V

9.7K 159 18
                                    

"HOY DEANNA WONG WAG KA NA MATULOG DYAN!" Bea shouted

"Ano ba Bei. Pagod ako sa byahe. Patulugin mo naman muna ako"

"Hindi tayo nagpunta ng Baguio para matulog Deanna ha"

"Bei naman. Kahit konti lang"

"Sige, after namin tatlo maligo gigisingin ka na namin tapos maligo ka na ha"

Hindi na ako sumagot at nagtaklob na lang ng kumot.

Sobra yung pagod ko dahil sa nagka problema sa pina-book namin na accommodation. Nakarating kami ng 4am sa Baguio pero nakapasok kami sa Condo ng 9am.

Hindi na talaga kinakaya ng mata ko at tuluyan na akong nakatulog.


I reached for my phone pagkagising ko. 12pm? Bakit hindi nila ako ginising.

Lumingon ako sa side ng Bed ni Bea at Jema at titig na titig sila sa TV even Luigi.

Akala ko ba aalis kami? Bakit nanood nalang sila ng movie? Baka nagkatamaran na din.

"Uhh guys? Akala ko aalis tayo?"

"Oh yea. Hinihintay ka lang namin magising. Maligo ka na" Luigi said

Oh? Sabi nila gigisingin nila ako. Mga baliw talaga.

Simula umalis kami ng Manila hanggang makarating sa Baguio ang tipid tipid mag salita ni Jema. Lagi lang syang tahimik. Maybe nangangapa pa samin. Ilang beses pa lang din naman nya kami nakakasama.

"Saan tayo pupunta ngayon?" I asked

Kakatapos ko lang maligo at nagpupunas lang ako ng buhok.

"Mag grocery na lang tayo. Tayo na magluto ng food natin sa mga susunod na araw" Bea suggest

"Sige marunong ka naman magluto eh" Luigi butted in

"Si Deanns ang marunong eh" Bea said

"E di kayong dalawa" Luigi

"Wag na kayo magtalo dyan. Let's go?" I said

"Tapusin na natin yung movie!" Bea said



"Saan tayo kakain?" I asked

"Pepper Lunch tayo? Or Fridays?" Bea suggest

"Let's go. Nasa left wing ata yun ng mall"

After namin kumain dumeretso na kami sa supermarket to buy our stuff and food for the next days.

"Eto yung rice oh"

"Anong dish ba gusto nyo?"

"Eto nalang"

"2kg po nyan"

After namin mag grocery nadaanan namin ang liquor store.

"Bili muna tayo ng drinks!" Luigi said

"Okay Gi. Sagot mo ba?"  Bea said

"Sige uwi nalang pala tayo"

"HAHAHA kuripot! Sige tara bili tayo" I said

Bumili kami ng titimplahing cocktail and umuwi na sa Condo after.

Pahinga muna ang plan namin for today since pagod din lahat sa byahe. Iinom lang kami sa gabi then bukas na yung gala.



This time for real (GaWong Fanfic-Completed)Where stories live. Discover now