GangFight

7.2K 182 5
                                    

Annyeong ^______^\m/
Musta Tayoooo? Chapter6 Nako :D Salamat Sa Mga Patuloy Na Nag Babasa Ng HMBFP ^_^ Enjoyyyyy!

----------------------------------------------
Chapter6- GangFight

*Alesanaaaaaa!WakeUppppp!*

Tsk! ang ingay naman ng alarm clock nato -.- hmm.. napabaling ako ng higa at kinapa ang katabi ko peroooo....

"Shit!"

Yan ang nasabi ko ng wala sa tabi ko ang anak ko.. lumabas ako ng kwarto at hinanap sya.

"Ales?" pero walang sumagot..
"Where are you my princess?" Dugtong ko..

"Momsy!" tumakbo palapit sakin ang aking prinsesa.. wooh! kinabahan ako dun -.-

"San ka nagpunta? kanina pa kita hinahanap alam moba yun? pinag alala moko.. anak." nag aalalang sabi ko habang naka yakap sa kanya.

"Dont worry momsy ^_^ im with... him ^_________^v" HIM?! Sinong him naman yun?

"With Whom?" nagtatakang tanung ko.

Tumingin sya sa may pinto at parang may iniintay na pumasok.. halos mapanganga ko ng makita ko kung sinong HIM yung tinutukoy nya. si Emerald lang pala -_- akala ko si Leu na.. nakakakaba grabe!

"Masyado ka naman yatang kabado princess ^_^" pang aasar nya. "Takot na takot ka talagang mawala sayo anak mo noh?" sya.

"Malamang! sira kaba? hindi ka man lang nagpaalam na kukunin mo anak ko -.-" sabi ko.

"Kumain lang kami.. mukhang gutom na yung anak mo nung nag punta ako dito kasi tulog na tulog kapa.. kaya sabi ko wag kana gisingin at sa labas nalang kami kakain." paliwanag nya.

"Anung kailangan mo?" pag iiba ko.
"Remember? kakausapin mo ang gang diba?" Emerald.

Haist! Oo nga pala makikipag kita nga pala ako sa gang ngayon..

"Sige.. hintayin mo nalang ako, mag papalit lang ako." Pumasok Nako sa kwarto para maligo at sinuot na ang dress ko na kulay itim.. Paglabas ko ng banyo kinuha ko ang maleta sa ilalim ng kama ko..

'Malapi na kitang gamitin' sabi ko sa isip ko.

Binalik ko ulit yun sa ilalim ng kama at tsaka na ko lumabas ng kwarto. nakita ko naman sa labas ang dalawang nag lalarong nilalang..

"Emerald? lets go?" sabi ko habang inaayos ang belt ko.
"So sasama mo anak mo?" Sya.
"Bakit ko naman sasama yan? gusto mo bang ipahamak anak ko?"
"Haha.. hindi naman sa ganun.. iiwan mo dito mag isa anak mo?" tanung nya ulit.
"Iiwan ko sya kina mama.. so okay na? wala kanang tanung?" sabi ko at sabay bukas ng pinto.
"Halika na.." dugtong ko,

So iniwan ko nga si Ales kina mama at pumayag naman si mama na iwan ko sa kanya si Ales. at saka kami dumaretso ni Emerald sa Hideout.

"Bago na?" tanung ko ng makitang ibang way ang dinadaanan namin.
"Yes princess.. ito na yung pinaka main office kasi masyado na tayong marami." paliwanag nya.

Nang makarating kami sa hideout nakita ko ang ibang Royals..

"Oww! tama nga talaga ang balita na lumabas na sa kweba ang dragon" sabi ng isa sa mga Queens ng makita nila ako.

Nasa isang kwarto kami na parang may meeting.. may isang mahabang lamesa at nanduon ang mga Royals. Umupo ako sa unahan at nasa likod ko naman si Emerald.

"So musta ang bakasyon Princess?" sabi ni Queen Anna..
"Hmm.. ayos lang." matipid na sagot ko.
"Ehh kumusta maging ina?" sabi naman ni King Silvestre.

