Just a Dare Game.

96 15 33
                                    

 Sa room,

Nakatulala lang ako sa teacher naming di ko maintindihan kung anong language ang sinasalita niya kaya di ko rin maintindihan kung anong klaseng topic yung tinuturo niya saamin ngayon. Ah basta! I don't care kung babagsak ako sa 1st at 2nd grading. What I care the most is... my boyfriend! 

'Di ako makapaniwalang mag te-3 months na kami!  Sino ba namang di masasabik na makita ang isang modelo ng school sa ikatlong monthsary niyo? Ang swerte ko eh! :D :D :D  Saan kaya kami mamaya? May surprise kaya sya para saakin? Anong ireregalo ko sa kanya?? 

*RIIIINGG!!!*

*brrrt* *brrrt*  Ramdam kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.

(1 message recieved)

----

From: Trystan <3

     Hi babes :) kita tayo sa cafe Inigo mamayang 6. Suotin mo yung lavander na dress ah. Monthsary <3 

-----

Waaaaahh! kinilig ako.

Pero, bakit 'monthsary' lang? walang 'happy' ? pero sige na nga, may '<3' naman eh :D

Umuwi na ako sa bahay para mag ayos. Syempre, nagtaka sila papa at mama kung bakit daw ako nag ayos ng ganto. Ang sabi ko nalang, may party akong pupuntahan at kailangan meron ako dun. Alam ko kasing bawal magka boyfriend eh. Pero, ayun, nahulog ako eh. Sabi nga nila, follow your heart.

Lumabas na ako ng kwarto ko nung tapos na akong mag ayos. Inaya pa ako ni papa na ihahatid niya daw ako para daw grand entrance kasi nga bago nanaman yung binili niyang sasakyan. Pero humanap nanaman ako ng palusot para di nila malaman na makikipag kita ako sa boyfriend ko :D

Lumabas na ako ng bahay pero hinabol ako ng mama ko. Inabutan niya ako ng pamasahe. Ang bait talaga ng mga magulang ko! >:D

Pumara na ako ng masasakyan patungo sa cafe na sinasabi ni trystan.  Nung malapit na sa lugar, pumara ako at piniling mag lakad nalang. Maaga pa kasi eh. Malapit na ako sa cafe. Habang naglalakad ako, nakita kong may isang grupo ng mga lalake na nagtitipon sa gilid ng building ng cafe. Napatitig ako dun sa mga lalake at pansin kong, puro sila gwapo yung tipong parang mga modelo hindi mukhang adik na tambay. At lahat ng mga mukha nila pamilyar para sakin. Mas lalo na yung nasa gitna.

*RING* *RING* *RING*

Nag ring na yung phone ko. Nagpa-alarm kasi ako ng 5 minutes bago maga-alasais ng gabi. Ayaw ko kasing mag-hintay si trystan sa'kin. Binaling ko na ang tingin ko dun sa grupo ng mga lalaki at pinagpatuloy na ang paglalakad hanggang sa nakapasok na ako sa building. Pumasok ako sa loob at pumili na ng table para sa'min ni trystan. Pinili ko yung table na malapit sa glass. Maganda kasi tingnan yung view sa labas pag gabi. Tumingin ako sa relo ko at sakto, ala-sais na ng gabi. Kaunti palang ang mga tao sa loob at rinig na rinig yung musikang tinutugtog ng orchestra ng cafe.

Hawak hawak ko parin yung phone ko dahil inaabangan ko yung text o tawag ni trystan. Habang humihintay, napatingin ako sa buong paligid ko. Ngayon lang kasi ako napasok sa lugar na 'to. Masyado kong na-appreciate yung lugar pati na rin yung musikang tinutugtog ng orchestra.

Time check: 6:25 p.m.

Haiisshh. Ang bagal naman niya. Kinuti-kuti ko nalang yung phone ko habang hinihintay sya at yung text niya. Sa sobrang inip ko, kahit ano nalang yung pinindot pindot ko at napunta sa recorder. Voice recorder. *Light bulb* :D  I'll turn this on. Souvenir sa aming precious 3rd monthsary. 

Nilapag ko muna yung phone ko sa may vase. Parang siya pa yung babae eh  >_<  Pinanuod ko nalang yung orchestra hanggang sa wala na akong makita kundi puro itim lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a Dare Game.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon