CHAPTER 23: Not Again..

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango naman siya.

“Mag uusap tayo!” – sigaw ko sakanya.

“Huh?! Tigilan mo nga ako Matthew wala akong oras makipag usap sayo!” – sigaw niya.

“Alexis hindi ba dapat lumabas ka? Wag kag mag eskandalo dito sa loob.” – suway nung supervisor sakanya. Tinignan ko yung supervisor para na rin mag thank you.

Hinila ko siya palabas ng coffee shop at isinakay sa kotse.

“Akina?!!” – sigaw niya nung makita niya si Akina sa back seat..

“Akina okay lang ba kung ibaba kita sa sakayan ng taxi?” – tanong ko sakanya.

“Sure! :)” – nakangiting sagot niya...

“Dito nalang ako!” – sabi ni Akina at bumaba na siya.

“Salamat!” – sabi ko sakanya.

Nagdrive na ko papunta sa unit ko, pagdating namin dun. Nakatayo lang siya.

Pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit naiirita ako sa suot ko.

“Baka gusto mong maupo.” – sabi ko sakanya saka ako umupo sa sofa.

Umupo naman siya.

Tahimik lang kami, kahit kasi ako hindi ko alam ang sasabihin ko..

“Magpinsan nga kayo..” – bulong niya.

Napakunot ako ng noo..

“Huh?” – yon lang ang naisagot ko sakanya..

“Gag*..mahal pala ha? Ikakasal na pala.. huli nanaman ako sa balita.” – nakita kong may tumulong luha sa mata niya..

“Huy bat ka umiiyak?” – lumapit ako sakanya at pinunasan yung luha sa pisngi niya, pero hinampas niya yung kamay ko.

“Wag mo nga akong hawakan!” – sigaw niya.

“Bakit ba?”

“Bakit ba?! Eh gag* ka pala eh! May fiancé ka na lumalapit ka pa sakin! Parehas kayo ng pinsan mo!” – sigaw niya.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon