Chapter 11: Back to sense

Magsimula sa umpisa
                                    

Ipinikit ko ang aking mata at tinakpan ito upang hindi mapuwing sa mga debris na nililipad ng hangin. I should not involved myself in this situation, hindi na dapat ako nangingialam dahil trabaho ito ng class zero. They're the one who's eliminating the lawbreakers.

Pero sa tuwing mapapadako ang tingin ko sa mga taong kinikitil ng lawbreakers, hindi ko maiwasang hindi masaktan.

Isa pang pagsabog ang aking narinig and this time ay mas malakas ito, meaning to say, malapit na ang lawbreaker sa aking direksyon. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga mukha ng nakahintong mga inosenteng tao... Hindi nila deserved na mawala sa mundong ito.

Ikinuyom ko ang aking palad at lumabas sa aking pinagtataguan. Nakita ko ang lawbreaker na may hawak na isang bomba at parang pinaglalaruan niya ito sa kanyang kamay. "Itigil mo na 'yan!" Malakas kong sigaw. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang sa mga oras na ito. Definitely, ayokong mamatay pero ayoko rin makakita ng mga inosenteng tao na nawawala nang walang kalaban-laban.

Napabaling ang tingin sa akin nung lalaki at parang may korteng diamond na tattoo sa kanyang noo. "Class zero." sabi niya sa akin at lumaki ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ito normal na ngiti dahil nagdulot ito ng pagtaas ng aking balahibo.

Napaatras ako ng ilang hakbang pero nung mga nakita ko ang mga nakahintong tao. No. I should protect them, hindi ko sila hahayaan na masaktan muli ng lalaking ito. "P-Paano mo nalaman na taga-class zero ako?"

"Dahil nakakagalaw ka sa devil hour. At isa pa, class zero lang naman ang tanging organisasyon na sumisira sa aming mga plano," sabi niya habang pinaglalaruan ang isang bomba sa kanyang kamay. "Ngayon, ipakita mo sa akin ang iyong kakayahan, bata."

Naghagis ng bomba ang lawbreaker at dali-dali naman akong nagtago sa likod ng isang malaki at makapal na pillar. Eto ang ayoko sa pagiging class zero, they always put their own lives at risk.

"Ehhh, wala ka talagang planong ipakita ang kakayahan mo?" narinig kong sabi niya. Makapal na usok ang bumabalot sa paligid kung kaya't nahihirapan akong makakita.

Sa muli kong pagdilat ng aking mata ay nasa harap ko na ang lawbreaker, malapad ang kanyang ngiti na para bang isang demonyo. "Paalam na sa'yo," sabi niya at biglang tumulis ang mga kuko nito.

Ito na ba ang magiging katapusan ko? Ipinikit ko ang aking mata at hinintay na tumama sa akin ang matatalim niyang kuko ngunit isang malakas na pagtama ang aking narinig na para bang may umatake sa lawbreaker.

Pagdilat ko ay may nakabagsak na isang malaking bakal sa tiyan nung lawbreaker at may isang lalaki na naglalakad tungo sa aming direksyon-- si Seven. Hindi ko alam na nandito rin pala si Seven.

"Dumbass." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Dapat sa pagkakataong ito ay naiinis ako sa kanya pero nagpapasalamat ako ngayon kay Seven. Kung hindi siya dumating ay baka patay na ako.

Masama kong tiningnan ang lawbreaker at may kakaibang lakas akong naramdaman. "Mga class zero!" Sigaw nung lawbreaker at isang malakas na pagsabog ang aming narinig.

Unti-unting naglakad papalapit sa amin ang Lawbreaker at nung tiningnan ko siya sa mata... May kakaiba akong nakita, tila ba nabasa ko ang ilang impormasyon na nasa kanyang isip.

"Ang pangalan mo ay Lupin, kaya mong lumikha ng mga bomba. May isa kang lider na sinusunod na siyang may pakana ng ganitong klaseng gulo!" Sigaw ko, sa kung paano ko nabasa ang kanyang naiisip, hindi ko rin alam.

Pumikit si Lupin at hindi ko na muli nabasa ang tumatakbo sa kanyang isip. "So you're ability is knowledge absorption. Delikado pala manatili," Sabi niya at iniiwasan niyang tumingin sa aking mata. "Itigil na natin ang paglalarong ito, Class zero, masaya ako na nakilala kayo. Hanggang sa muli nating pagkikita."

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon