Lead Me | chapter 3

35 4 0
                                    




While walking through the hallway, nag uusap padin Kami ni Russel about sa mga gusto namin. You know.... it's like getting to know each other by asking personal questions.

Palagi syang nag bibiro pero hindi nakaka tawa. At dahil nga sa hindi yon nakaka tawa, natatawa na din ako dahil sumisimangot agad sya kapag hindi ako tumawa. Seriously this man. Hindi mo malaman kung bata parin ba o ano.

Pag dating sa cafeteria dinala nya agad ako sa table ng tropa nya. At nandun ang mokong. Nakaka irita din talaga 'to si Russel eh. Alam nya namang may mga kupal kaming school mates na fan nila.

"Guys, meet Ashley Enguero she's sitting with us from now on." Panimula ni Russel sa mga tropapips nyang pogi. Well, they have the looks pero sa ugali. Ewan ko lang.

Agad na tumayo yung isa at inabot ang kamay nya.

"Hey there beautiful. I'm Jacob Ruiz. You can call me Jacob" sabi nya sabay kindat. Dark brown hair, perfect eyebrows, big light brown eyes, pointed nose, and pinkish lips. How dare you talk to me like that?

"DUDEE!!! You don't even want us to call you Jacob tapos si Ashley pwede? Bakit ang landi mo? Bakit Jay Lang pwede naming itawag sayo?" Naiinis na tanong ng mga katropa ni Jacob. Pati si Russel at yung Howard naiinis.

"Ashley is an exception. So stop whining and introduce yourselves dickheads." Sabi ni Jacob. Agad naman syang binatukan nung naka jacket na itim.

"Laurence Ramos. Nice to meet you Ashley." Nakipag kamay sya at ngumiti. Sya yung naka itim na jacket. Jet black hair, thick eyebrows, dark brown eyes, pointed nose, light red lips. Okay. Bakit ganyan yung lips nya? Parang nag lipstick.....

"Matthew. Matthew Felizarta." ngumiti sya at inabot ang kamay nya saakin. Blonde hair, almost perfect eyebrows, grey eyes, pointed nose, full pinkish lips. Siguro may lahi sya. Pero bakit yung apilido nya parang hindi naman....

"Howard Fuente- I know you already. Ikaw yung naka bangga saakin this morning. You don't even say sorry after what you did. Asshole." Gigil kong sabi sakanya.

Nagulat lahat ng nasa table namin. Pati yung mga nanunuod at mga kalapit na table napalingon dahil sa sinabi ko. Ang kapal ng mukha nya.

"I don't know what you're talking about." Sabi nya, nag tataka.

"Oh yeah? Then think about it. Tumatakbo ka non. Alam mo namang madaming tao sa hallways nakuha mo pang tumakbo." Sungit kong sabi sakanya.

Howard's POV

The fuck is she saying? Nabangga? Ano yon nabangga ko sya ng hindi ko alam? Baka naman hindi ako yung naka ba- wait what?!

Hinahabol ako ni Jay dahil tumawag ang mommy nya. Tinatanong kung saan natulog si Jay at kung pumasok ba. Pinag tritripan ko lang naman sya pero may nabangga ako sa hallway papunta sa registrar.

"Pucha" narinig kong bulong nung nabangga ko. Babae pa ata. Hays.

"Hoy kuya hindi kama ang Pinsan ko kaya lubayan mo sya kung ayaw mong ako mismo ang humiga sayo." pagtataray nung babae sa likod namin.

Lead Me Where stories live. Discover now