Kat's POV
WELL I'm i little bit amazed, i mean hindi ko inakalang ganon ang magiging pakitungo ni Shane sakin, well i was assuming na magiging snober ito or aasarin at aasarin ako, but i was wrong, so wrong.
Lalabas kasi sana ako kanina, mag iikot ikot sana, alam ko kaseng mahihirapan talaga ako sa pag hanap ng room ko bukas kaya napag isipan kong mag ikot ikot at hanapin na lang yung room ko para di na ko mahirapan pa bukas, pero nang buksan ko naman ay bumungad sa harapan ko si Shane, di naman ako nagulat dahil pabukas palang ako ng pinto eh ramdam ko nang may tao sa kabila non.
Di ko talaga alam na may Dorm na pala akong tutuluyan, i was Assuming na mag sheshare kaming magkakaibigan, but i was wrong!
I was honestly stunned nang makita ko si Shane, i mean his actually good looking, matangkad din siya maybe around 5'8 or 9 ang height niya, his body is also well built.
Inaya ko naman siyang pumasok kanina, kahit di ko naman talaga siya kailangan ayain since dito naman talaga siya nag e-stay, napag desisyonan ko ring mamaya nalang ako mag iikot ikot, but then he offerd na siya na raw ang mag totour sakin. Who am i to say no? Pumayag na kaagad ako, since may makakasama na rin ako sa pag iikot.
He just grabed something sa kanyang kwarto tapos nag aya na kaagad siyang mag ikot. Una nga pala naming pinuntahan ang Cafeteria since nasa baba lang naman yun, malaki ang Cafeteria nila kesa sa School ko noon, napaka ayos at maaliwalas tingnan itong sakanila, kakaunti lang ang tao at puro nga mga lalaki, since Boys School to eh
"Dito naman, ay library 7Am ang bukas ng library 6Pm naman ang closing time, Doon naman ay ang Gym nandon na rin ang court. Doon naman ay ang Dean's Office, tabi non ang Guidance Office yung nasa kaliwa, yung sa kanan naman ay yung Registration Office. Yung building na nasa kaliwa dun ang mga rooms ng mga Clubs." Napaka laki nga ng paaralang ito, ang lawak at hindi siya nakakaburyong tingnan. Andami kaseng mga halaman at may Fountain rin sa gitna ng Field.
"Saang Club ka nga pala kasali?" Tanong ko sa kanya, Dance Club ang sinalihan ko noon.
"Music Club, ako rin ang President non" napatango tango naman ako, mahilig si Donna at Rhojane sa Music kaya kung nandito sila ay doon talaga sila sasali.
"Pwede ba kong magtanong?" Tumango naman ako bilang tugon.
"Bat ka lumipat dito? Hindi naman sa ayaw kong nandito ka, it's just that. This School is only for Boys and i Know your Dad i my Dad's Friend, but di ka ba naiilang? You're surrounded with boys?" Napatitig naman ako kay Shane saka ngumiti, maging ako ay hindi sangayon sa Desisyon ng aking ama na dito ako paaralin pero wala akong magagawa.
"Lahat kase ng paaralang pinasukan ko eh naeexpell ako, at mukhang eto nalang ang paaralang nakita ni Daddy na hindi ko pa napapasukan, alam ko namang puro mga lalaki ang nag aaral dito, hindi ko nga alam kong bat panatag ang loob ng tatay ko na hindi ako mapapano dito" natatawang paliwanag ko kay Shane, nakatingin lang siya sakin kaya napatingin narin ako sa kanya.
"Don't worry, I'll protect you here. Pangako kong walang makakagalaw sa iyo dito." Nakangiting saad niya, hindi ko alam kung anong nasa ngiti niya pero napangiti nalang rin ako.
"I'll hold on to that" kahit kaya ko naman ang sarili ko.
Nag ikot ikot pa kami ni Shane bago niya napagdesisyonang pumunta sa Cafeteria, libre niya raw ako, sino ba naman ako para tumanggi. Grasya na yun eh!
