⚜️CHAPTER 4⚜️

1.2K 36 1
                                    

Zechariah's POV

Napag desisyonan kong pumunta sa bahay nina lola kung saan tumutuloy ngayon sina papa at Kylie. Kukumustahin ko lang naman kasi sila.

Nang lumabas ako ng bahay, wala na ang itim na kotse kaya napahinga ako ng maluwag at pumara ng taxi.

Nang makarating na ako sa bahay nina lola kumatok laagad ako sa pinto.

"Sandali lang po!" sigaw ng isang babae mula sa loob, at alam nkonh si Kylie iyon, nang bumukas iyon napatigil si Kylie at ngumiti sakin

"Ate!" masaya niyang sabi at niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik ng sobrang higpit

"Miss na miss na kita ate!" sabi niya

"Miss na miss na din kita Kylie" masaya kong sabi, mga 5 minutes siguro kami nagyakapan

"Nga pala, nasan si Dad?" tanong ko, speaking of dad... bigla nalang siya lumabas

"Anong ginagawa mo dito?!" galit niyang sabi

"Masaya ka na ba sa mga nangyayari, Zechariah?! Masaya ka bang nakikita na naghihirap na kami ngayon?!" sabi ni dad

"Nandito ako para kumustahin kayo!" sabi ko

"Shut up!" sigaw niya

"Dad, sa loob nalang po kayo mag usap ni ate, pinag titinginan na tayo ng mga tao" bulong ni Kylie

Pumasok naman kaagad kami ni papa. Pinaupo ako ni Kylie sa sofa at umupo sa tabi ko. Si papa naman ay umupo sa pang isahang sofa.

"Kylie, go to your room" ma awtoridad na sabi ni dad

"But—"

"No buts" bumuntong hininga si Kylie at napilitang pumasok sa kwarto niya

"Anong pakay mo dito Zechariah?" tanong ni dad

"Nangungumusta lang" sabi ko

"Nandito ka ba para pagtawanan ako?" sabi niya

"Tss... ano ba kasing nangyari?" tanong ko, huminga ng malalim si papa bago nagsalita

"Isinuko ko sa banko ang mansyon, pati na rin ang kompanya at iba pa nating business para lang gawing kolateral. Nangako ako sakanila na babayaran ko sila, kahit na hulog hulogan lang. Pero paano ko sila mababayaran? Nasa kanila na ang lahat, paano pa ako magkakaroon ng income? Pero kapag hindi naman ako nagbigay sa kanila ng bagay na maaaring magpatunay na magbabayad ako sa utang ko ay ipapakulong nila ako" sabi niya

"Binigyan nila ako ng palugit na isang taon... at kapag hindi ko sila nabayaran sa loob ng isang taon ay tuluyan ng magiging sa kanila ang lahat. At sasampahan pa nila ako ng kaso at siguradong makukulong ako" naiiyak niyang sabi

"Kaya Zechariah, tatanungin kita... gusto mo ba na habang buhay kaming maghirap? Hindi na makakapag aral si Kylie. Hindi ka ba naaawa sakanya?" natigilan naman ako sa sinabi ni dad, bigla kong naalala ang nakita ko sa balita kagabi

Nagbuntong hininga ako at tumingin ng deretso kay dad.

"Papayag na ako..." nabigla siya sa sinabi ko

"Payag na akong magpakasal..."

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now