Chapter forty eight

Start from the beginning
                                    

Parati kong napapanaginipan na nasa Pool Area kami ng sarili naming bahay at tinuturuan ni Kijan ang dalawang Anak naming lumangoy dahil sabi niya saakin kailangan patunayan niya sa mga Anak niya na wala siyang takot kaya naman bago palang ako manganak, nag swimming lessons pa siya para lang harapin ang takot niya. At ako? Ako ang naghahanda ng magiging merienda ng mga Anak at ang pinaka mamahal kong asawa pagkatapos niyang turuan lumangoy ang mga Anak ko.

Simple lang ang gusto kong pamumuhay. Alam ko kung gaano kayaman si Kijan na kahit pa bumili siya ng ilang ektaryang lupain para pag tayuan ng isang Mansion ay hindi ko parin magagawang tirhan. Bakit? Dahil ayokong tumira sa isang napaka laking bahay na kahit anong ganda nito, nababalutan naman ng lungkot. Gusto kong tumira sa pinapangarap kong bahay—sa pinapangarap namin ni Kijan na bahay.




Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na 'yon noon, tuwang tuwa ako na halos hindi ako na makatulog sa gabi. Ipipikit ko na nga lang ang mata ko pero mapapaisip muna ako sa mga pwedeng mangyari sa oras na ayain ako ni Kijan mag pakasal. Yung tipong kahit tanungin ako ni Kijan anytime, sasagot ako ng "Oo". Hindi dahil sa nag mamadali ako, o sabik na sabik akong maging asawa niya kundi sa ilang taong hindi ko nakapiling ang taong mahal ko, sa haba ng panahon na tinago ko ang nararamdaman ko, ngayon ko pa ba patatagalin 'to? Kung alam ko naman sa sarili ko na tangina siguradong sigurado na ako dito!

Pero lahat ng 'yon, bigla nalang nagbago.






Bigla akong napanghinaan ng loob..


Sa tuwing ipipikit ko na ngayon ang mga mata ko sa gabi para matulog, mapapaisip nalang ako na "kapag ba tinanong niya ako, anong isasagot ko?" Noon wala akong pinag pipilian sa ''Oo at Hindi." Kasi alam ko noon sa sarili ko, na kahit na anong mangyari kay Kijan ang bagsak ko. Kumbaga, ulan ako at lupa siya. Kahit anong gawin ko babagsak at babagsak ako sakanya.

Oo lang sana eh. Pero ngayon, sobrang dami ng pumapasok sa isip ko para mapasagot ako ng Hindi. Naging kampante kasi ako.

Hi-hindi ako dahil ayoko masaktan siya. Ayoko makitang nasasaktan siya ng dahil saakin. Kahit na ako ang magiging dahilan ng pagkawasak ng puso niya. Ang tanga lang, diba? Ayokong masaktan yung taong mahal ko pero sasagutin ko siya ng "Hindi" "Ayoko" Hindi ba mas doble ang sakit non kapag ginawa ko sakanya 'yon? Para ko narin siyang pinatay ng harap harapan.

Pero ito ang realidad.

Ayokong masaktan siya sa oras na malaman niya na darating ang panahon na hindi ko muling masisilayan ang mga ngiti sa mukha niya sa tuwing kasama siya. Hindi ko na makikita ang sarili kong suot suot ang Wedding Gown sa harap ng salamin at makita ang mga Bridesmaid kong umiyak dahil sa tuwa habang nakatingin saakin. Hindi ko na magagawang mag lakad sa simbahan papunta ng altar sa isang kasal na kami mismo ang nag plano. Hindi ko makikita ang mga ngiting guguhit sa labi ng mga bisita kong dumalo sa kasal namin ng Mahal ko.. Hindi ko na makikita ang mga Anak kong lumaki habang tinuturuan sila ng Ama nilang lumangoy sa swimming pool. Hindi ko makikita ang pagharap ni Kijan sa takot niya sa tubig. Hindi ko na makikita ang pinapangarap kong bahay.

At ayoko maramdaman na 'yung simpleng bahay na tinutukoy ko ay maging kasing lungkot ng isang Mansion.

Takot na takot ako sa mga pu-pwedeng mangyari sa oras na sabihin ko sakanya ang totoo. Kaya kahit alam kong sobra siyang masasaktan, mas pipiliin kong ako yung mag mukhang masama sa mga mata niya. Ayokong magkaroon siya ng Anak na sa paglaki nito ay mawawalan rin ng paningin gaya ng Ina niya.

Last RoseWhere stories live. Discover now