Chapter 1: The Prom Night Phantom

554 5 0
                                    

sana magustuhan mo din 'tong story na'to the same with Until you're next to me.. subok lang kung nakaka thrill din ako.. hahah!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

TOK! TOK! TOK! TOK!

 Tahimik ang buong kapaligiran ng St. Louise Academy. Wala kang maririnig maliban sa ingay na gawa ng high heeled shoes na suot ni Maesa. Papunta siya sa covered court, nagtext kasi sa kanya yung boyfriend niya. Gabi yun, lahat ng students ay nasa function hall nagkakasayahan dahil prom night nila.

"I'm here na sa covered court. W8 kita d2," sabi ng boyfriend niya sa text.

"Ok malapit na'ko," sagot ni Maesa.

Papalapit na siya sa may covered court nang maisipan niyang dumaan muna sa  sa CR. Umakyat siya sa 2nd floor kung saan nandun yung CR.  Pumasok muna siya dun para ayusin ang sarili. Kinuha niya ang face powder sa bag ska humarap sa salamin.

BLAAAAAAAAAG!!!!!

"Sino yan? May tao ba diyan??" Gulat si Maesa nang marinig niya ang pagsara ng pinto ng huling cubicle. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa cubicle para tingnan kung sino yung nandun. Binuksan niya yung pinto at....

"Wala naman palang tao. Paano 'to nagsara kanina??" Bigla niyang naalala yung mga hunted stories na kumakalat sa school nila kaya nagmamadali siyang naglakad palabas ng CR nang mapatingin siya sa tapat ng salamin nang...

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!"

Nakita niya ang repleksiyon ng isang babaeng naka itim. May galit sa mga mata at wakwak ang dibdib. May naalala siya bigla..

"Oh my God.." Kinuha niya yung CP niya sa bag habang tumatakbo pabalik sa function hall. Pababa na sana siya ng hagdan nang makitya niyang nakaharang doon yung babae. Dinayal niya yung number ng best friend niyang si Shannen.

"HelloShannen! Shannen help me please!!!!" Pero walang nagsasalita sa kabilang linya. Tuloy lang siya sa pagtakbo. Naalala niya na dumaan sa kabilang building. May tagusan yung building na kinaroroonan niya sa kabilang building at may hagdan dun pababa. Malapit na sana siya sa pinto papunta sa stairs nang may humarang sa kanyang nakaitin. At this time may hawak na 'tong butcher knife.

"AAAAAAAAAHHHHHHH!!! Help me please guys!!!! Please help me!!!!!" Sigaw ni Maesa kahit alam niyang walang makakarinig sa kanya. Malayo yung building kung nasaan yung function hall. Samantalang patuloy sa paghabol sa kanya yung nakaitim. Kinuha ulit niya ung CP niya.

"Binabalikan niya tayo guys!!! Binabalikan niya tayo!!!! Tulungan nyo ako!!" Sigaw niya sa CP niya pero wala parin siyang kausap.

"Damn it!!! Mga walang kwenta!!" Sabi nalang ni Maesa sa sarili niya habang tumakbo nalang ulit. Nilingon niya yung humahabol sa kanya at nagtaka siya kung bakit huminto yun sa paghabol. Too late when she realized...

DEAD END NA PALA YUNG DINADAANAN NIYA!!!

Wala siyang magawa kundi mapaurong nalang habang tinitingnan niya yung umaatake sa kanya. Pilit niya inaaninag yung muka nito na natatakpan ng hood. Nakita niyang napangisi ito.

That smile... It's very familiar!!!

"What the???!!!" Bulalas niya nalang nang ma-realize kung sino ito.

"Please maawa ka sa'kin! Sorry na kung may nagawa akong mali sa'yo!" Pero parang hindi siya nito pinapakinggan.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ni Maesa nang makitang itinaas ng naka itim yung butcher knife saka hiniwa ang tiyan niya. Napunit ang dark blue cocktail dress niya kasabay ang pagdanak ng dugo at paglabas ng intestines ni Maesa. Napasandal nalang si Maesa sa dingding.

Zeta's Secret (One shot Thriller)Where stories live. Discover now