"Hindi kita makontact , so i decided na puntahan ka na lang dito. actually. kagabi pa ako nagpunta dito kaso tulog ka na."

naka ngiti nyang sabi.

ang loko. nakakangiti pa. nakakainis.

umupo ako sa tapat nya at sumandok ng pagkain.

"magmumog ka kaya muna"

hindi ko sya pinansin. humivop nalang ko ng kape.

"eeewwww..."

sabi nya.

inirapan ko ulit sya.

"Alam mo, dun ka sa babae mo. baka di ka madidiri sa mga pinaggagagawa ko. leche ka!"

sigaw ko sa kanya.

"huh? sinong babae naman ang sinasabi mo?"

gulat nyang tanong.

"edi yung. lagi mong kaangkas sa motor. yung ako daw pag weekdays at sya pag week ends. malanding babae. malalandi kayo!"

galit na galit ako habang sinasabi yun.

bigla naman dumating ang mama ko.

"Ano ba yan. nasa harapan kayo ng pagkain ah. mamaya na kayo magusap at kumain muna kayo."

saway ni mama. sinunod ko namn yung sinabi nya. tinuloy ko ang pagkain ko habang masama ang titig kay Arjay. sya naman nakatitig lang din. lumalaban.

nung matapos akong kumain , nagexcuse na ako sa kanila at lumabas ng bahay. maya maya naman sumunod nadin sya.

"Ano yung sinasabi mo?"

tanong nya.

"Di ko alam pangalan ng babae. basta. malaki mata nya. mataba. baboy sya. bagay kayo. ikaw yung kawayan. sya yung lechon!"

asar na asar talaga ako sa kanya.

"haha. ah yung taga Academy. di ko din alam pangalan nun.tinuturuan ko yun ng sayaw. may crush sakin."

pagkasabi nun. kinindatan pa nya ako.

"ang kapal ng pagmumukha mo."

binato ko sya ng panyo na hawak ko.

"totoo naman eh. haha. crush nun ako. tapos ang arte naman. ayun pinagtripan ni A.C. niligawan. sila na ata. lagi nga pumupunta dun si AC pag walang pasok. tapos lago magka angkas sa motor."

sabi nya.

"walang motor si A.C gago ka!"

ako

"motor ko. hinihiram nya. basta full tank pag balik. :)"

natatawa nyang sabi.

hindi ako nagsalita.

maya maya lumapit sya sa akin ay hinawakan ang kamay ko.

"kung kanino mo man narinig ang balitang yan. i mean, ang maling balita na yan. wala na akong pakealam. hindi totoo yun. wala akong ibang girlfriend. wala akong balak mag girlfriend ng iba. nagiisa ka lang dito no."

sabay turo sa puso nya. at nginitian ako.

nakatingin lang ako.

hinawakan nya mga pisngi ko.

"Maniwala ka sakin.

Hindi kita kayang lokohin. "

tapos, bigla nya akong hinila at niyakap.

My First RomanceWhere stories live. Discover now