Alam kong napamahal na ko sa lugar na kung saan ako lumaki't nagkamalay, pero kailangan ko na lang tanggapin na life goes on at may mga bagay na talagang kailangang lisanin sa kadahilanan na mas mapapabuti ang hinaharap. Ipinikit ko ang aking mata na sobrang nangangalumata sa pagod kakaimpake at kaka-social media kung saan nag-paalam na ko sa mga kaibigan ko rito sa kadahilanang lilipat na kami sa malayo.

Makalipas ang ilang oras, tinatapik-tapik na ako ng kuya ko.
Nagising agad ang diwa ko at kinusot ko ang aking mga mata na bagong mulat.
Hindi ko namalayan na nandito na kami sa bago naming lilipatan.

Pagkababa namin sa kotse ay nagulat ako sa bagong bahay na aming lilipatan, dahil napaka-kaunti lamang ang bahay sa paligid at tanaw ang dagat na nasa likuran lamang nito.

Napakaliit kumpara sa bahay namin noon, bungalow size lamang ito, samantala ang luma naming bahay ay two-storey. Sa totoo lang, mararamdaman mo na nasa tabing dagat kami nakatira dahil sa kulay asul na panlabas at maraming mga sea shells na disenyo sa dingding.

Tanging mga damit at iba pang gamit ba lamang ang aming mga dala papunta rito sa bagong bahay. Naalala ko noong unti-unti nang nababawasan ang mga gamit namin dahil dinadala na sa bagong bahay ang mga ito at ang iba naman ay binenta sa rummage sale sa luma naming bahay.

Nang makapasok na kami, itinuro ni Mommy kung saan ang kwarto ko na malapit sa sala, at hindi ko inasahan na makakasama ko si Kuya Kaz dahil dalawa lamang ang kwarto rito. Medyo uminit ang ulo ko sa sobrang inis nang malaman ko 'yon. Close naman kami ni Kuya, ngunit I want my privacy as a person. I can' t be myself if may kasama ako at hindi ako kumportable na kasama siya. Baka kasi mamaya, pag nakita niya ang diary ko ay baka isumbong niya kay Mommy at Papa. I don't want that to happened because all of my secrets, frustrations and everything else are there in that diary.

Habang naglilipat ako ng gamit, bigla na lang akong kinausap ni Kuya.

"Enr, are you okay?" Panimulang salita niya habang naglilipat ng damit niya sa kanyang drawer. "Ang tamlay mo kasi for the past few days."

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Simula kasi ng lumipat tayo, parang nawala na sa akin ang lahat sa 'kin, " matamlay kong sagot habang nilalagay ang mga natitira kong underwear sa drawer.

Napatigil siya sa paglilipat at lumapit siya sa kama ko. "Kung si Kah na naman' yang iniisip mo, hayaan mo na 'yon."

Biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niyang' yon. "Hindi ko naman kayang hayaan na lang 'yon, dahil ang tagal rin ng relasyon naming dalawa," tugon ko habang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Inakbayan ako ni kuya at bigla niya akong niyakap. "I know that it is not easy for you, Enr. Kung mahal ka ni Kah, gagawa' yon ng paraan para makapag-usap kayo kahit malayo ka na sa kanya," malumanay na payo ni Kuya habang patuloy niyang hinahagod ang likod ko.

Tumulo ang luha nang isang iglap lang sa 'king mata nang maalala ko ang mukha ng ex kong si Kah. Masyadong mabigat sa puso ko na iiwanan niya na lang ako sa isang iglap lang dahil malalayo na' ko sa kanya; di niya kasi kaya ang LDR kaya pinili na lang niyang tapusin ang lahat. Napayakap ako kay Kuya at patuloy na bumuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Kuya knows everything about me -- simula sa pagdiskubre sa sarili ko na attracted ako sa kapareho kong kasarian hanggang sa relasyon namin ni Kah.

Patuloy niya kong tinatapik sa likod. "He's not worth it, bunso," sabi niya habang patuloy niya kong pinapatahan. Patuloy lang akong nakayakap kay kuya hanggang sa napatahan na niya ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas muna ako ng bahay at inikot ang labas para ma-familiarized ako sa bagong tirahan . Hindi ko inasahan na ang ganda pala rito dahil ang maririnig mo lang ay ang hampas ng alon ng dagat. Patuloy kong nilibot ang dalampasigan dahil namangha ako sa kulay asul na dagat at mala-gintong buhangin na walang kabato-bato.

Tumingin ako sa kalangitan at sumigaw para mas mailabas ko pa ang bigat ng nararamdaman ko dahil hindi ko ma kaya ang sakit na idinulot niya noong siya'y nawala sa buhay ko.

"Bakit ba kasi hindi pwedeng umibig nang hindi nasasaktan?" hiyaw ko habang patuloy pa rin nakatingin kalangitan.

Sa hindi inaasahan, may biglang sumagot sa tanong ko. "Pag hindi ka nasaktan habang umiibig, hindi ka talaga tunay na nagmamalal," sagot ng mala-baritonong boses na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Sino ka?" Pasigaw na tanong ko. "Multo ka ba o kung anong aswang?" dagdag ko habang nanginginig na ako sa kaba kahit tirik pa ang araw dahil sa narinig na boses.

Sa hindi niya inaasahan, may biglang tumapik sa aking likuran at napalingon ako bigla. Tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaking naka asul na sando at itim na shorts. Sa sobrang pagkagulat, bigla na lang nagdilim ang aking paligid at hindi ko na alam kung ano na ang sunod na nangyari.

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon