Chapter 1 : ANDY

26 2 0
                                        

Andy.

Sinong nagsabing malungkot mag-isa?

Ang saya ko kasi ang dami ko ng tickets sa TimeZone card ko. Makukuha ko na rin ang biggest Pikachu stuff toy nila. Sana hindi ako maubusan.

After kong magliwaliw, lumabas ako para kumain ng goto. Nasa gitna na ako nang kasarapan sa anghang at sarap ng goto nang may mapansing nagkaka-ingay na tatlong lalaki.

Bigla akong napatigil at hindi malaman ang gagawin kung lilipat ako ng pwesto para hindi nila makita o magkunwaring hindi sila nakita.

Bago pa ako makapag decide ay nakalampas na sila. Tss.

They are my classmates. Famous sila sa school kasi gwapo sila. Ayun, gwapo lang sila. Seniors na kami kaya mas naging kilala pa sila sa buong campus.

We have been classmates for five years, yet we have never ever talked. Wala akong maalala. Ni matapunan nga ng tingin, never.

Well, wala naman dapat issue kasi hindi lang naman ako ang hindi nila pinapansin. They are just too full of themselves, na ang mga low class na gaya ko ay hindi nila papansinin.

Okay, I just don't care. Ga-graduate na kami kaya hindi ko na sila makikita.

Hindi ko halos napansin ang oras, kailangan ko nang umuwi. Kagagaling ko lang sa school at nagderetso rito sa pinakamalapit na mall para makapag wind up.

@home.

Nalulungkot ako kapag uuwi. Kasi makikita ko na naman ang kalagayan ni Papa. Nagkasakit sya at yun ang naging dahilan kung bakit halos mabankrupt ang negosyo namin.

Pero ngayon ay medyo nag-stabilize na ulit.

"Gabi ka na." Sabi ng madrasta ko. Anim na taon na simula nang mawala si mama, at nagkaroon ng bagong asawa si papa, makalipas ang dalawang taon.

"School works." Maiksi kong tugon. Nakakainis ang babaeng yan. Apat na taon na ang nakakalipas, at hindi pa rin sya masanay sa alas syete kong uwi.

Inirapan nya ako at gusto kong magdabog kung wala lang sana si papa sa tapat ko.

"Kumain ka na, Andy." Malambing na sabi ni papa.

Matipid lang akong ngumiti rito. "Mauna na kayo."

Agad akong pumasok sa kwarto ko at doon ay nanggigigil na inirapan sa isipan ko si Lory, ang pangalawang asawa ni papa.

May galit din ako kay papa kasi mabilis nyang napalitan si mama. Halos sampung taon ang agwat nila ni Lory kaya nagda-doubt ako sa intensyon nito kay papa.

Simula nang magsama sila ay biglang lumaki ang expenses ng negosyo namin. I know, kasi ako na ang tumatayong auditor. Maliit lang naman na negosyo yun kasi.

May pwesto kami sa palengke, isang tindahan ng mga dry goods. Kahit ano. At malakas yun nang si mama pa ang nagpapatakbo.

Marami akong naririnig na chismis sa katabi naming pwesto na pineperahan lang daw naman ni Lory si papa. Ayokong makisali sa mga ganun kaya hindi ko na pinatulan.

Nakikita ko rin namang masaya si papa kay Lory, at isa pa ay masipag ito. Malinis ang bahay palagi, at ayaw ko mang tanggapin, masarap ang mga luto nito.

Ang ayoko lang ay maluho ito at maraming kolorete sa mukha. Ayaw nito sa akin and she knows the feeling is mutual.

Nakakapagod ang araw na ito. Kailan ba ako magiging at peace?

Sa school ay wala akong kaibigan. They found me snob, tactless, weird and "bakulaw" daw.

I never make friends with anyone. I am all alone since I entered high school, since my mama passed away.

Bakulaw.

Kasi halos lahat ng exams ko since first year until now ay nape-perfect ko. Consistent top 1 ako at running for Valedictorian ngayon.

Snob.

Kasi wala nga akong pinapansin masyado, at never nagpagaya ng assignments and answers sa exam.

Why would I? I disciplined myself at all things that I do, kaya dapat sila rin. They need to study well at hindi dapat palaasa.

Weird.

I don't know how my being quiet but opinionated persona made them think I am weird.

Tactless.

I always get straight to the point. I always stand as a leader and tell my group mates and classmates what I think even if it'll hurt them.

Why should I care? Nobody cares about me, anyway.

When She Looks Back Where stories live. Discover now