first drunk

198 8 2
                                    

"bakit mo ko iniwan???"

tanong ko sa kanya sabay tulo ng mga luha ko. natahimik silang lahat dahil sa tanong at pagiyak ko.

ilang minuto din. iyak lang ako ng iyak. tahimik lang sila. nakikiramdam. Sya? hindi ko alam. Siguro nakangiti, pinipigil ang tawa, o baka nalulungkot. Hindi ko alam.

"pare, ihatid mo na si Ayen.. lasing n lasing na."

narinig kong sabi ni Don sa kanya.

"ayoko.. wag ikaw ang maghahatid sakin. wag mo kong ihahatid!"

pagiinarte ko.

"ako nalang maghahatid sa kanya. ako na ang bahala."

sabi ni Adrian.

"sumama ka na boks. igitna nyo si Aien. baka makatulog sa byahe."

nadinig kong sabi nya kay Jason...

pagkatapos nun, inalalayan na nila ako palabas. papunta sa motor nya.

"ingat kayo. Kayo na ang bahala..."

yun ang huli kong narinig na salita nya. bago kami umalis. Pagdating sa bahay. Magisa lang ako. Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog...

thenext morning

beep. beep. beep.

tumunog ang phone ko. leche. sakit ng ulo ko. #hangover.

i checked my phone. Jeff texted me.

jeff: hoy tabang panget.okay ka na? hahaha. wag kang lalabas ng bahay nyo. nakakahiya ka.

napaisip ako. anong meron?

at bigla bigla kong naalala ang lahat.

waaahhhhhhh......

nalasing ako kagabi!

wahhhhhhhh.

bakit? leche kang #theBar ka, bakit mo ko nilasing? bakit? bakit? bakit? :(

ang usapan namin ni Macon at Rich , manonood lang kami ng Coronation ng isang pageant dahil kasali yung kaklase namin nung highschool.

Pero ang mga lecheng lalaking yun. Niyaya kaming uminom.

suka ako ng suka non. ang kulit kulit ko. bawal ang maingay. ako lang ang pede magingay. at ang matinde, si Pipa pa na super crush ko ang naglinis.

at sya.

"bumili ka ng candy. bumili ka ng kape. ayoko nyan.lagyan mo ng milo."

utos ako ng utos sa kanya.

wahhhhhhh. nakakahiya!!!

natatandaan kong nagpaalam na sina Macon at Rich. inihatid aila ni Athan. naiwan ako, para balikan. sila muna yung ihahatid.

pero ang kawalangyaan ni Don.

tinanong ako habang tahimik akong naghihintay..

"Aien, anong gusto mong sabihin kay Arjay?"

hindi ako umiimik.

tumingin ako kay Arjay na mukhang ni reprimand ang ginawang pagtatanong ni Don.

"Uy, aien.. anong gusto mong sabihin kay Arjay.. Mag message ka naman.. minsan lang to..."

pangungulit na naman ni Godo.

at sa pagkakataong yun.

dala nadin ng kalasingan.

at sa di ko pa malamang balugang dahilan...

tinanong ko sya ng

"Bakit mo ko iniwan???"

sabay tulo ng mga luha na hindi ko inaasahang sa tagal ng panahon ay may natitira pa para sa kanya...

at buhat ng gabing yun.

hinding hindi na ako uminom ng The Bar... :D :/

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon