Simula ng Ulan

279 6 1
                                    

'Di inasahan ng isa na sa kanyang pagbaba ay bubuhos ang ulan

Dalawang taong pinagtagpo ay susukob sa iisang payong sa daan

Sa pagpasok nila sa buhay ng isa't-isa'y ang isa ay hahalikan

Ngunit ang saya ay nabura dahil ang isa ay sa iba nakalaan

--

Tasya


"Papunta na ako". Kausap ko ang ka-date ko sa mini-earpiece bluetooth habang binabaybay ko ang daan papuntang SM.


Napatingin ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa dahil makulimlim ang ulap ngunit maliwanag pa rin. Nakangiti pa rin ang araw.


Niliko ko na ang kotse ko. Maghahanap ako ng parking space.


Nang makapark na ako ay inanlak ko ang seatbelt ko. Bababa na sana ako pero tumunog ang phone ko.


Tumatawag na naman si chaks.


Kinuha ko ang mini-earpiece bluetooth. Tinapik ko ang aking phone sa tenga ko.


"Malapit na ko chaks". Chaks dahil chaka. Ewan ko ba dun sa kanya kung bakit gusto niya na chaks ang tawagan namin.


Inend ko na ang tawag. Bumaba ako ng kotse tsaka ko kinuha ang bag ko at sinara ang pinto.


Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan ngunit hindi ko inasahan na may magpapasukob sa'kin ng payong. Isang lalaki na ang kulay ng kanyang payong ay pula ngunit ang kanyang suot ay maihahambing sa akin.

 Isang lalaki na ang kulay ng kanyang payong ay pula ngunit ang kanyang suot ay maihahambing sa akin

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Tuwing Umuulan (Marñigo)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant