“Chill, hindi mo kailangang sumigaw.” Trey said may nginunguya syang candy sa loob ng bibig.

“Ah.” Grey. Uhm, let’s consider that as agreement.

“Kalma? Paano ako kakalma?. eh ako na naman ang aayos ng mga problema nyong mga ungas!” Napahawak sya sa ulo na parang mababaliw. “Hindi ko na kaya! Kulang na lang hatiin ko ang katawan ko sa dami ng trabaho! I’d rather feed myself to the devil than be with all of you.”

“O.A ka na Cris ha.”

“clap clap clap!.Galing pang-FAMAS!”

“I’m sure Iluluwa ka ng demonyo. Ang reason? Ang pait mo raw.” At nagtawanan ang mga kulokoy na agad ding nawala ng makitang seryoso ang mukha ng Manager.

“May nakakatawa ba?” nakataas pa ang isang kilay nya then tumingin sya sa akin. “At ikaw Chad.”

“Bakit na naman?” prenteng nakaupo ako sa sofa habang nakatingin sa kisame. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Oo na si sofia na iniisip ko! Punyeta!. Hanggang ngayon damang dama ko pa rin ang pagsampal nya sa akin. Kung paano ko sya kabilis nahanap ganoon din sya kabilis nawala.

“ikaw ang leader ng grupo tapos malalaman kong ikaw ang pasimuno ng gulo. Akala ko ikaw ang pinaka matured sa mga nandito.”

Ano bang ginagawa ng mababait na bata? Pasok sa kabilang tenga labas sa kabila?.

“Paano ko aayusin ang gulo nyo ha? Tell me!”

“Bayaran mo ng pera…” nagkibit ako ng balikat. “Simple as that.”

Cris smirked. “Kung makapagsalita ka akala mo ganoon lang kabilis ang lahat.”

“Kaya mo yan Cris. Tiwala lang!” Jace.

“Oo nga, yung iba nga dyan walang Tatay eh.” Dare

“Yung bata nga nadapa hindi umiyak.” Grey.

“Uhm, ecshuse me Tris, bhakish ghanito ang lasa ng khendi nila sa Condo” Trey asked, limang candy ang sabay sabay na nasa loob ng kaniyang bibig.

                 Tiningnan lang ni Cris ng masama si Trey. “Yung totoo Trey?. Sabon yan eh”

                Trey face was like ‘huh?’ “Kaya naman pala ang weird ng lasa.” I am expecting him to throw out those candies from his mouth pero hindi nya ginawa. He just only says “Uuuy ha infairness, masarap sya.”

                What a total munch!.

Napailing iling na lang si Cris sabay tingin sa wristwatch then napatapik sya sa noo. “Shit! May press conference pala kayo ngayon…”

Infatuation & ReflectionWhere stories live. Discover now