ONE : BLIND DATE

7.7K 130 7
                                    

AARHON AMONTE'POV

Pinapanood ko ang sarili ko ngayong lumuhod sa isang babaeng hindi ko alam kung sino, hindi ko kilala ang babae at hindi ko alam kung bakit ako nakaluhod sa harapan ng babae.

She's really beautiful and sexy. May kasama itong babaeng may pagkachubby yet sexy too. Tumingin ako sa sarili kong umiiyak at nag mamakaawa sa babae. It's Hannah Villamore and Clark Villamore

"Sir Aarhon Amonte?"

Nabalik ang atensyon ko sa harapan ng marinig ko ang pangalan ko. Bumuntong hininga akong tumingin muna muli sa labas kung saan nakita ko ang sarili ko kanina lang bago tumayo sa pag kakaupo at nag lakad papunta sa counter para kuhanin anf order ko.

"Tulala ka na naman. Nakita mo na naman ba ang sarili mo?" Nakangiting tanong sa'akin ni Denmar, ang nasa cashier ng coffee shop. Tumango ako't kinuha ang order ko't nag bayad.

"Yeah. Nahihirapan na ko pero nakasanayan narin." Turan ko bago tumalikod mula rito't bumalik sa upuan ko.

Tiningnan ko ang oras at tumitig doon. Pag pikit ko ay nakita ko ang sarili kong nakaupo sa mismong inuupuan ko ngayon, may kaharap akong babae at nakangiti kami sa isa't isa.

Iba ang babae na ito sa babaeng kaharap ko kaninang niluluhuran ko. Nag uusap kami at tila kinakabahan ako base sa mukhang nakikita ko sa sarili ko pero kahit anong pilit kong pakinggan ang pinag uusapan namin ay wala parin akong mapakinggan.

"Aarhon (Arhon)"

Salita nung babae sa harap ko... Aarhon ang tingin kong tawag niya but still, wala parin akong marinig.

Tumayo ang babae at pumunta sa counter. Nakita kong bumuntong hininga ang sarili ko at tumingin sa harapan. Napapitlag ako kagaya ng sarili kong napapitlag sa nakita sa harapan.

It's Thormire Villamore, he's very popular dahil sa kahit matanda na ito ay magandang lalaki parin at masaya ang pamilyang nabuo niya. Maging ang company na pinapatakbo na ng anak niyang may masaya naring pamilya.

He's just staring at me. Para niyang pinapanood ang bawat kilos ko, nakakunot ang mga noo netong titig na titig sa'akin bago tumalikod na parang walang nakita.

"Aarhon, pre?" Napamulat ako ng mata ng makita ang aking schoolmate at bestfriend ko sa Emanuel University. Si King Raient Monte.

Tiningnan ko lang ito na tila nagtatanong. Umiling ito at umupo sa harapan ko. "Watching your self again?" Tanong neto. Tumango ako bago humigop ng paborito kong coffee.

"Hanggang ngayon ay hindi ko parin naririnig kung anoman ang pinag uusapan namin. And you won't believe what i saw a while ago" Tumatangong salita ko. Tila naging interisado naman ito.

"Mr.Thormire Villamore, pinapanood niya akong nakaupo sa mismong upuan na to. May kasama akong babae." Turan ko.

"R-eally? Do you think, konektado siya sayo?" Raient.

"I don't know. Hindi ko nga alam kung bakit ako nag kakaganto eh. You know? Simula pa noon, ganto na ko. And tingin ko nangyare na siya before kasi mukhang bata... No, bata pa si Mr.Thormire doon. Mga nasa 20's mahigit pa lang siya. But anyway, tara na. Malalate na tayo sa class." Turan ko bago huling humigop sa coffee at tumayo.

Tumayo rin naman ito at sumabay sa'aking mag lakad. Nauna itong lumakad palabas ng shop, bago pa ako makalabas ay may babaeng nag mamadaling pumasok, nakadamit ito na sa likod ay may tatak ng pangalan ng coffee shop kaya tingin ko naman ay empleyado eto. Kumunot ang noo ko ng mapansing hindi man lang ito humingi ng sorry.

"Sorry miss ah" Malakas na turan ko kaya tiningnan ako ng ilang nandoon pero ang paningin ko ay nakatingin lang sa babaeng hindu mab lang ako nilingon.

Pleased To Be Destined (Complete And Editing)Where stories live. Discover now