nga nandito ang parents mo eh. Ilibot mo ang tingin mo. Hahaha.” Sabi naman ni Chloe. Tokwa! May posibilidad nga (_  _”) Narinig kong may pupuntahan daw na party sila Daddy kanina eh. Nauna silang umalis sa akin.

“Tsk, wag sana--- Teka, sila Derrick yun oh.” Sabay turo ko sa left side ni Gail. 

“Hala. Oo nga noh?” Gail said amused.

“Tignan mo oh, almost complete na ang X10. Isa lang ang absent, si… Kurt.. Anong ginagawa nila dito?” Medyo nag-hesitate pa si Chloe nung banggitin niya ang pangalan ni Kurt. Takte! Naririndi lang ako dun.

Simula kasi nung nalaman kong nakipag-break siya kay Gail nung gabing pinakiusapan ko si Kurt na kausapin siya, nababanas na ako sa kanya. Akala ko, maaayos sila yun pala, mag-brebreak lang ~_~

“Business world nga, ang kulit,” sabat ni Dustin. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

 

Mic feedbacks…

“GOOD EVENING EVERYONE, LADIES AND GENTLEMEN. ON BEHALF OF RIVERA’S GROUP OF COMPANIES, WE WOULD LIKE TO THANK ALL OF YOU FOR COMING TONIGHT FOR THIS SURPRISE MERGE OF TWO HUGE COMPANIES AND FOR THE ENGAGEMENT PARTY AT THE SAME TIME. I-REREVEAL NAMIN TONIGHT KUNG ANONG COMPANY ANG MAKIKIPAG-MERGE SA RIVERA’S GROUP OF COMPANIES.”

All guests applaused kaya napapalakpak tuloy ako -___- 

“Astig ng Dad mo, Gail. Ang gwapo pa rin kahit gurang na hahaha,” bulong ni Chloe kay Gail. Hindi naman kahinaan kaya rinig ko.

“Daddy mo yan??” Tanong ko. Ngumiti siya at tumango. Parang proud pa siya. “Wow, ang bata pa pala ng Dad mo.”

“Thanks for the help of our beauty products. May anti-aging for male kaming available.” Napangiti nalang ako sa sinabi ni Gail.

Ay, may nagsasalita pa pala sa stage. Muntik ko ng makalimutan =__=

“SO, I WILL NOT TAKE THIS ANY LONGER. LET US ALL WELCOME THE NEW MEMBER OF RIVERA’S GROUP OF COMPANIES, MR. AND MRS. LEE OF LEE’S ASIAN MALL INCORPORATED. LET’S GIVE THEM A WARM OF APPLAUSE.”

Nakakabingi ang binigay na masigabong palakpakan sa pumanhik sa stage. Parang pamilyar ang apelyido pero hindi ko alam kung saan ko narinig.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now