Chapter 3

12 1 0
                                    

Annyeonghaseyo!!! ^^

okaay.. nagiging korean na nman ako.. ahaha. :D

Hyper na nman ako! wahahaha.. well, mas malala ata ako ngayon.. lol :P

Anyway.. kung bakit hyper ako today? well, isa lng answer ko jan.. Today's the day!!!!!!

Ngayon na kasi yung Reyna Elena chuchu.. Magsusuot kasi si Jill ng gown! haha ang babaw ng kaligayahan ko noh? :]

Di nman sa hindi ko pa nakita si jill  na nakagown.. actually, pangalawa ko na nga toh na makikita syang nakagown.. ang point ko, is mapagtitripan ko si Jill! haha ang sama kong pinsan.. lol

Nandito na ako ngayon sa harap ni Jill na inaayusan na.. haha inis na nga sya eh. Wag ko daw syang panoorin. Ayoko nga! :P

Pinagtitripan ko kasi sya.. sabi ko nga baka magmukha syang clown. pero syempre jk lng.. haha

So ayun nilagyan siya ng make up.. inayos yung buhok at pinasuot na yung gown.. at VIOLA! basag ang salamin! haha jk lng.. ganda kaya nya.. mana sakin.. luh? pano nangyari yun? o_O?

So ayun.. pinilit nya ako na sumama ako pag procession.. tagadala ako ng gamit nya -.- tss..

Well at least di naman akong magisa na sasama sakanya.. kasama ko si ate lovely! yehet~

So eto kami ngayon.. papunta na dun sa place kung saan magsisimula.. pinauna na nmin yung arco ni jill (alam nyo nman ata yun? right?).. so ayun naghintay pa kmi ng ilang minutes bago magsimula...

Nagrereklamo na nga si Jill eh.. Palit daw kasi kming pwesto..ayoko nga. Ikaw sumali jan eh haha :P

Tsaka bumababa daw yung peticot ng gown nya.. patulong nga ng patulong itaas eh.. sabi nya nga pagnag debut daw sya, ayaw nyang magpalagay ng peticot sa gown.. luh? debut agad yung naisip. tsk tsk.. haay nako jill.. 12 ka palang! malayo layo pa ang 18!! -.-

So eto nagsimula na yung procession.. masakit na nga daw paa ni jill.. kasalanan nya kung bakit sa nagheels. tsk -.- yan kasi.. kaya nga ayokong sumasali sa mga ganito..

Wala nmang masyadong nangyari..typical procession lng.. maglalakad papunta sa chapel ng st. vicente ferrer.. at kmi naman ni Ate lovely parang mga aso na sumusunod ki Jill.. para kming alalay -.-

Tpos pipicturan ko bigla si Jill.. ganun lng.. kaso nakasimangot na ang maganda kong pinsan.. tsk tsk ang pangit tuloy ng picture.. awww kkaebsong~~

At dahil sa kakapicture ko.. di ko tuloy nakita yung dinadaanan ko kaya may nakabunggo ako..

"Ay.. Mianhae.. este Sorry. Di ko sinasadya."

anubeyen. nagkokorean na ako..

naweirdan siguro si 'kuya' sakin.. haha :D

-------------------

Medyo madilim na nung natapos yung procession. Hindi ko nga pinatanggal ki Jill yung ayos ng buhok nya.. haha ang cute kasi. :]

Bumaklik lng kmi ni Jill sa taas.. dun sa may rooftop/balcony chuchu..

ayos na sana kasi pamusic music lng kmi kaso ayun inutusan kmi ni mom na bumili ng piattos or nova or kahit na anong chips.. kain ng kain si mom, akala mo naglilihi pero imposible nman mangyari yun kasi wla ng ovary si mom.. kaya di na ako pwede magkaroon ng kapatid.. awww~

haha ayos lng yan.. sa totoo lng, may kapatid ako, yun nga lng hindi biologically kundi politically.. kapatid ko yung pinsan kong college na.. si kuya tan.. :) Miss ko na si oppa.. well, kapatid ko lng sya politically dhil yung dad nya isinama yung name ko sa tax chuchu nya.. pero iba name ko dun! My other name is Hana Annie Gonzales.. haha malapit parin sya dun sa true name ko kahit papano :P anyway, share ko lng.. haha

So ayun. Bumili kmi ni Jill ng chips.. sayang walang nova.. huhu T^T favorite ko kasi yun.. sabagay ang kakain naman lng ay si mom.. -.-

Pabalik na kmi ni Jill sa bahay ng may makita akong 5 boys sa may harap ng tindahan katabi ng house kung saan kmi nagse-stay.. well, peripheral vision lng naman (tama ba spelling??)

Anyway, nakaagaw atensyon kasi yung pinaguusapan nila.. Sino daw kasi mas maganda? Yung nakaputing t-shirt or yung nakayellow? And take note, nakaputi po ako..

At alam nyo kung ano yung sagot? Yung nakaputi daw sabi ng isa sakanila.. at syempre nag-agree rin yung iba..

Tsk -.- higit sa lahat, ayokong center of attraction ako.. so ang ginawa ko di ko sila inintindi.. bahala sila :P

Gumawa gawa pa nga ako ng topic na paguusapan nmin ni jill eh.. haha :D palusot.

Kaso.. pagdating nmin ni Jill sa may balcony, nakita pa ako.. tsk -.- tanong ng tanong tuloy.. ano toh romeo and juliet?! nsa balcony si Juliet tpos may mga mokong na romeo sa baba? tsk

Ang only romeo ko lng ay ang exo! haha wala ituh.. baliw sa exo! :D

Anyway.. andito pa rin yung mga mokong tinatawag ako. At ang magaling kong pinsan, instead na samahan nlng akong wag intindihin sila o tulungan man lng ako.. ayun sila pa yung tinulungan.. -.- pinsan ko ba talaga toh?

Sabihin ba nman ang pangalan ko! At kung saan ako nagaaral! tsk -.- I really don't understand her sometimes..

Pinabayaan ko nlng sila... makaalis na nga.. pang pasira ng gabi eh! tsk tsk.. -.-

*****************

A/N: Annyeong!! ^^ ayos po ba? Tell me what you think chingus.. LIKE, COMMENT AND VOTE! :D

♥Jian_68

Story of Us (사 랑)Where stories live. Discover now