Napatingin ako kay Emerald at tinignan sya ng 'Bakit-nila-alam' look pero napataas lang sya ng balikat.

"Well.. okay lang din. mejo mahirap pero ayos lang." sagot ko.
"Kelan nyo nga pala nalaman ang tungkol dito?" ako naman ang nag tanung sa kanila.. hindi yung ako nalang ang nasa hotsit..

"Hmm.. kamakailan lang.. siguro may nakakita sayo sa airport na naibalita agad sa amin ang tungkol sa anak mo" paliwanag ni Queen Aimy.
"Wow! ang galing naman talaga.. hanggang sa pag uwe ko may nag babantay pala sakin? kahit nung nasa France ako lagi akong may nahuhuling mga nagbabantay sa akin.. well, malaman ko lang talaga kung sino ang tumatraydor saakin.. alam nyo na siguro ang mangyayari?" sabi ko at saka tumayo pero bago pa ko makalabas..

"Mas mataas parin kami sayo princess kaya wag mo kaming pag bibintangan ng kung anu mang nangyayari sayo" Queen Aimy

Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti "Wala akong pinag bibintangan Queen Aimy.. bakit masyado ka yatang apektado? natatamaan kaba?" sabay taas ng kilay.
"Oo mas mataas ka sakin pero mas Magaling, mas Matalino At mas malakas naman ako kesa sa inyong lahat" at saka tinuro silang lahat.

"Dont be so proud Princess.. porque anak ka ni King Peter ganyan kana?" Queen Aimy.

"Haha! masyado kang napag hahalataan queen.." ako sabay iling iling "Aalis nako ayokong makipag talo sa inyo. lalo na sayo."

Umalis nako sa meeting place at nagpahatid nako kay Emerald sa bahay ni mama..

"Bakit bukas ang gate? ganitong oras nagbubukas kayo ng gate?" sabi sakin ni Emerald na naka ngisi pa.

"I smell something.. parang may hindi magandang nangyayari. pumasok tayo sa loob" Ako.

Nagmadali akong pumasok sa bahay at ng makapasok kami isang magulong bahay ang sumalubong sa amin.

"What The!" sabi ko ng makita ang ilang bakas ng dugo sa sahig..

Pinagmasdan ko ang buong bahay at halos kala mo dinaanan to ng bagyo.. yung lamesa naka taob, yung mga vase basag basag na..
Umakyat ako sa kwarto para hanapin kung nasan sina Ales at Mama..

"Ma? Ales? Nasan kayo?" sigaw ko pero walang sumagot
"Princess! may tao dito.." tawag sakin ni Emerald na nasa kabilang kwarto.

Agad kong binuksan ang naka kandadong pinto.. at saka ko nakita ang nakatali at naka tape na bibig ng mama ko.. lumapit ako sa kanya at tinggal ang mga yun.. agad naman akong niyakap ni mama..

"Kukuha lang akong maiiinom" pag papaalam ni Emerald.

"Ma? anu pong nangyari? nasan po si Ales?" nag aalalang tanung ko kay mama. Bigla ulit akong niyakap ni mama at umiyak.
"A-anak.. si Ales... tinangay sya nung mga lalaking pumunta dito sa bahay.. nilabanan ko sila pero marami sila at malalakas.. nawalan nalang ako ng malay ng may tumama sa ulo ko na matigas na bagay at pag gising ko nandito nalang ako." paliwanag ni mama.

Kay mama siguro yung nakita naming dugo sa baba..

"Eto po tubig tita.." Emerald.
"Ma.. sumama po muna kayo samin sa bahay ko.. wag na muna tayo sa condo baka alam din nila ang condo ko. dun po muna kayo sa bahay." ako.

Nang makarating na kami sa bahay ko pinag pahinga ko muna si mama,

"Ma, dito ka muna.. hahanapin kopa si Ales" sabi ko kay mama habang kinukumutan ko sya.
Bigalang hinawakan ni mama ang kamay ko "Mag iingat ka anak."
"Opo ma. ibabalik ko po si Ales dito ng ligtas." ako at saka lumabas na ng kwarto at sumunod na rin si Emerald.

Hiding My Baby... From PapsyWhere stories live. Discover now