Napasipol si Rica. “Uhh, that’s harsh.”

“I know right.”

And someone needed to teach him a lesson.

Yung hindi nya makakalimutan!.

**

-Chad’s POV-

“What’s the meaning of this?!” umaalingawngaw ang boses ni Cris sa bawat sulok ng Condominium. Ginaya pa ni Trey ang facial expression ni Cris dahil sya ang nasa likod nito.  “God! kailan ba kayo matututo? lagi nyo na lang pinapasakit ang ulo ko.”

By the way si Cristina ang manager namin. Bata pa yan I guess mga nasa early twenties?. Actually, wala namang nakakaalam sa eksaktong edad nya eh. Kapag tinatanong namin ang edad nya lagi syang nakasinghal sa amin na para bang babaeng nagme-menopause.

Or perhaps dumadaan sya ngayon sa maagang Menopausal stage kaya ganiyan sya umakto.

“And Trey stop mimicking me!” she said. “I have eyes at the back of my head.”

 Trey scratched his head. “Good Morning Cris! Bakit ang aga aga nakabukas na naman ang amplifier mo.” Naupo na lang sya sa lapag dahil puno na ang mahabang sofa. May nakita syang candy jar sa ibabaw ng table.“Uyy, candy! Yumyum.”

“Morning.” Panay ang hilot ni Jace sa sentido nya. Sa lahat kasi sya ang may pinakamaraming nainom kagabi. Nakataas pa ang isang paa nya sa arm rest ng sofa.

“M.U.” that’s Dare. Nakalaylay ang ulo nya sa sandalan ng sofa habang may nakapatong na malamig na coke in can sa noo nya ng walang hawak. Who in the right mind can do a stupid stunt like that?. Si Dare lang.

“Tigil tigilan nyo ko ng pagpapacute nyo!” Kung anime character si Cris baka nagbubuga na sya ng apoy sa sobrang galit.“I cant believe this!” palakad lakad pa sya sa harapin namin ako tuloy ang nahihilo sa kanya. “Sinira nyo ang buong Bar!. Para kayong mga bata!.  Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo.”

“Easy ka lang Cris.”

“Easy?.” The corner of her lip lifts a little. Meaning she is in the mood for ‘war’. “Kadarating nyo lang sa Pilipinas tapos ano ganito na agad ang nangyari?. Jeez, Wala na ba talaga kayong pakialam sa reputasyon nyo?. Ano na namang isusulat sa inyo ng mga papparazi.”

“That we are heaven sent to girls.” ngising aso si Jace.

“Coolest guy in the world” Dare, tinanguan nito si Jace.

“And most of all, a Sex god!”

Biglang hinampas ni Cris ang coffee table. “NILOLOKO NYO BA AKO!!.”

Atras kaming lahat. Cris can be really intimidating lalo na kapag ay galit. One of the main reason kung bakit malaki ang respeto namin sa kanya. Kahit mga lalaki kami kayang kaya nya kaming pasunurin. Well, except for me.

Infatuation & ReflectionWhere stories live. Discover now