CHAPTER ELEVEN

12.7K 226 24
                                    


PARANG tone-tonelada ang bigat ng hawak na piraso na papel na hawak ni Charlene habang papasok siya sa loob ng creative room. Hawak niya sa kanyang kamay ngayon ang resignation letter niya na ilang araw rin niyang pinag-isipan kung ipagpapatuloy pa niya o hindi.

But she came up with the decision of finally letting it all go as part of her moving on.

Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong nag-usap sila ni Kevin sa bar at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi siya pumasok ng opisina dahil hindi niya alam kung paano niya pakikiharapan si Kevin. She was still hurting and seeing him would probably make the wounds in her heart worst.

Dahil wala naman si Ma'am Kristal ang balak niya ay iwan nalang sa table ni Kevin ang hawak niyang letter tapos ay saka nalang siya babalik upang kunin ang gamit niya kapag wala rin ito doon. Maaga siyang dumating sa opisina kaya halos wala pang tao at siguradong wala pa rin doon si Kevin.

Her plan was very smooth and she was confident that it would actually end up good until she saw Kevin standing in the middle of the room. Walang ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa kaya naman noong nagtama ang kanilang mga mata ay wala siyang ibang choice.

She looked down at once. Hindi niya kayang titigan ang binata nang hindi umiiyak. Everything he said to her seemed to be echoing in her mind, making deep fresh wounds in her heart all over again.

"So you finally came," anito sa kanya habang mataman siyang tintitigan. "I have been waiting for you."

His words were penetrating her heart. He had been waiting for her? Why? Matapos ang lahat ng naganap sa kanilang dalawa? is he playing a game with her again? Kung ganoon, wala siyang oras para doon kaya naman gagawin na niya ang sadya niya. "I-I'm just here to give you this," inabot niya sa binata ang hawak na resignation letter.

He took it without breaking their eye contact. Darn, those gray eyes of his can still melt her without any effort at kung hindi pa siya aalis sa lugar na iyon ay baka ipagkanulo na siya ng kanyang sariling damdamin.

"A-Aalis na ako."

Tumalikod na siya sa binata. It's better to leave without saying goodbye. Para kasi sa kanya, iyon ang pinaka mahirap gawin. How can she say goodbye to the person she love the most?

Pero hindi pa man siya nakakalayo sa binata ay naramdaman na niya ang paghawak nito sa kanyang braso. Awtomatikong nanulay ang kakaibang init sa kanyang sistema na tanging si Kevin lamang ang naghahatid sa kanya. "You can't leave. Stay...Charlene."

Napapikit siya. "W-why?"

Ilang ulit ba niyang gustong itanong iyon sa binata noon? Hindi siya nito binigyan ng rason noon para manatili sa tabi nito at kung uulitin lamang nito iyon ngayon sinisigurado niyang masasaktan almang siya kung mananatili siya. She had enough of it for days now. Kung makikipaglaro lamang ito—

"Because I need you."

With his words, her heart went out to him. Sa ilang araw na hindi niya pagpapakita sa binata ay parang unti-unti niyang pinapatay ang kanyang sarili at kahit anong pilit niyang gawin para lang makalimutan si Kevin ay tila hindi epektibo.

And now he was saying this thing when she has finally decided that she wanted to move on with her life and totally forget about him?

"You need me?"

"Yes, Charlene," he said. "You're still my assistant photographer. And you are not gonna leave unless I told you so." he said, his piercing eyes looking at her.

Umawang ang bibig niya dahil sa sinabi nito. Had she heard him right? "Haven't you seen what I brought? I'm resigning!"

Nilapit ni Kevin ang mukha nito sa kanya hanggang sa ga kamao nalang ang layo nila sa isa't isa. "May pinirmahan kang irrevocable na kontrata at kung bigla kang mag-qu-quit, you might get sued." His hot breath was fanning her cheeks when he spoke, and really she wanted to curse herself for liking every bit of it.

ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon