"Opo..." Kumuha agad ako ng panties and shorts sa closet.


"Hala siya. Pagkatapos ay bumaba ka na, ha? Baka naiinip na si Jackson sa paghihintay sa 'yo," palatak niya ng bumalik kami sa reyalidad. 


Napalunok ako.


"Ku ang lalaking iyon, ke bata-bata pa ay daig pa ang nagme-menopause na babae. Palaging mainit ang ulo."


Wala pa kasing nakakakita kay Uncle Jackson na ngumiti ito. Hindi nga lang pagngiti dahil parang hindi ito marunong ng kahit anong emosyon. Minsan ay napapaisip din ako kung bakit kaya?


Puwedeng dahil kapos sa childhood. Masyado pang bata ito nang sapilitang ipakasal. Masyado pa ring bata nang humawak ng malalaking negosyo. Mukhang wala rin itong kaibigan dahil palaging bodyguards ang mga kasama. 


"'Yang batang iyan, mukhang dumaan lang talaga dito pero aalis din ulit kaagad. Bakit kasi sa kanya ka pa naipagkatiwala? Aba, parang guardian mo lang siya sa salita, bihira naman siyang magpakita. Kung tutuusin ay parang wala talaga siyang pakialam. Sinusustentuhan ka lang, pinababantayan sa mga tauhan, pero hindi naman nagpaparamdam. Sumusulpot lang dito kapag may problema."


"Wala naman na pong pag-iiwanang iba sa akin ang mama ko..." Ni pera nga ay walang iniwan sa akin ang mama ko. Lustay na ang pera namin, at maski ang kompanyang iniwan ni Lolo ay si Uncle Jackson pa ang nagsalba. Lahat ng bagay na meron ako ngayon ay galing lahat kay Uncle Jackson.


"O siya sige babain mo na muna at magpakita ka. Hindi naman siguro malakas agad 'yang regla mo. Bilisan mo lang at bumalik ka agad dito para makapaglagay ka ng napkin."


Paglabas ko ng banyo ay kumirot ang puson ko. Napaupo ako sa kama. Sasawayin pa lang ako ni Manang Nora nang biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto.


"Frantiska." Isang buo at matigas na tinig ang nagdulot ng kuryente sa aking katawan.


Dumaloy ang kaba sa ugat ko nang masalo ko ang malamig niyang tingin. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang humakbang siya palapit sa akin.


Pareho kaming natigilan ni Manang Nora. Paano ay nasa harapan namin ngayon ang isang matangkad na lalaki na nagtataglay ng mabigat na aura. Expressive dark eyes, dominant pointed nose and natural red lips.


Tila ito diyos na nakatayo sa harapan namin. Ang makakapal na kilay nito ay bahagyang magkasalubong.


Sa akin lamang nakatingin ang mga mata ni Uncle Jackson. Sa akin lang nakatuon ang intensidad ng kulay abo niyang mga mata.


Hinintay ko na muling bumukas ang natural na mapupula niyang labi... kahit pa natatakot ako sa boses niya na hatid ay kalamigan at kaba sa aking sistema.


"What's taking you so long?" Bagamat kalmante ang kanyang guwapong mukha ay may kakaiba talaga sa kanya na kapangingilagan mo. Kasi nga palaging salat sa emosyon at ekspresyon. 


"Sir, bababa na po talaga si Señorita Frantiska ang kaso ay—"


"Leave us alone, Manang." Ni hindi niya pinakinggan ang paliwanag ng matanda.


"P-pero, Señorito, si Señorita Frantiska po ay meron nang—"


"I said, leave."


Nakatungo at malungkot na lang na umalis si Manang Nora. Naiwan kaming dalawa sa kuwarto ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba na bumabalot sa akin.


Nagsalita si Uncle Jackson. Kalmadong mukha, mababang tono at mahinang boses...


"Bakit napakatigas ng ulo mo?"


Nakagat ko ang aking ibabang labi. "I just wanted to visit Mama..."


"What did I tell you?" maaligasgas ang buong tinig na tanong niya.


Napalunok ako. How can I tell him that I had no choice kundi tumakas? Last week was my mother's birthday. Gusto kong puntahan si Mama sa sementeryo, pero alam kong hindi ako papayagan ng mga bodygurads hanggat walang utos niya. At paano ako magpapaalam sa kanya? He was so busy in Manila, ilang months na siyang hindi umuuwi. And I don't even know his personal phone number para makapagpaalam ako.


Ayaw ko na sanang maistorbo siya, kaya lang ito at nandito na nga siya sa Davao. Matapos marinig ang report ng mga tauhan niya sa pagtakas ko, agad-agad na pumunta agad siya rito sa Davao gamit ang kanyang personal chopper. 


"I'm sorry..." mahinang sabi ko. 


Siguradong may mahalaga siyang meeting na iniwan o may ginagawa siyang importante tungkol sa mga negosyong hawak niya bago pumunta rito. Anuman doon ay malamang na iniwan niya para lang puntahan ako. Hindi niya ako kargo pero pabigat ako.


"I'm sorry..." ulit ko na hindi na napigilan ang paghikbi.


Hiyang-hiya ako hindi lang sa kanya, kundi pati mismo sa sarili ko.


"What the fuck?" paos na usal niya.


Napatigil ako sa paghikbi. What? Did he just curse me? Ito ang unang beses na nagmura siya sa harapan ko. Ganoon ba siya ka-disappointed sa nagawa ko?


"Y-you're bleeding..."


"Ha?" Napanganga ako. 


Napaahon ako sa kama at saka agad na tiningnan ang mga hita ko. Nakita ko na tumutulo ang dugo ko sa kama.


Nang tingnan ko si Uncle ay nakaawang ang mga labi niya at namumutla siya. Para siyang naestatwa habang nakatulala sa pagitan ng mga hita ko. Anong nangyari sa kanya?


JF

Obey HimWhere stories live. Discover now