first date

47 5 2
                                    

"aien, kayo pa?"

tanong ni Macon sakin.

Napaisip ako. kakaiba yung tanong nya. bakit bigla syang nagtanong ng ganun.

"huh? ah. eh. ewan. Hindi na." sagot ko. pero kami pa.

"ah. kaya pala. galing ako sa villa kagabi. may nakwento sakin si claudette, yung pinsan nya daw tsaka daw si arjay. lagi daw magka angkas sa motor."

si Macon. natulala lang ako. totoo ba yun? bakit? paano? eh kami pa. hindi kami naghihiwalay. masaya kami. bakit may iba? sino yung iba?

"ayen, okay ka lang?"

tanong ulit ni Macon.

"huh. ah. oo.oo. o- okay lang ako. sige mauna na ako. uuwi na ako."

sagot ko. habang nagmamadali akong lumabas ng school. lunch break ngayon. pero mas gusto kong umuwi ng bahay. kung papasok pa ako mamaya. bahala na. :(

totoo ba yun?

pagdating ko sa bahay. nagderecho ako sa kwarto. hindi ko alam kung anong iisipin at gagawin ko. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. kung maniniwala ba ako o hindi.

kinuha ko phone ko.

ako: Macs, sino yung girl?

Macon: nakalimutan ko yung name eh, basta sa Academy sya napasok. maputi na chubby. maganda din. malaki mata.

ako: ah, ka dancer nya ba?

Macs: oo ata.

ako: ah. cge Salamat. di ako pasok. pakisabi nalang sa mga teacher natin. alam mo na. bahala ka na Macs. thanks.

Macs: ah. no problem. yaan mo na yun.wag mo na isipin. okay? maganda ka. madami pa dyan iba.

ako: salamat. wag mo nalang din sabihin sa kanila yung mapagusapan natin. thanks Macs. tulog muna ako. ingat.

di na sya nagreply. at natulog nadin nga ako. inoff ko phone ko. at binlock ko ang number ni Arjay. bahala sya. naiinis ako sa kanya. hindi sya maiissue ng ganin kung wala talaga syang ginagawa.

tarantado sya. :(

paggising ko. nagtutor ako.

tapos natulog na ulit pagbalik.

wala akong gustong gawin ngayon kundi ang matulog.

kinabukasan hindi ako pumasok.

tinatamad ako.

ayaw ko sya makita.

pagbukas ko ng phone ko. walang text. di man lng sya gumawa ng paraan para makontak ako. nakakainis.

"aien.. aien"

tawag ng mama ko.

hindi ako sumasagot.

"anak. bakit di ka pumasok? bumangon ka na at magalmusal na."

hindi padin ako nagsasalita

"alam ko gising ka na. bumangon ka na jan at kumain ka na. nakahain na ang pagkain."

sigaw nya ulit.

"ma naman kase. ang aga aga pa naman eh."

sabi ko na napilitan na din naman akong bumangon at pumunta sa kusina.

pero nagulat ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

gulat na gulat kong tanong sa lalaking nakaupo sa harap ng dining table namin.

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon