⚜️CHAPTER 9⚜️

1.1K 34 1
                                    

Zechariah's POV

Nang maka labas na ako sa banyo, nadatnan ko si Ezekiel na naka harap sa laptop niya. Hindi ko siya pinansin at lumapit sa maleta ko. Nang binuksan ko iyon wala na itong laman.

"Umm... Ezekiel" tawag ko sakanya

"What?" tanong niya pero nasa laptop parin ang tingin niya

"Nasan ang mga damit ko? Bakit wala ng laman ang maleta ko?" tanong ko

"Nasa loob ng walk in closet" sagot niya, tumango naman ako... alangan naman istorbohin ko siya eh busy siya

Naglakad kaagad ako sa loob ng walk in closet at doon nagbihis. Nang lumabas ako hindi parin niya tinatanggal ang tingin niya sa laptop.

"Yes! Eat that mother fucker!" sigaw niya

"Ezekiel! Pwede hinain mo ang boses mo? I'm sure natutulog na sina mama" sabi ko

"Tss... ang layo kaya ng kwarto nila dito, sa tingin mo maririnig nila ako?" inirapan ko nalang siya

Lumapit ako sa kama at humiga doon. Pinikit ko ang mga mata ko at handa na sanang matulog ng maramdaman kong may tumabi sakin. Sino pa nga ba? E di si Ezekiel.

Nabigla ako ng maramdaman ko ang braso niya sa bewang ko. Bumangon kaagad ako at tinignan siya ng masama.

"Dito ka matutulog?!" singhal ko sakanya

"Oo" sagot niya

"Doon ka sa sofa!" sabi ko

"Zechariah, for your information... kwarto ko to, lahat ng nakikita mo sa loob ng silid na to ay akin... meaning, akin din tong kama kaya wag mong sabihin sakin na sa sofa ako matutulog" nakangiti niyang sabi

"E di ako ang matutulog sa sofa! Bahala ka diyan!" sigaw ko at kumuha ng unan. Naglakad ako patungo sa sofa at doon humiga. Nakaka inis siya! Parang pina mukha niya sakin na nakikitira lang ako dito sa bahay nila!

Kinabukasan, nakangiti akong gumising pero nakapikit parin ang mga mata ko. Nang kinapa ko ang phone ko para malaman kung anong oras na naramdaman kong parang lumaki ata ang kama ko.

Teka, bakit ang lambot nitong kama? Hindi naman ito malambot kasi kawayan lang yun. Tsaka bakit parang ang lapad nito?

Nang imulat ko ang mga mata ko, I just found myself in someone else's room. Teka, hindi ito ang kwarto ko. And it hits me, nasa bahay na nga pala ako ng mga Lopez. And I'm in Ezekiel's room.

Pero diba sa sofa ako natulog kagabi?

Nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko, nilinhon ko kaagad ito.

"Good morning" nakangiting sabi ni Ezekiel habang ako ay nanlalaki ang mga mata

I slept beside him? Paano? Sa sofa ako natulog kagabi! Did he carry me to his bed?

Oh my god! I just slept beside him! And I don't fucking like it!

Casanova's PreyOnde histórias criam vida. Descubra agora