TAMARAH KATE ALCANTARA
"Manong para po" pero mukang bingi yata yung driver na to dahil di ako narinig. Ano ba naman to oh. Late nanaman ako sa school.
"Manoooong para hooooo" pero walastik di padin ako narinig.
"Para daw" sabi nang matanda sa likod nang driver sabay katok katok pa sa bubung nang jeep.
Ano ba namang buhay to ohh. Sana pala di nalang din ako nagbayad kanina sa jeep kung ibababa din lang ako,eh sobrang lagpas na. Sana pinang bili ko nalang nang pagkain o inipon ko nalang yung syete pesos ko para may pang bayad sa mga xerox copy na laging binabayaran namin sa school. Na halos araw araw nalang. Akala mo malaginto yung mga xerox copy sa sobrang mamahal ehh.
Napatigil ako sa pag iisip nang harangan ako ni kuya guard. Na lagi akong pinapagalitan na daig pa ang principal hay buhay naman ohh.
"Oooops oops ops! San nanaman ang I.d mo? Late ka nanaman! Anong oras na ohh alas otso na"
"Kuya naman ehh. Dinaig niyo pa nanay ko kung pagalitan ako ehh!" Inis kong sabi. "Dapat di ako yung sisihin mo, sisihin mo yung panot na driver nang jeep na yun. San san ako binababa. Sayang lang nga binayad ko kasi naglakad din lang ako nang pagkalayo layo. Kaya kuya guard wag ako pagalitan mo." Maktol ko kay kuya guard.
"Ahhh, siya ba palagi nasasakyan mo sa umaga?? " tanong nanaman niya na daig pa ang teacher ko na may follow up question palagi pag pinapasagot ako. Anak nang tokwa naman talaga ohh.
"Hindi po" simpleng sagot ko kay manong guard baka may follow up question nanaman ehh. Baka mas lalo na akong malate neto.
"Di naman pala ehh! Eh bakit lagi kang late. Di naman siguro lahat nang jeep na nasasakyan mo eh nilalagpas ka sa bababaan mo diba? " hay nako chismoso naman tong guard na to. Lahaaaaat nalaaang ba.
"Manong guard I.d ko hanap niyo diba? Bakit pati ata tanang buhay ko kailangan kong ikwento? Yun naba bagong patakaran ngayon sa school na to? Bago makapasok kailangan magkwentuhan muna kayo? Bakit parang di ako updated? " inis kong sabi kay manong guard. Nakakainis na ehh
"Ayy haha sige sige hehe pasok kana baka mas malate kapa ehh. Oh bukas agahan mo ahh hehe" sabi niya ulit.
Tiningnan ko nalang siya. Talagang mas lalo akong malelate dinaldal ba naman ako nang dinaldal. Ay mali pala, tinanong ako nang tinanong. Mas malupet pa siya sa entrance exam bago makapasok ehh hayst. Anak talaga nang tokwa ohh.
Malapit nanaman ako sa room. Kinakabahan nanaman tuloy ako. Hay nako kahit naman lagi akong late takot padin naman ako sa teacher ko no. Pag pasok ko ay nagulat ako. Iniisp ko , gumanda ba ako lalo o sadyang sobrang nagagandahan na talaga sila sakin ever since. Kasi naman bigla silang nagpalak pakan lahat habang pumapasok ako sa room. Edi ang ginawa ko eh para mala miss universe. Ngumiti ako at kumaway kaway pa. Hahaha feel na feel nga nang lola niyo ehh
"Oh Miss Alcantara. Your so early for the next subject. At ang kapal din nang mukha mo at may pangiti ngiti kapang nalalaman and may pakaway kaway pa!!" Galit na galit na sabi ni maam. Ayy lintik kala kona kung ano nang ganap. Dahil lang pala im so early for the next subject kaya ako pinalakpakan ehh. Im so proud of my self tuloy:)
"Eh maam, ka....si a...no ehh" utal utal kong paliwanag.
"Kasi ano? Magpapaliwanag kapa? 5min nalang time na. Ano makikinig pako sa paliwananag mo ehh halos pare pareho naman paliwanag mo? Di kapa tapos mag paliwanag eh dismiss na tayo!" Galit niyang sabi.
"Sor.....ry ma'am" yun nalang nasabi ko. Lintik kasi yang panot na driver na yan ehh. Pahamaaaak!!
"I dont need your explanation. I need you on faculty now!" Sabi niya na kinakaba ko naman. Nung isang araw na faculty nanaman ako. Ngayon faculty ulit. Nakakainis na talaga ahh. Malas! Nag umpisa kay panot na driver. Tas kay manong guard. Tas sa faculty ulit. Anong sunod impyerno na? Huh?! Impyerno??!!!
"Bakit po ma'am?" Tanong ko na naman na kunware di ko talaga alam kung bakit.
"Are asking me Miss Alcantara? We need to talk about your behaviour!" Masungit niyang sabi.
"Almost 1 month kanang late sakin palagi. Nung first week kalang nang pasukan maaga. Tapos you're asking me why ? Are you stupid Miss Alcantara? Kung ayaw mong pumunta sa faculty ko, then clean this room for 1week nang magisa ka lang. Every break time and dismissals. It's that clear Miss Alcantara?"
Napanganga nalang ako. Bago pako nakasagot ehh nakalabas na si maam nang room. Wow huh! Demanding nang teacher na yun. Sa ganda kong to paglilinisin lang ako nang isang buong linggo. At every break time at dismissal pa. Wow tiba tiba mga cleaners huh. Anak talaga nang tokwa ohhh!!
By the way I'm Tamarah Kate Alcantara ang pinakamagandang dyosa sa balat nang makakapal ang mukha. Eh basta maganda ako at NO ONE CAN TAKE THE CROWN ON MY HEAD(tama ba?). Oh diba umenglish pa. Basta ganun. Masaya ako sa buhay ko dahil may nanay at tatay at ate at pinsan at best friend ako na magmamahal sakin. Ano aangal kayo? Basta ako maganda ako. Di man kami mayaman maganda ako. Di man ako sikat maganda ako. Kasing ganda ko ang pangalan ko. At wala nang dapat umangal. Ano aangal kayo? Eh kung pakainin ko kayo nang sandok aangal pa kayo? Malamang hindi na may sandok na sa bunganga diba.? Hahahahaha! I'm 4th year high school in the age of 16 and wala lang gusto ko lang sabihin para alam niyo.
At eto ako ngayon mag isa sa room naglilinis nang mga dumi at kalat nang mga tokwa kong mga kaklase. Si Tyra kasi nauna na. Siya daw kasi may toka ngayon na maghugas nang plato nila. Buti nalang si mama yung naghuhugas nang plato namin kaya di ko siya feel. Na nagmamadali nang hapon umuwe para lang maghugas. By the way si TYRA MAE MUÑOZ ang kaisa isa kong balugang bestfriend. Masaya siyang kasama. Sa lahat nang oras matatakbuhan wag nga lang pag gipit ka. Kasi gipit din lagi yun hahahaha. Pero kahit ganun yung baluga kong bestfriend mahal na mahal ko padin yun. Pero syempre mas mahal ko sarili ko no. HAHAHAHAHA!
YOU ARE READING
Prestigious Love
Teen FictionSi Tamarah Kate Marquez. Isang babaeng nangangarap na yumaman balang araw. Siya ay nakatira sa isang simpleng bahay pero masayang samahan kasama ang pamilya. Walang away walang gulo. Maganda,5'2 ang height pero di maikakailang sexy. At alam niya sa...
