Chapter 1: The Prom Night Phantom

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit??? Bakit mo 'to ginagawa??? Paanong ikaw??" Hinang hina na sabi ni Maesa na halos bulong nalang yung boses. Napasandal nalang siya sa dingding habang unti unting napapa upo. Nakita niyang lumuhod yung nakaitim saka hinawakan yung intestines niya. Napapikit siya sa sakit at pandidiri sa itsura niya.

"Sorry Sabrina.. Sorry..." Bulong ni Maesa habang papikit na yung mata niya. May parang kung anong galit ang gumuhit sa naka itim nang marinig ang pangalang SABRINA kasabay nun ay ang paghila ng killer sa intestines ni Maesa hanggang sa mapunit ito. Napabuka nalang ang bibig ni Maesa. Gusto niyang sumigaw sa sobrang sakit pero wala nang boses na lumalabas sa bibig niya. Tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Hindi pa nakuntento yung kung anu mang umatake kay Maesa. Itinaas niya ang butcher knife ska tinaga yung dibdib ni Maesa. Sumirit sirit ang dugo gawa ng tumitikbok pa yung puso niya. Pinasok ng naka itim yung kamay niya sa butas ng dibdib ni Maesa, at pag-angat niya sa kamay niya ay hawak na niya ang puso nito.

PLAK!!!!

Gigil na binato ng nakaitim yung puso ni Maesa sa dingding dahilan ng pagkadurog nito.

*****

"Girls nakita niyo ba si Maesa??" Tanong ni Shannen sa mga kabarkada niya na naka upo sa table.

"Hindi eh! Paalam niya sa'kin pupunta lang siya sa CR," sagot ni Aisha.

 "Inikot ko na buong function hall pati CR pero wala siya," si Shannen.

"oh.... Maybe nandyan lang yan sa tabi-tabi. Maybe she's making out with her imaginary boyfriend," dugtong pa ni Shannen sarcastically sabay tingin kay Sabrina nang may meaning. Napatitig lang sa kanya si Sab. Kanina parin kasi hinahanap ni Sab si Sky pero hindi rin niya ito makita.

"Wow! Imaginary boyfriend! What do you mean???" Mataray na sabi ni Aisha.

"I don't know.." Si Shannen.

 Alam ni Sab na siya ang pinaparinggan ni Shannen. Lahat kasi ng bagay tungkol sa kanya ini-issuhan nito. She doesn't know the reason pero insecure na insecure ito sa kanya.

 "Shannen will you please shut up!" Asar na sabi ni Callie, siya yung best friend ni Sab sa kanilang lahat. Tumayo na si Sab sa table, lalakad na sana siya palayo para pumunta sa labas ng function hall nang biglang dumating si Sky.

"Where have you been??!!" Asar na bulong ni Sab kay Sky. Hinatak siya nito sa dance floor saka sumayaw. Nakayakap si Sky sa kanya.

"Diyan lang sa labas kinuha ko kasi sa kotse ko yung phone ko."

"Yung totoo!" Si Sab

"That's the truth!"-Sky

"Magkasama kayo ni Maesa kanina??!" Sita ni Sab.

"Of course not!! Don't be paranoid Sab! I don't know what you're talking about!" Inis na sagot ni Sky.

"Kanina pa din kasi nawawala si Maesa!"

"And so... I don't give a damn to that bitch kung nawawala man siya."

"Don't call her a bitch!!" Sabi ni Sab sabay talikod kay Sky. Lumakad siya palabas ng function hall papunta sa may garden. Sumunod lang sa kanya si Sky.

"Why you're so affected pag tinatawag kong bitch yang mga kaibigan mo?" Asar na tanong ni Sky.

"Kasi kaibigan ko sila!" Sigaw ni Sab.

"And you belong to them! Right?" Sasampalin na sana ni Sab si Sky dahil alam niya ang ibig sabihin nito, pero mabilis na nahawakan nito ang kamay nia.

"Sorry baby, I didn't mean it," si Sky, sabay yakap kay Sab. Hindi lang ito umimik.

"Look Sabby, pwede ka namang sumama sa'kin after ng graduation natin. Nakapag apply naman na tayo sa University sa California. You're not supposed to be with your friends!"

"Ilang beses ba natin 'tong pagtatalunan Sky? I already made my mind! Hindi pwede..."

"Bakit hindi??? Eh un naman talaga yung plano natin di ba??! Not until the day you joined them! Bakit kasi sila pa Sab?"

"Bakit ba kasi ako Sky? Bakit ako pa yung minahal mo? You're Mr. Perfect and I'm not perfect! If you don't want to accept my friends then we're finish! Hindi lang ikaw ang tao sa mundo!"

"Don't do this to me Sab!"

"I'm sorry babe..." Sabi ni Sab sabay yakap kay Sky. Matagal silang nakayakap sa isa't isa nang tumunog ang phone ni Sky.

"I got to go Sabby. Nag text si mommy sa'kin eh..."

"Ok.. Take care of yourself.." Sabay hinalikan ni Sab si Sky. Bumalik na si Sab sa function hall samantalang lumakad naman palabas ng function hall si Sky. Malungkot na sinundan ng tingin ni Sab ang boyfriend.

Kung alam mo lang Sky... Kung alam mo lang....

Zeta's Secret (One shot Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon