deal part two:)

64 1 0
                                    

Kath'POV

Tatawa-tawang nagtungo siya sa CR ng mga babae.HIndi niya alam kung babatukan o pupurihin niya si Aria sa sobrang dedicated sa trabaho niya.Pati tuloy ang katinuan nito ay tila naapektuhan sa naging suspension nito.

Papasok na sana siya sa mga cubicles nang mapansin niya ang taong kasunod niya. "What the-------" Tinanggal nito ang suot na bull cap. "DEEJ?"

Mukhang ito man ay nagulat nang sambitin niya ang pangalan nito. Hindi niya alam kung paano niya nalaman agad na si Deej ito. Basta ang pangalang iyon ang pumasok sa isip niya nang makita niya ito.

"A-ano'ng ginagawa mo rito? CR ito ng mga babae."kath

"I know. We need to talk."

"Talk about what?"Grabe ang kabang nararamdaman niya sa sandaling iyon. But she knew it was just because of the unexpected appearance of the guy she thought  would never come back in her life.

He locked the door. "Narinig ko ang usapan ninyo ng kaibigan mo sa labas kanina."

"Kanina ka pa  sa labas?" Paano ito nakalusot sa mga mata ng mga babae doon?

"Oo. And I dont like what i heard."

"Alin doon ang--"

"Narinig ko ang plano ninyong ng kausap mo. Ngayon pa lang ay binabalaan na kita. Don't try anything stupid against my brother."

"What?"

"The bet you  had  with your friend. Tungkol sa gagawin niyang pag-kidnap kay Nathan."

Doon lamang luminaw sa isip niya ang sinasabi nito. Ang problema,hindi pa rin mapakali ang puso niya sa hindi malamang kadahilanan. Bakit parang mas gwapo yata ito ngayon kaysa noong huli siyang nagkita?

Nagpa-plastic surgery kaya ito?

Ipiniling niya ang kanyang ulo. Kailangan niya mag-focus kung hindi ay siguradong mapapahamak sila ni Aria.

"Look,that bet was nothing." Mukhang tumangkad din ito. Ano kaya ang mga pinaggagawa nito sa loob ng isang linggong pagkawala nito? "Katuwaan lang namin iyon ng kaibigan ko."

"I don't think it's funny."

"Wala ka namang dapat ipag-alala. Sinakyan ko lang ang mga sinasabi ni Aria. She was upset with her suspension and she needed some lightening up. Kung si Nathan man ang naging sentro ng usapan namin,coincidence lamang iyon. Aria was not that stupid to jeopardize her career as a police officer just because she was bored. Ang mga pinag-usapan namin,hanggang usapan lang iyon. Kailangan lang niya may magpapala sa ego at pride niya dahil sa unang pagkakataon ay may nagbigay sa kanya ng suspension. Mataas ang tingin niya sa sarili niya kaya hindi niya kayang tanggapin ang nanyari. Pero gaya ng sinabi  ko, she is not stupid."

He still didn't look convinced.

"Look,we both know how i like Nathan. Sa tingin mo,hahayaan kong may manyari sa kanya?

Siyempre Hindi."

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito.

"What did i say?"

Hindi ito sumagot. Nagpatuloy lamang ito sa pagmamasid sa kanya kaya nag-umpisa na naman siyang mailang. "Anyway, you don't have any choice but to take my word for it. Ako ang gagarantiya na hinding-hindi itutuloy ni Aria ang pagkidnap kay Nathan."

"Paano ka nakakasiguro?"

"Because i know my friend. Okay, para matahimik ka, ikaw na ang kumausap sa kanya. Siya ang pagalitan mo at hindi ako."

Saglit na tila nag-iisip ito bago muling kumilos. Bumaling ito sa pinto ngunit pagbukas niyon ay tamang-tama namang may tatlong babaeng papasok. Natigilan ang mga ito at natulala  nang makita si Deej.

"Excuse me." deej

Hindi na dapat nagsalita si deej. Nang marinig kasi ng mga babae ang bosses nito ay tila biglang natauhan ang mga ito. They all clung to his arms,screaming.

"NATHAN!"

"I  LOVE YOU NATHAN!"

"NATHAN,marry me!"

Katatapos lamang  ng tensiyonadong pag-uusap nila ni  Deej ngunit hindi niya mapigilang matawa ng makita ang eksenang iyon.Madilim ang mukha nito ng lingunin siya nito. She shrugged, silently telling him she couldn't do anything about those women.

"I'm not Nathan,"may diin na sabi nito.

The woman stopped and stared at him.

"Hindi nga siya si Nathan,"pagpapatunay niya sa sinabi nito. "Siya si Deej ang kakambal ni Nathan."

Walang umimik sa mga babae ngunit ni isa sa mga ito ay wala rin umalis sa tabi ng binata.Mukhang sa kabila ng mga nalaman ng mga ito ay wala parin balak ang mga itong isuko ang pambihirang oportunidad na iyon na makaharap ang pinaka mailap na member ng Don's Boys.

Subalit sa pagpupumilit ni Deej na makawala sa mga babae ay nagtagumpay din ito.Kulang na lamang ay lumipad ito palayo sa mga babaeng iyon.

"Deej!"mahinang sabi ng mga ito.

"I LOVE YOU DEEJ!"

"DEEJ, marry me,too!

Natatawang-napailing siya. Ibang klase rin ang mga tagahanga na ito ni Nathan. Nakita lamang ang kakambal nito, kinalimutan na ang unang lalaking nagustuhan.

Nawala na ang tawag ng kalikasan sa kanya kaya ipinasya niyang sundan si Deej. Naabutan niya itong papalabas na sa KCMB cafe. Nakatakip nang husto ang visor ng bull cap nito sa mukha nito at nakayuko ito habang naglalakad.

Poor guy,sa loob-loob niya.

Nilapitan niya ito. "Akala  ko ba, gusto mong kausapin ang kaibigan ko?"

"Nakaalis na siya."

"Ha?"

"I guess I'll just have to take your word for it."

HInarapan siya nito. "Kapag may nanyaring masama kahit ano kay Nathan,ikaw ang mananagot sa akin Kath."

"Fine!"naiinis na sagot  niya rito,saka niya tinalikuran ito.

Nakakaasar ang kumag na iyon. Walang katiwa-tiwalang ito sa kanya. Ang mukha niya  itong maganda,gagawa ng hindi maganda? Mapapahiya ito nang husto sa kanya kapag walang nanyaring masama kay Nathan.

xd clau

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Aug 05, 2012 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

one love(kathniel)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant