Lead Me | chapter 7

13 2 0
                                    

"Please... don't leave us bata pa ang mga anak natin maawa ka naman! I can give all you want I love you! Please just stay with us we can be a happy family just, just don't leave"

"I can't I love him he's my it.... I can't leave him! Kukuhain ko nalang ang mga bata kung iyon ang problema mo I can raise th-"NO! WAG MONG IDAMAY ANG MGA BATA I WANT YOU BACK!! I want us! baby stay.... I'll give you anything wag ka namang ganyan! Bumalik lang sya sasama ka na agad pano naman kami ng mga anak mo? What about us? Collateral damage lang ba kami? Na kapag may dumating na mas mahalaga iiwan mo na?"

"I'm sorry... please pakawalan mo nalang ako just be happy for me hindi ko kayang mabuhay nang niloloko ang sarili kong mahal kita! Mahal ko sya ayokong ganto ayokong masaktan kita-"WELL I'M HURT ENOUGH PALAGI NALANG AKO ANG NAG HAHABOL TAO DIN AKO NASASAKTAN!! I can't just stand here seeing you happy with someone else...."

"I love our child.... I love them I love Whayne and Ashley....——

This is super weird. Umaga nanaman at napanaginipan ko nanaman yung paulit ulit na usapan na yan. Every day since the incident happen. Halos isang linggo na ay super protective saakin nila Russel. Si Howard din. Ang weird nilang lahat. I guess dahil ayaw na nilang maulit ang nangyari.

Kuya scold me nung nalaman nya ang rason kung bakit ako nasa rooftop. He told me na dapat hindi ako naniniwala sa mga ganon. He's super worried pati narin sila kuya Ethan. Kuya Edward bought me fruits and stuff and kuya Earl gave me the tightest hug. Nakalimutan nga nila si Ellie dahil sa nangyari saakin. I appreciate all of this but the dream.... it's creeping me out.

Hindi ko alam pero parang kilala ko yung mga nag uusap. It's a man and a woman nag tatalo sila palagi at nag uusap kung bakit aalis ang babae and so on pero yung iba nakakalilutan ko. It's just a dream. I shouldn't worry.

Nag ayos na ako para pumasok. Ngayon palang ulit ako papasok. And guess what? The principal want me to rest hanggang gusto ko. Kasalanan din kase nila yon. Hindi nila chinecheck ang mga pasilyo sa school. Yan tuloy halos mag iisang oras akong naka higa sa sahig ng rooftop.

Pagka tapos kong mag ayos, bumaba na ako at nakita ko si Ellie,Kuya Whayne, Kuya Ethan, Kuya Earl and Kuya Edward. Nag kukwentuhan sila at nag tatawanan.

"Goodmorning babe! Kain ka na lika dito" sabi ni kuya Earl habang tinatapik tapik ang katabi nyang upuan.

"Morning..." umupo ako at kumuha ng omelet at bacon.

"Goodmorning. Sasabay na kayo nila Ellie saamin. Mag start na din kase kami ng pasok ngayon. Atsaka nakita ko na din ang sched mo Ashley. Sasabayan ka namin nila kuya Earl at kuya Ethan mo sa lunch." Sabi ni Kuya habang nag lalagay ng extra rice sa plato nya.

"Uhuh... how about Ellie? Sasabayan nyo din sya?" I replied habang ngumunguya. Ang sarap ng omelet! Panalo talaga mag luto si Kuya Edward!

"Nope. Hindi tugma ang sched namin nila Whayne at Earl sakanya. Si Edward lang ang kasabay nya." sabi ni Kuya Ethan saakin habang nakangiti ng nakaka loko.

"HAHAHAHAHA yan napapala mo! pa stem stem ka pa dyan kala mo naman ang talino mo bleh wala ka tuloy kasabay may kalandian pa naman yang si Edward." asar ni Kuya Earl kay Ellie na kinabusangot nito.

"How about let's compare our grades then? Ngayong first sem? Ano game ka? Wala ka namang binatbat kuya HAHAHAHAHA Bobo ka din wag kang mag yabang!" Sagot ni Ellie na kinatawa naming lahat. I miss them. Ang tagal ko din silang hindi nakasama dahil busy sila sa kompanya. Sana ganito palagi.

"How about how about ka pang nalalaman dyan eh... Kala mo naman napaka talino. Atleast ako naka - graduate na dyan sa pesteng k-12 na yan." sagot naman ni Kuya Earl na mas lalong ikinatawa nila Kuya Whayne. Hay mga bata.

After our breakfast umalis na kami. Ginamit namin ang limo na dinadrive ni Von. Ford Transit MWB ata ito. Color black and heavy tinted ang windows. Ito yung ginagamit namin kapag may pupuntahan kaming importante. Pero hindi ko lang alam kung bakit yan yung gamit namin ngayon since sa school lang naman kami pupunta. They're being paranoid again I guess.

Nag uusap usap ang mga lalake tungkol sa kung saan yung susunod na business trip nila habang papunta kami sa school. I'm tired of listening kaya nag headset ako at nag patugtog.

Di nagtagal ay nakarating nadin kami sa school. Same old boring school.

"Ashley and Ellie. Make sure na palagi kayong may kasama kapag mag gagala kayo sa hallway ha?? Alam nyo naman na delikado na lalo na't kilala kayo." Kuya Ethan said whilr looking at his phone.

"If there's something wrong, we're one call away remember that babies." Kuya Earl said with a huge grin.

"Yeah yeah may mga kaibigan naman kami so don't worry bye na." I replied and walk away with Ellie. Sana hindi naman sila ganyan ka paranoid diba?




————————————

Pls vote, comment and share

🍑 mɷcɧɩ 🍑

Lead Me Where stories live. Discover now