"Wait here" saad niya saka nag lakad sa Counter para mamili ng pagkain. Nilabas ko naman ang Cellphone ko at chinat ang mga Bruha kong kaibigan
Kat: HUY! San na kayo?
Donna: andyan ka na?
Kat: sagutin mo muna tanong ko bago ka mag tanong! Obobs!
Hazel: Huy! Rhojane san kana?
Donna: kanina ka pa namin hinihintay!
Donna: ang talino naman talaga nitong si Kat no?!
Kat: HAHAHA DALIAN NIYO NA!
Rhojane: wait! Papunta na ako kina Hazel.
Donna: nandito ako sa kanila, nakiki wifi HEHEHE.
Kat:. Pinutulan kayo Donna? HAHAHA
Rhojane: HAHAHA mag bayad rin kase!
Donna: tanga, mas malakas kanila eh HAHAHAHA
Kat: Huy dalian niyo na! Pakshet
Donna is typing...
"Hi, Miss" napaangat naman ako ng tingin sa lalaking naki upo sa table na pina occupy ni Shane, napatingin naman ako kay Shane na nasa Counter parin at nag oorder.
"Bago ka dito?" Tanong nang lalaking nasa tabi nung unang nag tanong. I refused to answer them both, ramdam kong may tao rin sa likod ko.
"Snober mo naman, Miss" may tumabi naman sakin at akmang hahawakan ako sa mukha nang mahuli ko agad ang kamay nito, pilit naman niyang inaagaw ang kanyang kamay nang bigla ko nalang itong inikot. Impit naman siyang napasigaw sa sakit, akma ring hahawakan ako ng lalaking nasa likod sa balikat nang mahuli ko rin ang kamay nito at malakas na hinampas.
Bigla namang napatayo yung lalaking nasa harapan ko kaya napatayo na rin ako.
"Matapang ka ah!" Akmang susugurin ako nito ng isang Suntok nang mahuli ko ang kamay niya at saka ko siya inunahan sa pag suntok, susugod na sana yung katabi niya nang sipain ko ang sikmura niya, susugod na rin sana ang yung dalawa pa nilang kasamahan ng maunahan ko sila ng sapak napadaing naman ito sa sakit habang yung isa ay akmang hihilahin ang buhok ko nang mabilis ko ring nahuli ang kamay nito at pinaikot ulit. Alam kong nasa amin na ang attention nang mga nandito sa Cafeteria pero mukhang di kami napapansin ng mga taong nasa harapan malapit sa counter, wala rin atang kaalam alam si Shane sa nangyayari.
"What do you fucking want!?" Inis kong tanong nang mapatumba ko ang apat, pareho silang namimilipit sa sakit habang yung isa naman ay masama ang tingin sakin.
"Tangina mo! Kababaeng tao ang lakas manapak!" Galit na saad nung lalaking unang nag tanong kanina.
"Wag kang ganyan, pre!" Saad ko saka siya nilapitan, hinimas himas ko naman muna ang kanyang mukha saka ko ulit siya sinapak.
Puro mura nila ang naririnig ko matapos kong kunin ang Cellphone ko sa lamesa at tumungo sa kinaroroonan ni Shane, ibibigay na sana niya ang bayad sa Cashier nang makita niya ako.
"Dito nalang tayo umupo" saad ko sabay turo sa lamesang nasa harapan malapit sa Water Dispenser.
"Ah sige sige" nakangiti niyang saad, tumango naman ako at tiningnan ulit yung apat na mga lalaki, masasama ang kanilang mga tingin sakin, dinilaan ko naman sila at saka nakangiting nagtungo sa table na tinuro ko.
This is just the beginning.
YOU ARE READING
I'm Into You (CREST UNIVERSITY SERIES 1)
Teen FictionKuntento na si Kat sa kung anong meron sa kanya. She has her beloved Family and her Dearest Friends. Hanging out, doing Stupid stuffs and making the best memories. Until she met Shan, the quiet guy who seems to be so boring and well, not fun. But li...
