Unfortunate Mischief

8 2 0
                                    

Mga ala-una na ng madaling araw nang matapos ng magkakaibigan ang pang-limang horror movie na kanilang pinanood. Nag-aya pa si Patrick na manood ngunit agad namang tumanggi ang kanyang nakababatang kapatid na si Joshua. Patungo na sana si Joshua sa kanyang kwarto nang sabihan siyang takot. Hindi maitanggi sa mukha ni Joshua ang hiya lalo pa’t nakita niyang tumawa si Kim na kasintahan ng kanyang kuya at si Sheena na kaibigan ni Kim. Walang nagawa si Joshua kung hindi ay pumayag. “Pero pang-huli na ‘to,” sabi niya sa kanyang kuya.

Isinaksak na ni Patrick ang kanyang USB sa TV at ipli-ney. Lima silang nanonood sa videong kanyang nadownload sa isang restricted site. Nagtaka ang matalik na kaibigan ni Patrick na si Kiefer kung movie pa raw ba ang kanilang pinapanood, “Ano ba ‘yan Patrick, wala man lang introduction at saka parang luma na ‘yan, movie pa ba ‘yan? Eh! Parang navideo-han lang ‘yan.” “Sshh! Manood ka nga lang jan!” sagot ni Patrick sa kanyang kaibigan.

Walang kamalay-malay ang mga kabataan na ang kanilang pinapanood ay isang banned video dahil nakapagdudulot ito ng matinding trahedya. Mapapanood sa video ang isang kulto na sumasamba sa isang demonyo, hindi rebulto kundi isa talagang demonyo na kulay itim at may dalawang sungay at ang tawag sa kanya ay demon of mischief.

Nakaramdam ng malamig na hangin ang magkakaibigan sanhi ng pagtayo ng kanilang balahibo. Napako ang kanilang mga mata sa pinapanood. Pupugutan na sana ng ulo ang kinidnap na bata na para ialay sa kanilang sinasambang demonyo ng biglang nawalan ng kuryente. Napasindak ang dalawang babae dahil wala silang maaninag dahil sa kadilimang bumabalot sa sala, napakapit na na lang silang dalawa sa kung sino ang kanilang mahahawakan. Agad naman inopen ni Patrick ang flashlight  ng kanyang cellphone, “Joshua at Kiefer  doon muna kayo sa kwarto ko mas malapit kesa naman pumunta pa kayo sa second floor. Sususnod ako sa inyo, sasamahan ko pa sina Kim at Sheena sa guest room. Hihintayin ko pang makatulog silang dalawa.” Sumunod naman agad sina Joshua at Kiefer sa utos ni Patrick.

Habang nakahiga ang dalawang babae bakas sa kanilang mukha ang takot. Hawak hawak pa ni Patrick ang kamay ni Kim. Samantala parang wala lang kina Joshua at Kiefer ang nangyari dahil masayang nag-uusap ang dalawa tungkol sa kani-kanilang sinisinta.

Mga kalahating oras bago nagkaroon ng kuryente at agad na lumabas ng silid si Joshua upang kumaha ng maiinom. Habang binabaybay ang daan patungong kusina ay laking gulat nito ng mapansing bumukas ang TV. Nilapitan niya ito upang mapatay nang biglang nag-play ang pinapanood nila kanina. Ngunit ngayon tanging ang demonyo lamang ang makikita. Gulat na gulat si Joshua ng mapagtantong nakatitig sa kanya ang demonyo. Kumaripas ito ng takbo papuntang guest room at agad na kumatok ng malakas. Mga ilang minuto pa bago buksan ni Patrick ang pinto dahil nakaidlip ito. “Bakit?” tanong ni Patrick. “K-kasi y-yung T-tv... y-yung d-d-demonyo,”  nauutal na sagot ni Joshua. Narinig naman ng dalawang babae ang sinabi ni Joshua at agad na lumkabas sa kwarto dahil sila ay natakot.

Tinungo nilang apat ang sala at nadatnan nila si Kiefer. Laking gulat naman ni Joshuua nang makitang nakapatay ang TV, “Kuya Kiefer pinatay mo ba ang TV.” “Hinid no! Nadatnan ko ngang nakapatay” depensa ni Kiefer. “Huwag mo nga kaming tinatakot Joshua!” galit na sabi ni Sheena. “P-pero... Tsk! Bahala kayo!” sabi ni Joshua at agad na tinungo ang kusina.

Pagkatapos uminom ni Joshau at lalabas na sana ito nang bigla siyang napahinto. Nag-iba ang kanyang ekspresyon at biglang naging tig-dalawang balintataw ang mga mata niya. Pumasok ulit ito sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Tinititigan niya ito ng bigla niyang tinusok ang kanyang leeg. Pilit niyang ibinabaon ang kustilyo hanggang tumagos ang kutsilyo sa kanyang leeg hanggang sa nawalan na siya ng hininga. Pagkabagsak ng kanyang katawan, natabig nito ang baso sanhi ng pagkabasag sa sahig na nagbigay ng malakas na ingay. Nataranta ang apat at agad na tinungo ang kusina ngunit biglang bumukas ang TV na kumuha sa atensyon ni Sheena. Katulad ng nakita ni Joshua ay ganon din ang nakita ni Sheena. Sabay na napasigaw sina Sheena at Kim. Kumaripas ng takbo si Sheena sa kusina. Napasalampak naman ito sa sahig ng makitang nakatarak ang kutsilyo sa leeg ni Joshua habang naliligo sa sariling dugo. Humahagulgol naman si Patrick habang kalong kalong ang kanyang duguang kapatid.

