Tumayo si Pierce hawak ang basong may lamang alak at lumapit sa kanya. "The next step will be marriage and if that happens, wala ka ng pagkakataong maghabol."

Namewang si Clarisse at natawa ng mahina. "That's my problem. Hindi mo kailangang makialam. Kung mawala man siya sa akin, ako naman ang masasaktan at hindi ikaw!"

Tumapang ang mukha ni Pierce. "But can you handle the loss?! Paano kung pagsisihan mo yan pagdating ng araw?! Ayokong umabot sa puntong kapag naiisip mo ako at ang naging kasunduan natin ay panghihinayang at galit ang mararamdaman mo! Mas gusto mo bang panindigan ang isang kasinungalingan kaysa ipaglaban ang kaligayahan mo at ng taong mahal mo?!"

Natahimik si Clarisse. She bit her lip and lowered her gaze. "What about you?" nag-aalalang sambit niya

.

"Me?" Tumawa ang lalaki. "Andito lang ako. I'll remain as your fake husband until the end kung yan ang ikinakatakot mo."

"Hindi yan ang kinakatakot ko. I'm afraid of myself! Paano kung masyado akong madala sa nararamdaman ko kay Lance. What if I become too happy at hindi ko na kayang panindigan ang kasunduan natin. Hindi mo pa nakukuha ang car center and I don't want to be unfair to you!" she said with shaky voice.

Ininom ni Pierce ang hawak na alak. He put the glass on the table and smiled bitterly. "Nakahanda ako sa lahat ng pwedeng mangyari," he answered.

Napatingin si Clarisse sa kausap nang may di makapaniwalang mukha. "P-Pierce.... bakit ginagawa mo ang lahat ng ito?"

Nilapitan ni Pierce ang dalaga at tumitig sa mga mata nito. He took another step closer at inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha nito. His eyes weren't blinking habang si Clarisse naman ay unti-unting pinanghihinaan ng mga tuhod. He stared at every feature of her face.

"I told you I'll do anything to make the woman I love happy... and yes you are that woman, Clarisse," he whispered.

Tumiklop ang isang tuhod ni Clarisse. Mabuti na lamang at nakahawak agad siya sa gilid ng lababo. Kumapit siya dito at pinilit labanan ang panghihinang nararamdaman. She turned her back from him and gazed at the sink. Her hands are shaking and her eyes are starting to get teary.

"W-Why me?" she asked with soft voice.

Muling naupo sa mesa si Pierce at kaswal na nagsalin ulit ng wine sa baso. "If I answered that, sasagutin mo rin ba ako kung bakit si Lance ang mahal mo?" ngingiti-ngiting tugon nito.

Clarisse looked at him. Ang bigat ng pakiramdam na nararamdaman niya ay unti-unting napalitan ng pagkainis nang makitang ngingisi-ngisi lamang ang lalaki. He smiles whenever she's in front of him or acts like a cool guy habang wala siyang kaalam-alam na nasasaktan niya na pala ito.

"That's exactly my point! Why do you choose to love a woman who's already in love with other man?! Ang daming naghahabol sayo! Kaliwa't kanan ang mga babaeng pwede mong pagpilian. Bakit mas pinili mong mahalin ang taong sasaktan ka lang?!" She raised her voice and her face gone red.

Mahinahong tiningnan siya ni Pierce. Her fist is clinched at nanginginig ang kanyang mga kalamnan. She's glaring at him.

Love Me TooWhere stories live. Discover now