Romblon
"And finally we're done with our third year! Cheers to that!"
Umalingawngaw ang boses ni Camille kasabay ng pagtaas nya ng isang baso ng whiskey. Sumonod agad ang iba naming kaibigan, nagsalubong ang mga baso sa ere habang sabay-sabay silang nagtiliian.
Ako lang ang hindi gumalaw.
"Yes! Finally!" sigaw ni Erin. "Here's to summer!"
"Summer!" sigaw ng lahat.
Napapikit ako sandali bago tuluyang ininom ang isang shot sa harap ko. Dumulas ang mapait na likido sa lalamunan ko at agad akong napangiwi.
Everybody cheered.
I didn't.
"What's wrong with you tonight?" tanong ni Camille habang umuupo sa tabi ko.
Sa dance floor ko ibinuhos ang tingin ko. Kumakaway ang ilaw ng bar sa mga nagsasayawang katawan habang dumadagundong ang bass sa sahig. Usually, I loved this kind of chaos.
Pero ngayong gabi, pakiramdam ko hindi ako makahinga.
"I can't go to Bali!"
Halos mapamura si Camille. "Ano?! Zari, ilang taon nating plinano tong trip na to!"
"I know."
"We already bought tickets!"
Napabuntong hininga ako at sumandal sa couch. Kahit anon gpilit kong mag-enjoy ngayong gabi, binabalik pa rin sa isip ang sigawan namin ni Mommy kanina.
"My mom wants us to spend the summer sa Romblon."
"E di sumunod ka tapos humabol ka na lang?" suhestyon ni Erin matapos ubusin ang isang shot.
I shook my head.
"Hindi ganon kasimple kay Mommy" Napairap ako. "At alam nyo namang ayokong bumalik doon"
Romblon was beautiful. Kahit noong bata pa ako, alam ko nang walang makakatapat sa dagat doon. White sand. Marble-black stones. Crystal-clar water.
Paradise.
So why did the thought of going back make my chest tighten?
"Buong summer ka ba doon?" tanong ni Camille.
"I highly doubt na papayagan akong bumalik agad." Napaubo ako nang bahagya dahil sa init ng alak. "Honestly? I feel like this summer's gonna bury me alive"
Tumawa sila.
Ako lang ang hindi natawa.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang pagkainis ko sa lugar na iyon. Ilang taon na rin naman mula noong huli akong bumalik, pero tuwing naiisip ko ang isla, parang may malamig na humahawak sa batok ko.
As if something there was waiting for me.
"Girl, masyado kang dramatic" Natatawang itinulak ni Erin ang balikat ko bago muling mag-abot ng isang shot. "Inom ka na nga lang"
Kinuha ko ang baso at at agad iyong ininom.
Maybe if I got drunk enough, I could forget the strange feeling clawing at my chest.
Because tomorrow, I was going back to the island I spent years trying not to remember.
***
Nagising ako nang biglang huminto ang tugtog mula sa cellphone ko.
Napamura ako sa ilalim ng hininga.
"Seriosly? Wala nang signal?"
Hindi pa nga kami tuluyong nakakatawid ng isla.
YOU ARE READING
Orasa (A Pre-Colonial Period Romance)
RandomAzarielle De La Merced is a very smart but stubborn girl. Whether by her wit, charm or threat ay palagi syang mayroong paraan upang masunod ang gusto. Pero paano kung sa hindi inaasahan ay puwersahan syang maglakbay papabalik sa nakaraan? Being in...