Hindi nakayanan ni Sheena ang kanyang mga nakita at kumaripas ito ng takbo patungo sa guest room. Agad itong humiga at ibinalot ang buong katawan sa kumot habang umiiyak. Mga ilang segundo biglang tumigil sa pag-iyak si Sheena at naging tigdalawa ang kanyang balintataw sa dalawang mata. Bumangon ito at kumuha ng gamot pa sa kanyang sakit. Binuksan niya ang lalagyan at ibinuhos ang mga kapsula sa kanyang kamay at agad nitong nilamon na parang bang baboy na takam na takam. Hanggang sa hindi makahinga at biglang bumula ang kanyang bibig at dumugo rin ang kanyang ilong. At tuluyan na ngang nalagutan ng hinininga si Sheena.

Samantala sa kusina, napag-isipan nila Patrick na pumunta sa istasyon ng pulis, sinubukan naman nilang tumawag ngunit biglang nawala ang signal. Sinabi ni Patrick kay Kiefer na puntahan niya si Sheena habang ihahanda nila ni Kim ang kotse. Naunang lumabas sina Patrick at Kim at agad namang kumaripas ng takbo si Kiefer patungong guest room ng biglang matisod siya ng upuan sa sala. Pagkatayo nito biglang bumukas ang TV at bumunagd sa kanya ang demonyong pinapanood. Hindi ito pinagtuunan ng pansin ni Kiefer bagkus agad niyang tinungo ang guest room. Pagkabukas nito ng pinto halos mapamura si Kiefer sa kanyang nakita. Bigla pa siyang nasuka dahil sa masangsang na amoy. Mga ilang segundo nang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kiefer at naging dalawa ang balintataw nito katulad kina Joshua at Sheena. Tinungo ni Kiefer ng walang kamalay-malay ang balkonahe sa pangalawang palapag. Natanaw naman nina Patrick si Kiefer. “Kiefer! Anong ginagawa mo jan?” sigaw ni Patrick ngunit hindi sumagot si Kiefer. Bigla itong tumalon at sa hindi inaasahan natusok ang kanyang dibdib sa patusok na drift wood na nakadisensyo sa plant box. Nagsisisigaw si Kim at humingi ng tulong ngunit paarang walang nakarinig sa kanya dahil wala ni isang kapit bahay ang gumising.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa nangyari kina Kiefer at Joshua. Lumong lumo si Patrick at sinisisi ang kanyang sarili. “Patrick! Paano na si Sheena? Baka nasa guest room siya,” naiiyak na sabi ni Kim. Wala silang kamalay malay na patay na rin si Sheena. Hindi makasagot si Patrick na animoy estatwa dahil sa mga nangyari. Nabuhay lang kanyang ulirat nang sigawan siya ni Kim, “PATRICK! ANO BA?!”. “A-ah… S-sige p-pupunta n-na a-ako,” nauutal na sagot ni Patrick.

Pagpasok ni Patrick sa bahay nadatnan niyang nakabukas ang TV. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan nang biglang nagsalita ang demonyo sa video, “Ikaw na ang sunod.” Biglang nawala ang takot sa mukha ni Patrick at napalitan ito ng blankong ekspresyon at naging tigdalawa ang kanyang balintataw. Walang kamalay-malay na tinungo ni Patrick ang kwarto ng kanyang magulang at hinanap ang baril ng kanyang ama at walang alinlangang ipinutok ang baril sa kanyang ulo na agad nitong kinapatay. Nabigla naman si Kim sa kanyang narinig at agad na pumasok sa bahay habang naghahalong luha at pawis ang tumutulo sa kanyang mukha. Nadatnan ni Kim na nakabukas ang TV at tumatawa na ang demonyo sa video. “Ikaw na ang panghuli, Kim!” sabi ng demonyo sa video. Tumindig ang balahibo ni Kim at imbes na matakot kumuha siya ng vase at ibinato sa TV. Nabasag ang ito at biglang umapoy. “Screw you!” sabi ni Kim. Mga ilang segundo nang biglang nagbago ang kanyang mga mata na katulad sa kanyang mga kaibigan. Kinuha niya ang kanyang charger ng laptop at kumuha ng stool at itinali sa mataas na parte ng hagdan at agad na tinali ang kanyang leeg.

Namatay ang limang kabataan sa loob lamang ng isa’t kalahating oras. Mga alas syete na ng umaga ng madiskubre ang kasindak-sindak na nangyari sa mga magkakaibigan. Labis ang paghihinagpis ng mga pamilya ng mga namatayan. Lumabas sa imbestigasyon na isa itong suicide. Walang nakitang ebidensya maliban sa hindi konektadong bagay sa pagtitiwakal ng mga kabataan, ito ay ang sunog na sunog na TV kasama na ang USB at laking gulat nila kung bakit hindi nasunog ang bahay. Laking pagtataka lang ng mga pamilyang nawalan kung bakit na nagawa ng mga magkakaibigan ang magpakamatay.

Habang sa kabilang buhay, nagsasaya ang demon of mischief nang madagdagan ng limang taong sasamba sa kanya. Lahat ng makakapanood sa videong napanood ng magkakaibigan ay sinsabing iniaalay ang kanilang kaluluwa sa demonyo.

○○○
Follow-Vote-Comment-BeAFan
lostvaynex

Unfortunate Mischief (One-Shot Story)Where stories live. Discover now