Kabanata 1

40 4 0
                                    

"Huwag! Huwag kang magtangkang lumapit!"sigaw ko sa nobyo ni Lendria

"Hindi na siya sayo! Akin na siya!" Sagot niya sa akin

"Pero nakita kita na saktan si Lendria" sabi ko sakanya

"Hindi mo alam ang nangyari!" Babala niya sa akin

"Kahit na! Sinasaktan mo ang taong mahal ko!" Pagmamatapang ko sa kanya

"Tumigil ka na Kyle" bulong ni Lendria sa akin

Pagkatapos ay lumapit siya kay Brandon at umalis sila ng magkahawak ang kamay.

Biglang tumulo ang aking luha. At nagising.

"HINDI KO ALAM KUNG ANO AMG NANGYAYARI SA AKIN. ANONG NANGYAYARI SA AKIN?
PANO BA ITO MAWAWALA?!" Pagsisisigaw ko.

"Kyle, Anong nangyayari sayo?!"pagaalala ni Mama.

"Nanaginip ako ma na sobrang nakakatakot" sagot ko kay mama

"Kalma Kyle." Bilin sakin ni mama.

"Okay na po ako ma, Salamat po"
Pasasalamat ko kay mama

Agad akong bumangon sa kama at binaon sa limot ang mga panaginip na nakuha ko sa aking pagkatulog.

Marami akong gagawin ngayong araw kaya kailangan ko nang mag-ayos. Meron ako ng birthday party na pupuntahan. Sa aking matalik na kaibigan simula pa nung elementary. Siya si Jane. Jane Tan. Isa sa mga babaeng kaklase ko. Maganda rin siya katulad ni Lendria. Dahil sa kanyang angking kagandahan ay nagkaroon siya nang sampung manliligaw; Roel,John,JP,Roger,Jerimiah,Jacob,Mark,Drick,Tom at si Rodray. Lahat sila mayayaman at gwapo. Lahat sila ay binasted ni Jane. Ang dahilan lang naman niya ay "Gusto kong magmahal ng tao na mamahalin ko dahil mahal ko siya hindi dahil sa kung ano ang meron siya. I dont want to be a gold digger my friend". Nananabik na akong makita siya.

Naligo't lahat lahat ang ginawa ko para maging handa sa kanyang birthday. Mamaya pa iyong alas-otso ng umaga. Dadaan muna ako sa Starbucks para bumili ng Frappe.

Dumating ako sa Starbucks. May nakita ako na naging dahilan nang pagtulo ng luha ko. Nakita ko ulit sila. Ang taong mahal ko kasama ang kanyang iba.

"Ayoko nang masaktan ulit. Ayoko nang tumingin."bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko nalang sila pinansin, umorder ng Frappe at umalis.
Sumakay na rin ako ng sasakyan at kumain. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa Mall at bumili ng women watch.

"Alas-otso na pala ng umaga. Kailangan ko ng pumunta sa bahay ni Jane" babala ko sa aking sarili.

Nakarating na din ako sa bahay ni Jane.

"Mi Amigo! You have attended my Birthday!" Bati sa akin ni Jane

"Mi amiga! Happy Birthday!" Sagot ko kay Jane

Sabay abot ng Regalo.

"Thanks!" Pasalamat ni Jane

Pumasok na kami ni Jane sa kanyang bahay.

"Kay laki naman ng bahay mo Jane! Nakakahilo sa laki.

"Hindi naman ganun kalaki" nahihiyang sagot ni Jane

Umupo kami katabi ng pool niya.

"Hindi ko naman ito bahay. Nag-aaral pa ako. Repeater kasi ako kaya 1st Sem palang ako collage."
Kuwento ni Jane

"Kanino itong bahay?" Tanong ko

"Sa magulang ko" simple niyang sagot.

"Alam mo, maraming nangyari sa akin nung hindi na tayo naging magkaklase" sabi niya

Nagsimula na siyang magkuwento.

"Noong nag-iba ka na ng paaralan, marami akong naging manliligaw at isa lang naman ang in-oo-han ko. Siya si Roel. Roel Defuente. Isa siyang napakagwapo na nobyo. Sweet siya at resonsable. Isang araw sinabi niya sa akin na break na kami. Ayaw na daw niya. Dahil duon ay umiyak at umiyak ako hanggang sa ibalak ko na magpakalasing. Nalasing ako na siyang dahilan para magalit ang magulang ko. Pinag-alala ko sila kaya nagalit sila. Pinatigil nila muna ako sa pag-aaral para maayos ko ang sarili ko. At pagkatapos ng anim na buwan, agad akong pumasok sa paaralan. Kaya ngayon, ikaw ay patapos na ng sem ako nagsimula palang.Nakakainggit ka" kuwento niya

"Iyan ang ayaw ko sa love. Kapag tumama makapit. Kapag umalis masakit." Hugot ko sakanya.

"Ka-Birthday Birthday ko maghuhugot ka" biro niya sa akin

"May nangyari kasi."Sagot ko

"Ano?"tanong niya

"Wala na kami ni Lendria" sabi niya

Napalalim ng isip si Jane. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Kyle, may sasabihin ako" sabi sa akin ni Jane

"Ano yun?" tanong ko

"Matagal ka ng niloloko ni Lendria"

Tumigil ang mundo ko. Hindi ako makapaniwala. Paulit ulit na naririnig ko sa aking utak ang kanyang sinabi. Nagsimula na rin na tumulo ang mga luha ko.

"PAANO?!" Tanong ko ng may galit

"Nakita ko siya may kasamang iba. Iba ang titig nila. Nilapitan ko sila at tinanong si Lendria kung sino siya. Sabi niya siya daw yung boyfriend niya." Paliwanag niya

"Nagagalit ako. Kailangan ko ng umalis." Sabi ko na nagmamadali

"HAPPY BIRTHDAY PALA"dagdag ko

Kailangan kong pununta kung saan ko malalabas ang galit ko. Nagmadali ako pumunta sa Airport. Doon ko nilabas lahat ng sakit. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nasasaktan at nahihirapan huminga. I felt I'm drowning even more. Hindi ko alam kung bakit parin masakit. Hindi ko alam ang nangyayari. This day is a nightmare.


____________________________________

Ayan na! Sorry kung late yung Unang Kabanata enjoy reading!!

Hindi Ko Alam: Kuwento ng PaglimotWhere stories live. Discover now