Chapter Six

99.9K 3.9K 777
                                    


Don't

Andromeda S. Consunji's

Three am pa lang ay ginising na ako ni Ruel. Aalis nga kasi kami at pupunta ng Baguio dahil aakyat kami ng Mt. Pulag. Excited talaga ako. I never tried travelling here in the Philippines at kung magandahan ako sa Mt. Pulag, maghahanap pa ako ng ibang mapupuntahan dito, kahit na isla lang o bundok ulit.

"Andeng, gising na." Pinaghahalikan niya ang noo ko at pisngi. Nagmulat naman ako ng mga mata at saka ngumiti sa kanya. "Bangon ka na, kanina pa kita ginigising. Masakit pa ba ang ulo mo?" I shook my head. "Sige na, maligo ka na." He kissed my cheek again. Inalalayan niya akong tumayo at sinamahan niya ako sa bathroom.

I was right about him. Mabait siya pero hindi maalis sa isipan kong may itinatago siya sa akin. It's the way he speaks and the way he stands. Para bang nagdedemand talaga siya ng attention – just like Pops. Si Pops, kapag pumasok sa isag kwarto, lahat ng mata ay automatic na titingin sa kanya. Kaya ng noong grade school ako, kapag may PTA, sumasama si Mommy sa school, baka daw kai may bumili pa kay Pops kahit taken na taken na siya.

Matapos maligo ay siyempre nagbihis ako. Nagsuot ako ng pang – hiking attire. Matagal – tagal na akong hindi nakakaakyat ng bundok. Huling akyat ko was five years ago with Orion and Cassie. Sa Switzerland pa kami umakyat noon.

"Okay ka na?" He asked me paglabas ko ng silid ko.

"Yup. Ikaw rin ba?"

Tumango siya. Paalis na kami ng maalala ko iyong lifeline ko. Binalikan ko pa. Tatawa – tawa ako nang balikan siya sa may hallway.


"Kailangan ko na yata ng memo plus gold."

"Sira ito. Dala mo iyong camera mo?" Tinapik ko iyong bag ko.

"Yes. Hindi ko pwedeng makalimutan iyon. Let's go." I said. Hawak kamay kaming umalis ng building na iyon. I was thinking of booking a grab para magpahatid sa bus terminal pero paglabas namin ay may tumunog na kotse. Natigilan ako. There's a Hummer H2 HUT in front of me. Matte black ang kulay noon.

"Dito tayo sasakay." He told me.

"Wha-t?" Lumipad ang tingin ko sa kanya. "Oh my god, carnapper ka?" I whispered. Natawa naman siya.

"Hindi, Andeng. Hiniram ko sa kaibigan ko kasi nga gusto mong umakyat ng Baguio."

"But I wanted to ride the bus." I said. He shook his head.

"Mahirap mag-bus. Mahaba iyong byahe. Baka mahilo ka na naman. Sige na. Sakay ka na." Lumapit siya sa hummer at pinagbuksan naman ako ng pinto. Inalalayan niya akong sumakay roon. Umikot siya at saka sumakay na rin.

This is actually cool. I've been wanting to buy a car like this pero nanghihinayang ako. May Mercedez – Benz naman kasi ako. Nasa bahay iyon ni Pops. I bought that car with my hard – earned money kaya mahal na mahal ko iyon. Naisip kong bolahin si Orion para ibili niya ako ng ganito pero sobrang kuripot noon. Hindi siya basta naglalabas ng pera lalo na para sa kung ano lang. And then, I remembered Uncle Yto, maybe he'd buy me one. Si Hya kasi sunod sa luho, samantalang kaming magkakapatid, we have to work hard for whatever we want.

Pinagmamasdan ko si Ruel habang nagmamaneho siya. Para bang gamay na gamay na niya iyong sasakyan. I grinned.

"Hindi kaya mayaman ka tapos inuuto mo lang ako?" I told him. Tumawa siya.

"Sana nga mayaman na ako para hindi ka na babalik ng Hawaii." Wika niya sa akin. Napaawang ang labi ko.

"I have to go back there, Ruel."

TreacherousWhere stories live. Discover now