I sighed. I felt Kaye Anne held my hand tight and that’s when I finally told them what the whole thing about the box. Kagaya ng inaasahan ko, nabigla din sila sa kinwento ko.

 “Who would have the guts to send you a death threat like that? T@ngin@, malamang isang gang din!” Sigaw ni Derrick habang nakahawak sa baba niya na parang may iniisip.

“N-natakot ako.. A-akala ko, mamamatay na ako.”

Naiisip ko lang yun, lumalakas na yung tibok ng puso ko sa takot. Para akong na-trauma sa nangyari. Naramdaman ko na ti-natap ni Chloe ang likod ko habang si Kaye Anne naman ay nakahawak sa kamay ko. 

“Gail, don’t worry, sagot ka namin. Remember, you’re our princess right? You’ll be safe with us.” Alex said in a gentle voice. “D-amn. Nasaan na ba si Kurt? Tsk.” Narinig kong sabi ni Alex bago lumabas ng kwarto.

“Gail, just inform us whatever death threat you receive okay?” Dustin said emotionlessly. I just nodded.

Napaisip ako. Nasaan na ba si Kurt? Hindi niya ba alam na nasa ospital ako? Gulong-gulo na ako sa mga iniisip ko. Sana naman masagot ni Kurt yung mga bumabagabag sa akin. Do we have a cold war? 

Knock knock knock… 

Lumakas na naman ang tibok ng puso ko nang marinig ko na may kumatok sa pinto. Si Kurt kaya yung kumakatok? Sana.

 Binuksan ni Kaye Anne ang pintuan kaso na-disappoint ako nang malaman kong isang nurse ang pumasok.

“Miss Gail, paki-take po itong medicine.” Sabi ng nurse na may hawak ng isang tray na puro gamot.

“What for?” I asked. Hindi kasi ako pala-inom ng gamot or vitamins. I hate it so much.

“Na-over fatigue po kayo so kailangan niyo ng  jfvcnhvocsmjcoin----“ Hindi ko maintindihan yung sinabi niya. Hahaba pa eh, hindi naman nakatingin sa akin. Sa X10 nakatingin. Tss.

“Okay…”

NATHAN’S POV

Simula nung ma-confine si Gail sa ospital, lagi na akong dumidiretso dun. Pakiramdam ko na responsibilidad ko siya at dapat isa din ako sa mga pumoprotekta sa kanya ngayon na may nagbabanta sa buhay niya. 

Putek kasi yung Kurt na yun. Ano bang problema niya? Kailangan siya ni Gail ngayon kaso missing in action siya. Kung ganun lang din naman siya kay Gail, nagsisisi tuloy ako kung bakit ko hinayaan mapunta siya kay Kurt. LECHE siya!

Dumagdag pa sa init ng ulo ko sa kanya kanina nang nakareceive ako ng message mula sa kanya.

|TAKE CARE OF CRYSTAL. I TRUST YOU. DON’T TELL HER ABT THIS TY.|

So, anong ibig sabihin nun? Pinapasa niya si Gail sa akin? Kapag ako nainis, aangkinin ko na talaga si Gail. Magsisisi siya. Tsk! 

Nandito na ako sa ospital para bantayan si Gail. May klase daw kasi ang mga kaibigan niya at nagkataon na wala na akong klase. Yung kuya niya naman, mamaya pa ang gabi ang bantay sa kanya.

“Oy, Nathan. Buti nakasalubong kita, iabot mo nalang kay Gail huh? Ma-lelate na kasi ako eh.” Sabi ni Chloe sabay abot sa akin ng yogurt. Tumakbo na rin siya kasama si Dustin.

Sumakay na ako sa elevator para makarating sa kwarto ni Gail. Mayaman talaga, pang VIP ang kwarto eh.

 

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon