IPWMSGB7- How to Produce a Baby (PART 1)

25.2K 150 17
                                    

Chapter 7 - How to Produce a Baby (PART 1)

KATHRYN'S POINT OF VIEW

"Kahit na pangit ka at pogi ako. Flat chested ka at macho ako. Bobo ka at matalino ako. Kahit abnormal ka pa at malaki ang sira sa utak. Mahal pa rin kita, siyempre kapatid kita eh"

Hindi ko alam kung bakit kusa nalang akong napangiti

Sa sinabi niyang yon somehow bigla akong natuwa. Siguro kasi matagal ko na rin gustong marinig sa kanya yung mga katagang iyon.

Noong bata kasi kami wala siyang ibang ginawa kundi awayin ako at sabihan ako ng pangit. Pero ngayon nararamdaman ko naman na may pakialam siya sa akin.

"I love you too .."

O____O

"Huh?" nanlaki ang mata niya at nagulat sa mga sinabi ko. Ako din naman eh, nagulat ako sa sinabi ko. Nadala kasi ako masyado sa sinabi niya kanina eh, ayan tuloy >___<

Alam ko namumula na ako sa kahihiyan. Grabeng bibig ito, kung ano ano nalang ang lumalabas eh. Hmmm. Paano ba ako makakalusot nito

"I-I mean siyempre mahal din kita, kasi kapatid kita." nahihiya ako (-___-") first time ko siya sinabihan ng ganyan sa buong talambuhay ko. Kasi hindi naman talaga kami close eh. Ngayon nalang din kami nakapag-usap ng matagal.

Mabuti nalang hindi na siya sumagot. Tumahimik na naman ang atmosphere. At ayun, ang awkward na naman. Nakahawak pa rin kasi siya sa kamay ko.

*wooooooooooshhhhh (sound effect ng hangin)

Dahil nga nakahawak siya sa kamay ko at medyo nakadikit siya sa akin, ramdam kong nanginginig na siya. Medyo lumalamig na rin kasi dito sa loob ng elevator.

"Uhmmm .. Ano .. Nilalamig ka?" tanong ko sa kanya

"H-Hindi no!" asus ang yabang. Hindi raw nilalamig eh, nanginginig na siya ng super -___-

Hinubad ko yung jacket niya at inabot sa kanya. Baka mamaya, magkasakit pa siya. Konsensya ko pa yun kung magkasakit siya ng dahil sa akin diba? Mabuti nalang naka-longsleeves ako, hindi ako masyado lalamigin.

"Oh suotin mo na yan! Huwag ka ng maarte diyan! Hindi raw nilalamig, eh kanina ka pa diyan nanginginig. Kulang nalang mangisay ka na diyan!" tiningnan lang ako nito at tinaboy yung jacket niya

"Psh, kaya ko ang lamig! Macho yata to! Ikaw magsuot niyan patpatin ka pa naman, mabilis kang lalamigin!" arte nito. Binibigay ko na nga sa kanya yung jacket niya kailangan laitin pa ako? Gravity.

"Sige na sayo na yan! Nahiya ka pa eh!" sabay bato sa kanya ng jacket. Pakipot pa siya, gusto rin naman niya.

I'm Pregnant with my Sex God Brother (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon