kathniel moment:)

57 1 0
                                    

KCMB CAFÉ

Mag’isang naghahapunan si Kathryn sa kusina ng KCMB café. Magsasara na kasi ang shop kaya  halos lahat ng tauhan niya nasa labas nag’aasikaso sa natitirang customer. Late siya kumain ksi maraming customer kanina.

Napangiti siya dahil malaki ang kinita ng shop nagdaan araw. Dahil tinupad ni Nathan ang promise niya na irerekomenda niya  ito sa mga kaibigan. Hindi lang niya inakala ang tinutukoy pala niyang kaibigan ay ang sikat na  THE DON’S BOYS.

To make it short,doon na nagsimula ang pagdagsa ng mga customers.Wala naman  nagrereklamo sa mga crew ko sa pagdami ng trabaho. In fact, tila tuwang-tuwa pa sila. Sa part ng mga male crew malaking oportunidad na iyon para makakakilala ng mga magagandang babae na pumupunta dahil sa THE DON’S BOYS. It didn’t matter to them that the women were there to see those DON’S BOY. Sapat na para sa mga male crew  niya ang masilayan ang mga magagandang babae. Sa mga female crew naman niya ay nabigyan sila ng pagkakataon para close encounter ang mga crush nilang don’s boys. The boys didn’t come regularly but it was enough that they came once in a while.

Inilubluob niya sa ketchup ang kinakaing karne at maganang ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi niya pinansin ang ingay sa labas dahil ang paborito niyang sinigang isinawsaw  ang sahog ng karne sa ketchup.

Napatingin siya sa pinto ng narinig niyang bumukas iyon. Bigla niyang nalunok ang nginangatang karne nang nakita niya ang lalaking pumasok. Sa nangyari ay nabulunan siya.

Naglakad palapit ito sa kanya upang tulungan siya. Ngunit sa pagkilos nito nabangga niya ang mga bagong hugas na mga gamit-pangkusina. Lumikha iyon ng malakas na ingay nang magbagsakan sa sahig.

Hinubad nito ang suot niyang salamin at kumuha ng tubig at binigay sakanya. Nang mahimasmasan siya ay saka lamang niya ito muling binalinagan.

“I’m not Nathan,”

“Alam ko.” She looked at him more intently.” DANIEL right?” Hindi ito sumagot. Pero hindi na nito kailangan sumagot pa. Just by looking at him, she knew she guessed right?”

DJ: Paano mo nalaman?”

KATH: “Na hindi ikaw si Nathan?” simple. Nathan will never hide his face. Neither will he look at me like he didn’t  know me.”  Isa pa, lagi siyang excited pag nakikita niya si Nathan. Hindi gano’n ang nararamdaman niya ngayon. Nasulyapan niya ang mga female crew  na nakasilip sa pinto.

“At hindi rin nagtatago si Nathan sa mga babae.

DJ: “You seem to know him well.”

KATH: she took  that as a compliment. “Ano bang ginagawa mo dito?”

DJ: Just like you said,nagtatago.”

KATH: “Weird ka rin, no? ‘Yong ibang lalaki ,gustung-gustong hinahabol sila ng mga babae. Ikaw, pinagtataguan mo sila.”

DJ: They’re running after NATHAN, not me.”

KATH: “Oh.”

Natumbok niya agad na ayaw nitong napagkakamalang kakambal. Pero imposible naman iyon. Kahit saang anggulo tingnan ito,magkamukhang magkamukha ang mga ito.

“Ahm,pakiligpit ang mga nagkalat na kitchenwares.”

“I don’t work here.”

“So?” Kasalanan mo naman kung bakit nahulog ang mga yan, ah. Kaya ikaw ang magligpit ng mga yan.”

Dahil sa estado nito sa buhay at sa lipunan,inaasahan na niyang tatanggi ito at basta na lamang lalabas doon. Kapag ginawa nito iyon, sermon ang aabutin nito sa kanya.

But there was no need for that. Dahil isa-isang dinampot nito ang mga  kitchenwares. Nakalimutan na niya ang kinakain at pinagmasdan na lamang ito.  Bago sa kanya ang makakita ng lalaking tulad nitong susunod  sa utos ng sino man.  Sa tingin pa naman niya ay hindi ito tipo ng taong yuyko sa sino o sa kahit ano. Ngunit heto ito at tahimik na sinunod ang iniutos niya rito.

“Kung ako sayo,hindi ko na isusuot ang salamin nay an.” Itinuro niya ang hawak nitong salamin sa mata. “Mukhang hindi naman sa iyo iyan. Baka madisgrasya ka lang uli.

Dj: “Ayokong mapagkamalang si Nathan.”

KATH: “Eh, di sabihin mo sa kanilang hindi ka si Nathan. Lahat naman ng mga nakakakilala sa kanya,alam na may kakambal siya. Kaya kung sasabihin mo sakanila na hindi ikaw si Nathan,lalayuan ka na ng mga iyon.” Tumusok uli siya ng karne at isinawsaw iyon sa ketchup. “Puwera na lang kung type ka rin nila. Na hind naman nakakapagtaka dahil gwapo ka.”

Hinintay niya  ang reaksiyon nito sa sinabi niya, Hindi man lang ba ito magpapasalamat dahil sinabi niyang guwapo ito? Walang utang-na-loob, sa loob-loob niya.Sayang,guwapo ka pa naman.

one love(kathniel)Onde histórias criam vida. Descubra agora