Ending: The Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anak, Kaira halina dito at kakain na." -Mama

Tumango na lamang ako at dumiretso sa hapag'kainan.

Tahimik lang kaming kumakain. Bakas sa aming lahat ang kalungkutan.

"Kaira, naayos ko na pala ang mga school records mo at naipagpaalam na rin kita sa school mo. Pumayag naman na sila." Pagbasag sa katahimikan ni Papa.

Tumango nalang ako at tinuloy ko ang pagkain.

After ng kainan session namin, naghugas na rin ako ng pinagkainan namin. Sabi ni Mama sya na daw pero sinabi kong ako na lang since last na itong gagawin ko para sakanila.

After naman ng hugas session ko, umakyat na ko sa taas at nagimpake na ng gamit ko. Lahat na ng bagay na kailangan ko nilagay ko na sa luggage bag. Nang hinahalungkat ko yung mga gamit ko sa closet, nakita ko ang childhood picture ko. May kasama akong 3 bata, yung isa for sure si James. Pero yung dalawang bata pa di ko na kilala. Tinignan ko yung likod. May nakita akong nakasulat.

" Date: February 11, 2003 

Mark, Kaira, Elise, James' picture together at the School Garden" Mahina kong pagbasa.

Teka, Mark at Elise? Di kaya sila ang dalawang batang nandito?

Bumaba ako at dala dala ko yung picture para itanong sana kay Kuya kung natatandaan nya.

"Kuya, kilala mo ba tong mga batang to?" Pagturo ko dun sa dalawang bata.

"Sa pagkakatanda ko, Mark at Elise ata ang pangalan nila. Hindi mo ba sila natatandaan?"-Kuya

"Hindi eh. Alam mo ba ang apelyido nila?" Pagtatanong ko.

"Mark Samonte at Elise Saavedra. Sa pagkakaalam ko, schoolmates mo sila."

"Mga kababata ko ba sila?"

"Oo, di nga kayo mapaghiwalay na apat eh. Kaso umalis si Elise at Mark papuntang States. Yun naiwan kayo ni James. Iyak nga kayo ng iyak nun eh."

"Ah, ganun ba?"

"Oo, eh bat mo nga pala natanong? Hindi mo ba yun alam?"

"Magtatanong ba ko kung alam ko yun?"

"Sabagay bata ka pa nun. Halika nga bunso" Lumapit ako sakanya at niyakap ako ni Kuya " Mamimiss kita Kaira, magpakabait ka dun ha! Padalhan mo na rin ako ng snow kung pwede. Hehehe." Pabiro niya pang sabi.

"Ako din Kuya, mamimiss kita. Wag ka muna mangchichix ha! Dapat pagbalik ko ako lang chix mo!" Sabi ko kay Kuya

"Nako, pwede ba yun? Mukhang mahirap yun ha!" Sabi ni Kuya

"Psh. Di mo ata ako love eh." Pagtatampo ko sakanya

"Syempre love kita eh. Kahit na lagi mo kong inaaway." 

"Ikaw kaya laging nangaaway."

"Osya osya ako na. Nga pala, wala ka bang lakad ngayon? Hindi ka ba muna magpapaalam sa mga kaibigan mo?" Pagtatanong ni Kuya

"Ah meron akong lakad kasama ko si Mark, teka lang Kuya ha! Magpapalit lang ako ng damit." Pagpapaalam ko kay Kuya

After kong magpalit ng damit. Bumaba na ko para magpaalam kela Mama. Since malapit ng mag 1. Pupunta pa kong Mall dahil dun yung napagusapan namin ni Mark.

"Ma, Pa, Kuya, punta lang po ako ng mall. Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko." Pagpaalam ko

"Sige Anak ingat ka" Sabi ni Mama

Tumango lang si Papa 

At si Kuya " Ingat ka Bunso." 

Umalis na ko ng bahay at nagcommute papuntang Mall. After 15 mins. nandun na ko tas diretso ako sa National Bookstore, kasi dun yung napagusapan namin ni Mark.

His Secret Love(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon