XIII

9.7K 141 16
                                    

BDL

Hey Deanns. Are you okay?

Huh? Oo naman.

Weh? Okay lang magsabi ka
sakin Deanns.

Okay lang talaga ko Bei

Masakit?

Huh? Hindi ah

Di ako naniniwala sayo.

Di wag ka maniwala.

Magsabi ka lang Deanns. Tutulog na ako. Kung gusto mo magrant dito sa conversation natin go lang.

Goodnight.


Hindi. Di naman masakit eh. Sobra lang. Tagal kong hindi nakaramdam ng sakit. Ganon parin pala. Parang di parin pala talaga kakayanin ng puso ko masaktan.

Nasayang yung ilang taon na pagtatayo ko ng wall para hindi mainlove.







"Ikaw ang gusto ko makita pag gising ko sa umaga"

"Hindi ako uuwi Jema. Wag ka mag alala" and I chuckled nervously

Wag ka naman ganyan Jema. Wag mo ko bigyan ng false hope

Inalalayan ko makahiga si Jema.

Mas nakakakaba pa ang susunod na ginawa nya.

Hinila nya ako at niyakap papunta sa kanya.

Halos magkapatong na kami. Nasa gilid nya ako pero yung upper body ko nasa ibabaw nya.

Inayos nya yung buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Inipit nya sa likod ng tenga ko.

"Huy andito kami ha?" Ponggay said

Napalingon ako. Nakatingin lang samin si Bea at Ponggay.

"Parang kilala ko na kung sino ang gusto mo Jema. Nahahalata ko na simula pa kaninang nasa Van tayo pauwi" Ponggay said

Ako ba Ponggay? Sana ako. Sana ako talaga ang gusto mo. Pero malabo naman mangyari yun eh. Alam kong si Bea talaga.

Nilagay ni Jema ang kamay nya sa likod ng ulo ko.

Nilalapit nya pa lalo yung mukha ko sa mukha nya.

Nilalayo ko naman. Oo. Nilalayo ko. Kahit gustong gusto ko na ilapat ang labi ko sa labi nya.

Hindi ko lang kaya gawin yun. Na lasing sya. Baka hindi nya lang alam ginagawa nya. At ayako mag take advantage kahit gustong gusto ko sya. May respeto ako kay Jema.

"So sino na gusto mo Jema?" Bea asked

Nasa ganong posisyon parin kami. Ang tagal na din. Pero ni hindi man lang ako nakakaramdam ng ngalay.

This time for real (GaWong Fanfic-Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя